Malakas ang palakpakan ng bawat taong nandito. Masayang-masaya nilang pinagmamasdan si Nicole kasama si Ashton. Nakaangkla 'yung Prinsesa sa kamay ng lalaking kanina ko pa hinahanap.
Bakit hindi ko naisip na si Ashton ang posibleng partner ng kung sino mang Prinsesang 'to? Silang dalawa na lang naman ang Prinsipe't prinsesa na pure royal blood.
Pinaupo na kami lahat. Nakaupo na rin 'yung dalawa sa isang engrandeng couch na nakalagay sa stage.
Tinignan ko si Ashton. Seryoso lang siyang nakatingin sa mga tao. Ni hindi man lang ngumingiti. Pinagmasdan ko rin 'yung Prinsesa. Nakangiti siya pero 'yung sakto lang. Medyo nakaka-intimidate din para sa'kin 'yung aura niya.
Akala ko ako na 'yung mapagkakamalang birthday celebrant sa ayos ko. Pero nagkamali ako, wala pa rin talagang tatalo sa may birthday ngayon. Kung bongga na 'yung suot ko, mas bongga 'yung kanya. E hindi nga naman papayag 'to na matalbugan siya ng kahit sinong prinsesa sa mismong birthday niya.
Okay, I admit na mala diyosa nga ang ganda niya. Siya na 'yung nakita ko sa kwentong 'to na pinakaprinsesa ang datingan. Sino ba talaga author nito? Masyado naman niyang ginalingan ang imagination kay Nicole.
Tinignan ko ulit 'yung dalawa. Umirap na lang ako. Hindi sila bagay. Hindi talaga.
Nakita kong may ibinulong 'yung Prinsesa kay Ashton. At 'yung Prinsipe naman ay napangisi. Aba't! So friends na sila?
Ano kaya ibinulong ng isang 'yon? Pero hindi nagtagal ay bumalik na rin naman ang serious look ni Ashton.
Bakit ba masyado siyang nagpa-gwapo ngayon? Ano, gusto niya talagang maging partner si Nicole? Masyado din ang isang 'to eh.
Hindi na ako nakinig sa kung ano mang sinasabi ng host sa harap. Nawala na ako sa mood para sa party na 'to.
"What's the problem?"
Tinignan ko si Kuya na nagtanong. "Wala. Gutom lang ako."
Sakto, pagkasabi ko no'n ay in-announce na ng host na pwede na kumain. Umalis na sina Mama para yata pumunta sa buffet. Umalis na rin ako sa table namin at tamad na tamad na naglakad.
Pero imbes na sa handaan dumiretso, nagtungo ako sa labas ng mansyon. Nawala na ako sa mood kumain.
Pumunta ako sa may garden nila. Nang makakita ng butterfly house ay dahan-dahan akong pumasok doon. Pero nabigla ko yata ang mga paru-paro dahil bigla silang nagliparan.
Namangha ako sa lugar. Kahit hindi na masyadong kita ang paligid dahil madilim na ay nararamdaman ko pa rin ang mga paru-paro.
Hmm. Relaxing ang atmosphere. Ito ang kailangan ko ngayon.
"Pero ang lamig."
Kahit kasi may net na nag-co-cover para hindi makalabas 'yung mga butterfly, pumapasok pa rin ang malamig na simoy ng hangin. Nakalimutan kong nakabackless pala ako.
Enjoy na enjoy lang ako sa mga paru-parong lumilipad-lipad at dumadapo sa gown ko. Nagmistula tuloy silang design sa suot ko.
"Why are you here?"
Napalingon ako sa gulat sa kung sinomang nagsalita. Mas nanlaki ang mata ko nang makitang si Ashton 'yon.
Nang makabawi ay tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa pakikipaglaro sa mga paru-paro. From my peripheral vision, napansin kong naglakad siya papunta sa tabi ko.
"You should go inside."
Sa pangalawang pagkakaton, hindi ko siya pinansin. Wait. Bakit nga pala hindi ko siya pinapansin? Psh. Bahala siya diyan.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...