"Thank you, Prince Daryl. We really owe you this."
"No problem, Duchess. I'm more than willing to help." Nginitian niya si Mama at ako naman ang hinarap.
Nakarating na kami rito sa sinasabing tutuluyan namin ni Kuya. Kanina, nu'ng wala kaming masakyan ay si Daryl na ang naghatid sa amin dito sa rest house nila. Oo, rest house nila. Nasa Valiente pa rin kami pero nasa may suburban nang parte ito.
Pabiro akong nag-bow sa kanya.
"Salamat, Prince Daryl."
Natawa siya sa ginawa ko pero naki-bow na rin.
"You're welcome, Princess Tanaiah."
I can say that he's really a true friend. Ni isa walang gustong tumulong sa amin dahil naniniwala silang ginawa talaga ni Papa 'yon kay Ashton. Pero heto si Daryl at binigyan pa kami ng panandaliang matutuluyan.
Nilingon ko si Mama na inaayos ang mga gamit namin at si Kuya na may kausap sa cellphone niya. Pagkatapos ay ibinalik ko ulit ang tingin kay Daryl na malungkot namang nakatingin sa'kin ngayon.
"Are you okay?"
Ngumiti ako. "Oo? Kahit medyo depressing ang sitwasyon namin ngayon, okay pa naman ako. Well, kailangan talagang maging okay. Nilu-look forward ko na lang na magiging maayos din 'to."
Tumango-tango siya. "I see. Magiging maayos din talaga ang lahat. I'm helping Prince Denver about your father's issue. Kasama na rin doon 'yung issue na involve si Archduke Marcus kung saan tumutulong din si Prince Ashton. So, don't worry too much."
"Tumutulong si Prince Ashton?"
Nginisian niya ako. "Of course. He's your boyfriend. Hindi niya ba nasabi sa'yo?"
Umiling ako. "Hindi ko naisip na tutulong siya since ang Hari at Reyna na mismo ang nagbigay ng order sa amin."
"Well, palihim siyang tumutulong. The Queen will definitely stop him once she knew that Prince Ashton is involving himself in the investigation."
For sure, magagalit nga ang Reyna. Isang kahibangan nga naman ang pagtulong sa amin ni Ashton.
"Kumusta na pala si Ashton?"
"He's okay now. Nagpapagaling na lang sa hospital. Hindi naman masyadong malalim ang tama niya."
Nakahinga ako nang maluwag nu'ng kay Daryl na mismo nanggaling 'yon. Kahit binalita na na maayos na siya, nag-aalala pa rin ako.
"Hindi mo pa ba siya nakakausap?"
Umiling ako.
"I tried to contact him nu'ng araw na nabaril siya pero si Nicole ang sumagot."
"Ohh. Si Nicole nga ang nagbabantay sa kanya ngayon."
Tipid akong ngumiti. Pinapanuod niya ang reaksyon ko kaya inirapan ko siya. Natawa naman siya nang mahina.
Bago siya umalis ay nagpasalamat ulit ako. I'm glad na hindi siya naniniwalang ginawa iyon ni Papa, at tinutulungan niya pa kami.
Pagkaalis niya ay siya ring pag-alis ni Kuya. Pupuntahan daw niya si Papa sa kulungan kung nasaan siya ngayon. Gustong sumama ni Mama pero sabi ni Kuya ay sa susunod na lang daw.
Nalulungkot ako sa tuwing naiisip kong nasa kulungan ang Papa ko dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Tingin ko'y hindi talaga tama ang ginawang pagpaparusa sa kanya.
Napaisip din ako kung sino ba talaga ang gumawa no'n, at si Archduke Marcus, ang Papa ni Nicole, lang ang sumasagi sa isip ko. Pero si Nicole raw talaga ang tunay na target kaya parang imposible namang gawin sa kanya 'yon ng mismong ama niya.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...