Chapter 37: Dream Fairy Tale

70 9 0
                                    

This will be the last POV of Tanaiah. Kung nakaabot ka rito, maraming maraming salamat. You've been part of their journey, of her dream fairy tale. But this is not the final chapter yet.

***
Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagbangon ko sa kama. Wait. Kama?

Tinignan ko ang hinihigaan ko ngayon at nanlaki ang mata ko. Nilibot ko pa ang tingin sa paligid para makumpirmang nasa kwarto nga ako, nasa kwarto ko sa tunay na mundo.

Pumikit ako saglit. Inisip ko ang mga nangyari.

Valiente.

Palasyo.

Queen and King.

Wedding.

Prince Ashton.

Napadilat ako. Si Ashton!

Totoo 'yung mga nangyari, 'di ba? Totoo 'yon? O panaginip lang lahat?

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Imposible. Imposibleng panaginip lang 'yon!

"Kakain na."

Napalingon ako kay Kuya na nakatayo sa tabi ng nakabukas kong pinto. Nanlaki ang mata ko at agad akong tumayo para yakapin siya.

"Bakit?" natatawa niyang tanong at ginulo ang buhok ko.

"Sino nagbigay niyan?"

"Ng alin?"

"Necklace."

Hinawakan ko ang nakasabit sa dibdib ko. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang rose pendant. Shit. Hindi panaginip ang lahat!

"Bumaba ka na. Dinner na."

Tumango ako kaya iniwan niya na akong tulala rito. Hawak-hawak ko pa rin ang rose necklace na bigay sa'kin ni Ashton.

Nahagip ng mata ko ang librong binili ko na siyang dahilan ng pagkakapunta ko sa kwento. Agad kong kinuha 'yon at nagpunta sa last page.

"Shit," mahina kong mura.

Natapos ang kwento nu'ng kasal ng dalawang character. So, pagkatapos naming ikasal ni Ashton ay 'tsaka ako nakabalik.

Wait. Kinasal kami?! Nagpagulong-gulong ako sa kama habang hawak-hawak ang mukha kong namumula.

"Naiah! Bumaba ka na!"

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Mama. Dali-dali kong isinuot ang tsinelas ko at lumabas ng kwarto para bumaba.

Naabutan ko si Mama na nagsasalin ng juice sa mga baso. Buhay na buhay siya. Malayong-malayo sa Mama kong duguan sa kwento. Si Papa naman ay sumulyap sa'kin at ngumiti habang nag-aayos ng mga pinggan, tinutulungan si Mama. Malayong-malayo rin sa Papa kong wala nang buhay nu'ng huli kong makita sa kwento. Si Kuya ay nakaupo na sa upuan habang nakataas ang kilay sa'kin.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. I'm finally home. Napatayo si Kuya nang makita akong umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?"

Dahil doon, napalingon sa'kin sina Mama. Hindi ko na napigilan at niyakap siya. Pagakatapos ay si Papa.

"Anong nangyari?!" Hindi malaman ni Mama ang gagawin habang tinitignan ang mga luha kong patuloy sa pagtulo.

Seryosong nakatingin lang sa'kin si Papa, para bang hinuhulaan kung bakit ako umiiyak ng ganito. Natatawa akong umiling sa kanila.

"Nanaginip lang po ako ng masama." Kahit alam kong hindi talaga panaginip ang nangyari.

Napabuntong-hininga si Mama. Pinaupo niya na ako at pinaghanda ng pagkain. Si Kuya ay nakatingin pa rin sa'kin ngayon at parang ayaw maniwala sa sinabi ko.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon