"Are you sure?"
"O-Oo! Sigurado ako sa narinig ko. Kaya please, umalis ka muna rito, Naiah."
Naiiyak akong tinignan ni Andrea. Gabi na at hindi namin akalain ni Kuya na siya kumakatok sa pinto kanina.
Nu'ng pagbuksan namin siya, bigla niya na lang akong niyakap at niyaya agad na umalis. Pinapasok muna siya ni Kuya at pinakalma dahil parehas naming ramdam ang matinding takot niya bago tinanong ang kanyang dahilan.
Narinig niyang nag-uusap ang mga magulang niya. Ang balita raw sa Palasyo ay ipahuhuli ako ngayong gabi dahil nakita ako sa CCTV ng mansyon nina Nicole nu'ng araw na sinundan ko si Mama. Dahil nga inaakala ng Valiente na si Ashton ang target niya, ngayong nakita ako sa CCTV, iniisip nilang kasabwat ako kaya ipahuhuli rin ako.
Kinabahan ako at nakaramdam din ng matinding takot nang malaman 'yon.
"Pero kailangan ko ba talagang umalis? Baka hindi naman talaga ako ikukulong at tatanungin lang kung bakit ako nakita sa CCTV? O ikulong man, hindi rin magtatagal dahil wala naman talagang mga ebidensyang may masamang pakay nga ako?" nalilito kong sabi.
Pero inilingan ako ni Kuya. "Sigurado akong 'pag nahuli ka nila, ikukulong ka nila. Even if they're going to question you, they won't still believe whatever you answer. Princess Andrea is right. You should leave immediately. I don't want you to end up like our father," galit niyang sabi.
Sabay silang tumayo ni Andrea. Kumilos na rin ako kahit nag-aalangan pa rin.
Kumuha ako ng isang backpack at naglagay ng ilang damit doon. Pakiramdam ko ay hindi lang ako aalis kundi magtatago.
Habang kinukuha ang sapatos sa ilalim ng kama, nakapa ko ang pana. Ito 'yung ginamit ni Mama nu'ng araw na 'yon. Kinuha pa rin ito ni Kuya at itinabi dahil ito ang huling bagay na hinawakan ni Mama bago siya... nawala.
Hindi ko alam pero kinuha ko 'yon pati na rin ang mga arrow. Kaya nu'ng handa na akong umalis ay bumaba ang tingin ni Kuya sa panang dala ko. Pero hindi na rin siya nagtanong.
"Talagang hindi ka sasama?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Nu'ng una akala ko ay sasama siya. Pero sabi niya, kailangang may madadatnan ang mga royal guard pagdating nila rito sa bahay para sabihing nagbakasyon ako. Kahina-hinala man ang dahilan namin at mas lalo lang akong lalabas na guilty, wala na kaming choice. Kaysa naman daw na mahuli't makulong nila ako, at magaya sa... kinahinatnan ni Papa sa kulungan.
"Sumama ka na lang, Kuya." Huling pilit ko pa sa kanya dahil nag-aalala talaga ako. Baka mamaya siya naman ang mapahamak! Posible iyon dahil iisipin nila na pinatakas niya 'ko.
Umiling siya sa'kin. "No. You should go. Makikibalita na lang ako sa lagay mo."
Inihatid niya kami sa sasakyang dala ni Andrea. Bago umalis ay sumulyap siya rito. Nag-iwas naman ng tingin itong si Andrea at nagsimula nang mag-drive.
Marami man akong pinagdaanan sa kwentong ito, hindi pa rin maiaalis na dakilang echosera ako. Kaya nilingon ko ulit ang nakatayong si Kuya kung saan namin siya iniwan kanina. At si Andrea na diretso lang ang tingin sa daan kahit nararamdaman ang pagiging ehosera ko.
Hindi alam ng mga magulang ni Andrea na nagpunta siya rito para tulungan ako. Alam naming maaari siyang mapahamak sa ginagawang pagtulong sa'kin kaya namamangha ako. Akala ko kasi, totally friendship over na kami.
"Salamat sa pagtulong."
Sinulyapan niya ako at nginitian.
"Siyempre, kaibigan kita."
"Akala ko hindi na?" pabiro kong sabi.
Bigla siyang nagseryoso at malungkot nang ngumiti sa'kin ngayon. Nagulat ako nang makita ang luha niya.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...