Nakatingin pa rin ako sa kamay naming magkahawak. Napansin yata ni Ashton na iyon ang tinitignan ko kaya agad niya itong binitawan.
"Let's go," sabi niya at nauna nang maglakad.
Tsansing.
Pero ang nakakainis lang ay kung bakit hindi ko napansin 'yon. E 'di sana na-enjoy ko na 'yung moment.
Hinawakan ko ang pisngi kong namumula ngayon at sumabay na sa paglalakad sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami susunod na pupunta basta ayoko nang sumakay sa mga buwis buhay na rides kagaya nu'ng vikings.
Nakakita ako ng bump car kaya doon ko siya niyaya. Ganitong rides lang ang gusto ko!
Tawang-tawa ako habang siya ay nakangiti lang pagkatapos namin doon. Halos hindi kasi makagalaw 'yung bump car ko. Paano ba naman kasi, panay bunggo nu'ng ibang rider sa'kin. Sinubukan din namin 'yung stimulator ride. Panay ang sigaw ko sa tuwing malalaglag 'yung roller coaster kuno na sinasakyan namin.
"Let's eat," yaya niya nang matapos kami roon. Sumang-ayon ako. Pasado alas dose na rin at hindi pa kami nag lu-lunch.
Nagulat ako nang makasalubong namin si Daryl kasama ang ilang royalties. Medyo nagulat din siya nang makita kami ni Ashton.
"Hello, Princess Tanaiah."
Bati niya kaya binati ko rin siya pati na ang royalties na kasama niya. Ngayon ko lang napansin na puro mga lalaki sila. Nasaan kaya si Andrea?
"Mag lu-lunch na ba kayo? You can join us."
Tatango na sana ako sa pero nagsalita si Ashton.
"No. We're still going to try some rides."
Nakakunot ang noo ko siyang tinignan. Akala ko ba kakain na rin kami?
"Ohh. We'll just see you later then," si Daryl at nagpaalam na. Ngumiti siya sa'kin.
Nang mawala sila sa paningin ko ay agad kong tinanong ang prinsipe kung hindi pa ba talaga kakain. Pero ang sagot niya ay...
"We'll eat first."
Sabihin niyo nga sa'kin kung hindi talaga siya magulo?
Nagpatuloy kami sa paglalakad, naghahanap ng makakainan. Ilang minuto rin kaming nag-ikot ikot hanggang sa mapunta kami sa resto na nasa harap namin ngayon.
Umupo kami sa isa sa mga table doon. Agad naman kaming binigyan nu'ng waiter ng menu.
Tinignan ko kung anong pwedeng kainin. Halos mapangiwi ako dahil puro berde ang nakikita ko. Iisang course lang yata ng meat ang mayroon sila.
"What's your order?"
"Butter-Basted Rib Eye Steak and Turkey Bolognese," sagot ko.
Nagtaas siya ng kilay.
"Why?" I mouthed.
Pero imbes na pansinin ako ay bumaling na siya sa waiter.
"2 orders each."
Mga 10 minutes siguro ang itinagal bago dumating ang order namin. Natatakam na ako sa steak na nasa harap ko pero pinigilan ko ang sariling sunggaban ito agad. Nakakahiya naman sa prinsipeng ka-date ko.
Alam ko, ang feeling ko. But I just want to savor the moment. Hindi ko alam kung kailan pa mauulit 'to.
Tahimik kong kinakain ang pasta. Gano'n din si Ashton.
"You're not really fond of vegetables, huh," sabi niya.
Alam kong alam niya na hindi nga ako kumakain ng gulay. Nabanggit niya lang siguro ulit dahil napansin niyang walang masyadong gulay 'yung inorder ko.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...