Chapter 8: It's a Date

75 10 1
                                    

Palabas na sana kami ng campsite nang may maalala ako.

"Hindi ba tayo magpapaalam sa instructor natin?"

"What for? I'm the prince," sabi niya habang diresto lang ang paglalakad.

Tinaasan ko siya ng kilay. 'Yabang.

"Sure ka ah. Hindi nila tayo pagagalitan?"

"Yeah."

"Okay. Hmm. May tanong pala ako."

Sinulyapan niya ako. "What?"

"Magkasama ba kayo ni Daryl kanina?"

"Daryl? No."

"Talaga? Ba't sabay kayong dumating kanina?"

"Nagkataon lang."

Tumango ako.

"Why did you ask?"

"Kasi nabanggit niya sa'kin nu'ng---"

"Nag-uusap kayo?"

"Oo? So, ayun nga, nabanggit niya sa'kin nung birthday ni Nicole na magkaibigan daw kayo. Then suddenly, hindi na raw kayo nag-usap. I'm curious if aware ka ba na friend ng character na ginagampanan mo si Daryl sa kwentong 'to?"

Tinignan niya ako saglit bago nagsalita. "I know that we're friends. I saw a picture of us together with your brother in my room."

"O, aware ka naman pala. Hindi ba dapat you should act as a friend to him kasi nasa mundo nila tayo at kailangan nating gampanan nang maayos 'yung character na pino-portray natin?"

"Yeah. But I'm not the kind of person who will push myself to other people just because it's needed."

Kumunot ang noo ko. "Hindi mo naman ipu-push 'yung sarili mo kasi magkaibigan naman talaga 'yung character niyo sa istoryang ito."

"Nah."

Okay. Tumahimik na lang ako sa sagot niya. Mukhang hindi ko talaga siya mapipilit na makipag-friends kay Daryl. Sabagay, kahit sa reality wala naman siyang itinuturing na kaibigan. Introvert at its finest.

"Let me ask you too."

Nagtaas ako ng kilay. Ano namang itatanong niya? Itatanong niya ba kung may boyfriend na ako kasi willing siyang mag-apply?

"Do you want to go back to our world now?"

Natigilan ako. Tipid akong ngumiti roon.

"Syempre gusto ko ring bumalik. Pero kung ngayon? Parang ayoko pa."

"Why?"

Kasi ngayong nandito tayo sa isang libro, malapit ako sa'yo. Kaibigan kita. At natatakot ako na 'pag bumalik na tayo sa reality, bumalik din tayo sa dati. Kung saan parang hangin lang ako sa'yo.

"Hmm. Ang ganda kasi ng lugar dito. Pansin mo, ito 'yung perfect imagination na maisusulat ng author sa kanyang kwento. Atsaka, prinsesa kaya ako rito. Dati ko pa pinapangarap na maging isang royalty at ngayon natupad na. Ikaw? Hindi mo ba na e-enjoy pagiging prinsipe mo? Magiging Hari ka pa nga."

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin.

"I'm also enjoying being here. It's like my boring life becomes different."

"Pfft."

Kumunot ang noo niya nang makitang nagpipigil ako ng tawa.

"Bakit?"

"Paano ba naman kasi hindi magiging boring ang buhay mo sa mundo natin, ni isa wala kang kinakausap."

"Tss."

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon