Chapter 7: Let's Go

64 9 2
                                    

Pagkatapos kumain ay agad na rin kaming tinipon para sa tour namin sa loob ng Museum. Nasa harapan kami ng pila ni Andrea. Nakita ko naman si Ashton sa may bandang likod. And actually, nando'n din pala si Daryl.

Nag-uusap kaya sila?

"Royalties, may I introduce to you the five pillars of Valiente Kingdom!"

Tinignan ko 'yung mga portrait na tinutukoy ng tourist guide namin. Ang taray naman ng mga suot nila. Halatang mga kagalang-galang silang royalties.

Binasa ko 'yung mga nakasulat.

Clarito.

Fuentes.

Mercedez.

Alegre.

Fellizar.

"That's my ancestor!" Tinuro ni Andrea ang portrait na may nakalagay na Mercedez.

"Archduke David Fellizar is Prince Daryl's Ancestor. Archduchess Jaylyza Alegre is Prince Kenneth's ancestor. And Archduke Eisen Mercedez is Princess Andrea's ancestor."

Lahat ng mga binanggit niya ay mga royalties na kaklase namin ngayon. Tinignan ko si Andrea at talaga nga namang proud na proud siya sa ninuno niya.

Ipinagpatuloy ng tourist guide ang pagpapaliwanag.

"And we also have Archduke Vincent Fuentes, the father of our present King and the great grandfather of Prince Ashton. Of course, the late King Nicholas Clarito, the great grandfather of Princess Nicole. We must acknowledge..."

Lahat ng kanyang mga sinasabi ay nabasa ko na sa mga librong ibinigay sa'kin ni Ashton. Katulad nga ng alam ko, walang political dynasty na naganap sa kingdom na 'to kaya ang Hari noon ay 'yung ancestor pa ni Princess Nicole. At ngayon ay 'yung father na ni Ashton. Pero baka si Ashton na rin ang magpatuloy ngayon ng pamamahala ng kanyang ama dahil sa magandang feedback na nakukuha ng pamilya nila mula sa mga tao rito sa Valiente.

Tinanaw ko 'yung mga artifact na nandito sa museum. Aalis na sana ako para tignan nang malapitan ang mga iyon dahil alam ko naman na lahat ng mga sinasabi ng tourist guide kaya lang ay natigil ako sa sunod niyang binanggit.

"And one of these days, baka ipagkasundo na rin sina Princess Nicole at Prince Ashton."

"Since silang dalawa na lang 'yung pure royal blood, nakasisiguro akong ipagkakasundo sila upang pamahalaan itong Valiente balang araw," pagpapatuloy niya.

Ramdam kong sinulyapan ako ni Andrea. At ramdam ko ring tinitignan ako ng ibang royalties ngayon dahil sa nakita nila sa restaurant kanina.

Pero wait, 'yon ang hindi ko alam. Hindi ko alam na posible pa lang ipagkasundo si Ashton at Nicole.

Tinignan ko 'yung Prinsipe sa likod at parang wala lang naman 'yon sa kanya. Nahagip ng mata ko si Daryl na ngumiti sa'kin kaya nginitian ko rin siya pabalik.

Mga dalawang oras siguro kami sa Museum bago bumalik sa bus para sa next na destination namin. Kasabay kong naglalakad pabalik si Andrea.

"Alam mo, hindi naman ako naniniwala na ipagkakasundo talaga 'yung dalawa. Paano ba naman kasi, hindi lumalabas ng mansion nila si Princess Nicole. Ni hindi nga siya nasisinagan ng araw. Hindi sila nagkikita at nag-uusap ni Prince Ashton."

"Atsaka feeling ko hindi talaga mag c-click 'yung dalawa. Alam mo ba, nu'ng nag slow dance sila nu'ng birthday ni Princess Nicole, parang wala lang kay Prince Ashton. Hindi ba dapat 'pag mga ganu'ng moment, mararamdaman mo na kung gusto mo ang isang tao? E kay Prince Ashton, wala. Poker face kung poker face. Ni hindi man lang mukhang masayang makasayaw si Princess Nicole."

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon