Chapter 18: Huwag na

45 9 0
                                    

Kinaumagahan, wala pa rin sina Mama. Sabi ng kasambahay ay may inasikaso daw sila. Kaya ako lang ang mag-isang nag-breakfast sa hapag.

Driver ulit ang naghatid sa'kin ngayon. Pagpasok ng classroom, si Ashton agad ang bumungad sa'kin. Nasa akin ang mga mata niya pero binalewala ko 'yon.

Umupo ako dalawang upuan ang pagitan mula sa harap niya. Mga limang royalties pa lang ang nandito at may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. Kung kailan naman kailangan ko ng kausap, 'tsaka wala si Andrea.

Dumating na si Daryl kaya nabuhayan ako. Ang awkward kasi na ako lang dito mag-isa na walang kausap tapos ramdam ko pa 'yung presenya ni Ashton sa likod. Sinulyapan muna ni Daryl si Ashton bago siya dumiretso sa tabi ko.

"How are you?"

"Okay naman."

"Really?"

"Oo nga," natatawa kong sagot sa kanya.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Sapakin ko na ba si Ashton?"

Tinulak ko siya at tumawa.

"Oy, huwag."

Dumating na ang ibang royalties pati na rin ang magtuturo. Literature ang subject namin ngayon. Nag-discuss muna siya sa kalahating oras pagkatapos ay binigyan niya kami ng gawain. Kailangan naming gumawa ng isang short story na ipapasa rin ngayon.

Sumunod ang personal development na subject. At naloka ako sa pa-activity ngayon ni Lady Jaz. Kailangan kasi naming ipakita inidividually sa harap ang mga talent namin. Akala ko nga sa mga susunod na araw pa kami magpe-present para makapaghanda pero ngayon daw mismo. It's an on-the-spot presentation!

"Listen, royalties, pretend that you're going to audition in a talent search. Say your name, age, and also mention something related to your talent. Like, 'I'm Jasmine Escar, 27, the Dancing Star of Valiente'"

Hindi na ako nagtakha sa mga pakulo niya. May pagka-millenial din kasi itong teacher namin. Halatang hindi rin siya ready dahil binigyan niya pa kami ng mga kunyareng audition numbers!

Pero ano naman kaya ang magiging talent ko?

Nagsimula na siyang magtawag. Nauna si Daryl sa akin. Kakanta raw siya.

"Daryl Fellizar, 18, ang Cutie Singer ng Valiente." Sabay kindat.

Tumawa ako roon. Ngayon ko lang siya narinig magbuhat ng bangko.

Sa sobrang pagkamangha sa boses niya ay napa-standing ovation ako pagkatapos na agad 'kong pinagsisihan. Ako lang kasi ang tumayo. Natawa si Daryl kaya ginulo niya ang buhok ko. Pero seryoso, hindi ko akalain na may talent pala ang isang 'to sa pagkanta.

Hindi sinasadyang napalingon ako sa likod. Naabutan ko ang masamang tingin sa'kin ni Ashton. Oh? Anong ginawa ko sa kanya? Tumayo na ako dahil ako na ang next.

Nu'ng nasa harap na, ngumiti muna ako sa kanila. Pilit kong nilakasan ang loob ko. Minsan ko na nga lang maipapakita ang talent ko sa mga tao dito kaya bakit hindi ko pa ibibigay ang best ko, 'di ba? Atsaka hindi naman nila ako kilala personally. I mean, hindi nila kilala 'yung tunay na ako kaya medyo nabawasan na rin ang hiya ko.

"Hi! I'm Tanaiah Cuellar, 17, ang Drama Queen ng Valiente Kingdom!"

Huminga ako nang malalim bago nagsimula.

"Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? Nandito na ang Nanay.... Crispin Basillio!"

Lumapit pa ako sa mga kaklase ko at kunyareng nagmakaawa.

"Nakita niyo ba ang mga anak ko?! Nakita niyo ba si Crispin? Nakita niyo ba si Basilio?!... Huwag! Huwag po!... Ibigay niyo po ang anak ko sa'kin... Crispin, Basilio!"

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon