Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na gising na ang diwa ko kahit mamayang ala syete pa naman ang sinabing oras na susunduin ako ni Ashton. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako.
Hindi ako excited. Baka nagising lang talaga ako nang maaga.
Bumaba na ako para mag-breakfast. Nakaligo na ako at dala-dala ko na rin 'yung mga gamit na dapat kong dalhin para sa pupuntahan namin.
Nagulat ako nang maabutan si Kuya'ng nagkakape. May mga papel at laptop sa harap niya.
Ang aga din nito ah.
Nag-angat siya ng tingin sa'kin nang lumapit ako. "It's too early. 7 pa ang alis niyo 'di ba?"
Nagpaalam na ako sa kanya kahapon pati na rin kina Mama. Wala naman na silang sinabi nu'ng malaman nila na si Ashton ang kasama ko.
Nagkibit-balikat ako. "Nagising ako nang maaga. Ikaw, bakit ang aga mo rin?"
Umupo ako sa tapat niya at kumuha ng bread loaf na nakahain at pinalamanan ko ng butter.
"I'm working for the qualifications of the position of the Duke."
"Pero ang aga pa. Pwede mo namang gawin 'yan mamaya 'pag may araw na."
"I just want to."
Tumango na lang ako. Sure naman akong makukuha niya 'yung posisyon na kagaya rin ng kay Papa dahil sa credentials niya. At araw-araw ba naman siyang wala rito at maraming tinatrabaho.
"Saan pala kayo pupunta?"
Nag-angat ako ng tingin sa tanong niya.
"Ewan. Hindi pa sinabi ni Prince Ashton."
Nanliit ang mata niya.
"Kuya, wala kaming gagawing... masama."
"Just making sure."
Kumagat ulit ako sa tinapay. Tumigil siya sa kung anong ginagawa at seryoso akong tinignan habang sumisimsim ng kape.
"Bakit?"
"You're just friends with him, right?"
Tumango ako.
"Well, it doesn't look like you're just friends to him."
Nag-iwas ako ng tingin.
"Wala naman akong problema sa kung anong mayroon sa inyo. I just don't want you to get hurt."
Nginitian ko siya. He really acts like my real brother.
"I know. Huwag kang mag-aalala." Tinuro ko ang dibdib ko. "I'll guard my little creature here for you."
Tumango siya at ngumiti na rin.
Natapos ako sa pagkain. Tinignan ko ang oras at isang oras pa bago ako sunduin ni Ashton. Napabuntong-hininga ako. Anong gagawin ko sa isang oras na 'yon?
Napahikab ako at medyo nakaramdam ng antok. Bakit kasi ang aga ko nagising. Baka pwedeng umidlip muna?
Hindi na ako umakyat ng kwarto at sumandal na lang sa sofa sa living room.
"My parents are still asleep."
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko. Nakita ko si Kuya na kabababa lang ng hagdan at nakataas ang kilay.
Bakit parang bumango ang sofa na sinasandalan ko?
Tuluyan ko nang idinilat ang mga mata ko. Si Ashton na nakangiti ang bumungad sa'kin. Nakasandal pala ako sa balikat niya.
"Good morning."
Lumayo ako. "Uhh, good morning."
"If you still want to sleep, go on. Nasabi ng Kuya mo na maaga ka raw nagising?" Ngumisi siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/146189646-288-k254516.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...