Pagkabalik sa sasakyan ni Daryl ay nagpatuloy sa pagbuhos ang mga luha ko. Tahimik siyang nagda-drive pauwi at ang mahihinang mga hikbi ko lang ang naririnig dito sa loob ng sasakyan. Wala siyang tinanong na kahit ano nu'ng nakita niya akong umiiyak. Pero sa tuwing sumusulyap siya sa'kin, nakikitaan ko ng galit ang kanyang mga mata.
Pagbalik sa resthouse ay inaya ko siyang pumasok pero umiling siya.
"I'll go home now."
"Salamat sa pagsama sa akin, Prince Daryl."
"No worries." Ngumiti siya nang malungkot.
Inantay niya muna akong makapasok bago siya tuluyang umalis. Wala pa sina Mama nang pumasok ako. Kaya nagkulong muna ako sa kwarto at doon ulit umiyak nang umiyak.
Bakit gano'n si Ashton? Hindi ba siya naniniwala sa sinabi ko? Bakit gano'n na lang kalamig ang mga tingin niya sa'kin? Hindi niya ba ako na-miss? Kasi ako, miss na miss ko siya. At... bakit nasa kwarto niya si Nicole? Hanggang sa kwarto nagpapanggap sila? Anong ginawa nilang dalawa?
Hindi na ba niya ako mahal?
Ilang araw na ang lumipas simula nu'ng huli kaming magkita. Nawala na rin 'yung issue tungkol sa aming dalawa dahil sa interview nila. Mas pinaniniwalaan din naman ng mga tao na mas mayroon sa aming kung ano ni Andrei.
Habag kumakain ng tanghalian kasama sina Mama at Kuya ay narinig namin ang malakas na pagbukas ng main door nitong resthouse. Nagtinginan kami at mabilis na tumayo para tignan kung sino ang mga pumasok.
"Archduchess Anna!" Gulat na gulat si Mama.
Matalim ang titig sa amin ng babaeng pumasok kasama ang kaniyang apat na security .
"So, it's really true that my son offered this resthouse to you."
My son? Mama siya ni Daryl?
Tinignan ko si Kuya na seryoso lang na nakatingin kay Archduchess Anna.
"I-I'm sorry. If you want, we will leave this house immediately," mahinahong sabi ni Mama.
"Dapat lang! Because you will put my son in danger once the royal family finds out that he's helping you." Tumingin siya sa mga security niya. "Make sure that they will leave this resthouse today."
Ibinalik niya ang tingin sa amin.
"Don't ask help from my son again!"
"We didn't ask for his help. He offered it to us," si Mama.
"Oh sure. Dahil kahit sino naman ay maaawa sa lagay ng pamilya niyo."
Kahit mukhang nainsulto ay pinigilan ni Mama ang sarili niyang magsalita pa.
"We'll leave this house immediately. I'm sorry, Archduchess," singit ni Kuya at iginiya kami para kunin na ang mga gamit namin.
Bago siya tuluyang mawala sa paningin ko, nagtakha ako nang makita ang mga matatalim niyang titig sa'kin.
Umalis kami ng resthouse na 'yon at naghanap ng pansamantalang matutuluyan sa mga malapit na hotel. Pero sa tuwing nakikilala kami ay agad din kaming tinatanggihan. Kanina pa mainit ang ulo ni Mama dahil doon. Samantalang si Kuya ay kalmado lang at sinusubukan pa rin ang iilang hotels.
Nagpahinga muna kami sa isang cafe nang mapagod. Dahil sa mga masasamang tingin ng tao kapag nakakasalubong kami ay kinailangan pa naming magsuot ng cap at shades. Um-order si Kuya nang maiinom at pagkabalik ay naging abala ulit siya sa kanyang cellphone.
Sa hindi ko na mabilang na tawag ay umiling siya. Sinubukan niyang mag-book sa pamamagitan ng pagtawag pero sa tuwing sinasabi niya ang kanyang pangalan ay gano'n pa rin, tinatanggihan pa rin kami.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...