Chapter 25: Cape Vista

56 9 0
                                    

Natatawa akong pinapanuod ni Ashton habang kumukuha ako ng pagkain. Pangalawang round ko na kasi 'to. E bakit ba, gutom ako at ang sarap ng luto niya.

Pagkatapos namin doon ay siya na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin. Nakipag-agawan pa nga ako sa kanya ng pinggan, pero wala rin, siya pa rin ang nanalo. Kaya habang nandoon pa siya sa kitchen ay pumasok na ako sa bathroom sa may kwarto. I need to take a bath.

Mariin akong pumikit nang mahawakan ko ang leeg ko. Pillit kong inaalis sa isip ko 'yung mga pinaggagawa ng siraulong director na 'yon.

Isinuot ko lang ang isang pares ng t-shirt at denim short na binili ko kanina. Lumabas na ako ng bathroom at doon na lang sa labas sa tapat ng malaking salamin nagpatuyo ng buhok.

Nilingon ko ang pumasok na si Ashton. Nagtanggal siya ng relo habang nakatingin sa'kin.

"I want a hot night," basa niya sa print ng t-shirt ko. "'Sure, Princess."

"Baliw." Binato ko siya ng tuwalyang hawak.

Natatawa naman siyang pumasok ng CR at iniwan akong namumula rito.

Hindi ko na pinansin 'yung print sa mga t-shirts na pinagkukuha ko kanina. I mean, napansin ko pero hindi ko na ginawang big deal. 'Yun lang din naman kasi ang hindi kamahalan. Ako na nga 'tong ibibili, kukuha pa ba ako ng mga designer na damit? Nasaan ang hiya ko roon?

Hinalungkat ko ang laman nu'ng paper bags para sana magpalit ulit. Mamaya kasi, asarin na naman ako ng prinsipeng 'yon. Pero na-realize ko na baka 'pag nagpalit ako ay masabihan lang akong defensive kaya huwag na lang pala.

Nahiga muna ako sa kama habang hinihintay siya. Hindi ko alam kung tabi ba kaming matutulog. Pero siguro nga ay tabi kami dahil wala naman siyang ibang tutulugan. Hindi naman pwedeng doon siya sa sofa sa may living room. Ang selfish ko kung doon siya patutulugan kung pwede naman dito. Malaki naman itong kama.

Nakatulog ako habang naghihintay. Nagising akong nakapatay na ang ilaw. Kinusot ko ang mata ko at hinanap siya. Naka-upo siya sa may table rito sa kwarto kaharap ang isang laptop. Naka-short na lang siya at walang suot pang-itaas.

Bumangon ako at lumapit sa kanya. Sinilip ko ang kung ano mang pinagkakaabalahan niya. Nakita kong mga cctv footage 'yon.

"Ano 'yan?"

Lumingon siya sa'kin. Nag-reflect agad ang galit sa mga mata niya. Kinabahan ako. May nagawa ba ako?

Hinila niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa lap niya. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

Nagtatakha ko siyang tinignan.

"I'm really sorry."

Huh? Bakit?

Tinignan ko ang laptop niya at baka may kinalaman 'yon doon. Nakumpirma kong cctv footage nga 'yon, ng school namin. Nag-browse pa ako ng ibang files at pinanuod 'yung iba.

May footage kung saan kita ang hallway. Nakuhaang binubuksan ko ang locker ko nang sari-saring mga basura ang tumambad doon. Mayroon din sa likod ng school building kung saan pinagbabato nila ako ng kung ano-ano. Sa classroom din na hindi ko alam na may cctv din pala. Nasa isang sulok lang 'yung cctv pero kitang-kita ang mga nangyayari. Nahagip pa nga 'yung pangyayaring sinabuyan ako ng harina nina Victoria.

Pinindot ko pa 'yung iba. Mayroon ding footage kung saan ni-lock nila ako sa classroom at pinakawalan ang mga tarantula. Pinanuod ko 'yung sarili kong iyak nang iyak habang nasa tainga 'yung cellphone. Ito rin pala 'yung oras na tinawagan ko si Ashton at naputol siya pagkarinig ko ng boses ni Nicole.

At 'yung kaninang umaga lang na footage, nandoon din sa laptop. Kita 'yung hallway kung nasaan ang girl's bathroom. Pumasok ako roon. Ilang minuto lang ay sunod ding pumasok 'yung tatlong ugok. Nagmamadali akong lumabas na punit na ang uniform habang sinubukan pa akong habulin nu'ng dalawa.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon