Nanatili ang tingin ko sa dalawa. Hindi lang pala ako nagulat kundi pati na rin ang mga schoolmate ko. And actually, si Ashton din.
Kumalas na si Nicole sa pagkakayakap niya sa Prinsipe at bumalik na sa inuupuan niya. Umupo naman ako sa tabi ni Andrea. Si Ashton ay nakita kong kay Daryl tumabi.
Nagtatakha ako kung bakit hindi kami tinanong ng instructor namin kung saan kami nagpunta at bakit kaming dalawa lang ang wala sa mga nakalipas na oras. Pero na-realize ko na hindi niya pala pwedeng kwestyunin ang Prinsipe ng kaharian na 'to.
"Prince Ashton and Princess Tanaiah, if you're wondering kung anong activity natin sa mga oras na 'to, you need to give a hug to a particular person that you are grateful for."
Tumango ako. Kaya pala bigla-bigla na lang nangyayakap si Nicole. Pero wait, ano namang pinagpapasalamat niya kay Ashton? Sabi ni Ashton hindi naman daw sila close.
Niyakap ako bigla ni Andrea. "Thank you for everything, my best friend."
Napangiti ako at niyakap din siya. "Thank you. Thank you for always being there for me."
Salamat kasi hindi pa rin ako nawalan ng best friend sa mundong ito.
Tinignan niya ako nang makahulugan.
"Bakit?"
"Saan kayo nag-date ni Prince Ashton?" tanong niya habang may kasamang pagtaas-baba ng kilay.
"Hindi kami nag-date." Hindi nga ba?
"Kung hindi kayo nag-date, saan kayo nagpunta sa halos apat na oras na wala kayo rito?"
"Sinamahan niya lang akong bumili ng ibang gamit ko. Kasi 'di ba nga, hindi ako preapred."
Nanlaki ang mata niya. "Sinamahan ka niya?!"
"Oo nga. What's the big deal?"
"Sinamahan kang mag-shopping ng Prinsipe ng Valiente tapos what's the big deal? Pero bakit? Bakit ka niya sinamahan?"
"Because we are friends?"
Nanliit ang mata niya sa'kin. "Friends lang ba?"
"Oo nga. Huwag kang ma-isyu. Mamaya may makarinig sa 'yo at paniwalaan pa nila mga sinasabi mo."
"Mukha naman kasi talagang kapani-paniwala ang mga sinasabi ko. Sa'yo lang kaya close si Prince Ashton."
"Dahil nga friends kami. Please lang, 'wag mo na akong ipilit sa kanya kasi alam naman natin na sila ni Princess Nicole ang endgame. Kaya 'yung prinsesa na lang ang ipilit mo nang ipilit imbes na ako."
"Ayoko nga. Hindi naman siya 'yung bestfriend ko eh," sabi niya na tinawanan ko. Sira talaga.
"To the students of Valiente and our royalties, this is now our last activity for today. You can go now and rest. Our activities will continue tomorrow."
Pagkatapos 'yon sabihin ng instructor namin ay sabay na kaming tumayo ni Andrea para magpunta sa tent namin.
Inayos muna namin 'yung mga gamit namin at naglinis ng katawan bago tuluyang humiga. Tinignan ko si Andrea na tulog agad kaya natawa ako nang mahina. Masyado sigurong napagod ang babaeng 'to ngayong araw.
Bago ko ipikit ang mga mata ko, inalala ko lahat ng mga nangyari ngayon. Oo't nag-enjoy ako sa pagpunta sa Museum at sa Valiente Garden pero mas nag-enjoy ako kasama si Ashton kanina. Biruin mo, ilang beses kaming napagkamalan na couple. Ang mas malala pa roon ay napagkamalan din kaming may baby na. Kaloka. At siyempre, nag-enjoy din ako sa paglalaro namin sa Arcade.
Tinignan ko 'yung Prince at Princess na stuffed toy sa tabi ko. Ito 'yung pinaghirapan niyang makuha kanina. Naalala ko rin tuloy 'yung pagsali namin sa condom event. Sinong mag-aakala na sa pagsali naming 'yon ay kami pa ang mananalo dahil sa paghalik niya sa'kin sa noo? Kung hindi namumula ang pisngi ko, bumbilis naman ang tibok ng puso ko sa tuwing maaalala 'yon.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...