Chapter 29: Loss

54 8 1
                                    

Imbes na bumaba ay sumama ako kay Ashton papunta sa Palasyo. Nandoon naman pala sina Mama kaya tingin ko dapat ay pumunta rin ako roon.

Sinabi niya sa'kin na tungkol doon 'yung tumawag sa kanya kanina habang nasa Pub kami. They said that my father shot Nicole's father.

Nagulat pa ako roon. Pero sabi ni Ashton ay daplis lang daw iyon kaya nasa hospital pa ang Tatay ni Nicole.

Bumaba agad ako ng sasakyan pagkarating namin at agad na tumakbo papasok ng Palasyo. Pero bago pa ako tuluyang makapasok ay hinarang ng mga royal guards.

"Let her," mariing utos ni Ashton sa kanila kaya pinapasok din nila ako.

Natigil ako sa loob dahil hindi ko alam kung saan sila pupuntahan. Hinila ako ni Ashton papunta sa left wing ng Palasyo. Nakita ko agad ang mga royal guard na nagbabantay sa isang bulwagan.

Nang makita nila si Ashton ay binuksan nila ang malaking pinto. Hinila niya ako papasok sa loob. Malayo pa lang ay nakikita ko na sina Mama at Kuya na nakaupo sa tapat ng Hari at Reyna. Sa gilid nila ay ang naluluhang si Nicole.

Nanlaki ang mata ng Reyna nang makita kaming dalawa. Napatayo siya sa gulat.

"Why are you two... Ashton!" Hindi siya pinansin ng kasama ko at hinila ako patungo kina Mama.

"Tanaiah." Maluha-luha si Mama nang makita ako. Nag-aalala naman akong tinignan ni Kuya.

Umupo ako sa tabi nila. Sumalubong sa'kin ang seryosong tingin ng Hari. Napalunok ako. Hindi ko masyadong nae-encounter ang Hari dito o 'yung Papa ni Ashton kaya nakaramdam ako ng kaunting kaba.

Lumapit naman si Ashton sa pwesto ng Mama at Papa niya. Hindi niya pinansin ang maririing titig sa kanya ng Reyna.

Nasulyapan ko si Nicole na ang sama ng tingin sa'kin.

"You need to explain later. But let's finish this first." Ako naman ngayon ang tinignan nang mariin ng Reyna.

"Your family will be under investigation. Simula bukas ay hindi na kayo makakatapak sa Palasyo hangga't hindi natatapos ang imbestigasyon at napapatunayang nagkasala sa batas si Duke Kristoff."

"But---"

"That's final, Dutchess Ambridge."

Nangilabot ako nu'ng nagsalita ang Hari. Nakayuko lang ako dahil natatakot akong tignan siya.

Gusto pa sanang umalma ni Mama pero wala na siyang nagawa dahil ang Hari na ang nagsalita.

"At hindi na kayo pupwedeng lumapit sa kahit sinong royalties."

Napaangat ang tingin ko sa sinabi ng Reyna. Sakto naman na sinalubong niya ako nang masamang tingin.

Gusto kong magsalita. Gusto kong ipaglaban ang pamilya namin pero wala akong alam sa nangyari. Wala akong ideya sa ginawa ni Papa kahit alam kong hindi niya naman magagawa ang bagay 'yon.

Nagpatuloy ang Hari. "Once the investigation has proven what Duke Kristoff did, he will lose his royal title. If it involves your whole family, all of you will also lose its royal title."

Nanlaki ang mata ko. Salubong ang kilay na nilingon ni Ashton ang kanyang ama. Nakita ko kung papaano kumuyom ang kanyang panga.

Gustong magsalita ni Kuya pero wala rin siyang magawa.

Pagkatapos no'n, umalis na kami ng Palasyo. Sinulyapan ako ni Ashton at kakausapin sana pero umiling ako sa kanya. Baka mas lalo lang magalit ang Mama niya.

My father is not in the jail. Dahil iniimbestigahan pa lang siya, dinala muna siya sa Office of Jury ng Valiente kaya doon kami dumiretso.

Pagbaba ng sasakyan, nakita na agad namin si Papa. Mukhang tapos na rin sa ginawa niya at pauwi na.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon