Chapter 10: Stranded

78 9 0
                                    

Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko pero tumigil na ako sa paghikbi.

Ayaw na ayaw ko talaga sa gagamba. Kahit 'yung gagambang tingting nga lang, kinakatakutan ko. Ito pa kayang tarantula na mas malaki pa sa kamay ko? Atsaka makakita nga lang ng gagamba naghe-hysterical na ako. Madapuan pa kaya?

"Are you okay now?"

Tumango ako at bumitiw na sa pagkakayakap sa kanya.

"S-Salamat."

Tumango siya sa'kin at inabutan ako ng panyo. Pinunasan ko 'yung mga luha kong matutuyo na sa pisngi ko.

Hindi ko na alam kung saan na napunta 'yung malaking gagamba kanina. Pagkadating kasi ni Ashton, bigla na lang 'yon nawala sa binti ko.

Agad akong pinamulahan ng mukha nang maalala kung paano ko siya niyakap. Gusto ko sanang kiligin kaya lang pinangungunahan pa rin ako ng takot dahil ramdam ko pa rin yung kaluluwa nu'ng gagamba sa binti ko.

"N-Nakita mo ba 'yung gagamba kanina?" tanong ko.

"No."

Suminghot ako dahil sa pag-iyak.

"Is that the reason why you cried?"

Tumango ulit ako. Pinagmasdan niya akong mabuti. Nang magkatitigan kami ay nag-iwas ako ng tingin.

"You have arachnophobia?"

"Oo."

Iniabot niya 'yung kamay niya para tulungan akong makatayo.

"Bakit ikaw lang mag-isa?"

"Kasama ko si Daryl. Umalis lang ako saglit pero pagbalik ko wala na siya rito."

Pinagmamasdan niya lang ako. Kaya wala akong ibang ginawa kundi magpalinga-linga sa paligid para maiwasan ang mga tingin niya.

"Let's go," sabi niya kaya sabay na kaming naglakad na dalawa. Tutok na tutok lang ang flashlight ko sa paligid dahil ayoko nang madapuan pa ng gagamba.

"Ikaw? Ikaw lang mag-isa?"

"I'm with Nicole."

Napatigil ako sa paglalakad pero agad din naman akong sumunod sa kanya. Sila pa rin pala ni Nicole ang mag-partner dito.

"Nasaan siya?"

"She also got lost."

Ohh. Hahanapin ba namin siya? Pero si Daryl din pala. Saan ba nagpunta 'yung prinsipeng 'yon?

"Did Daryl leave you?"

"Ah hindi. Sabi niya kukunin niya lang 'yung flag sa isang puno kaya hintayin ko lang daw siya sa pwesto ko. Kaya lang may nakita pa kasi akong isang flag---"

"You're really stubborn."

Napayuko ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Kaya ayan tuloy.

E si Nicole? Bakit kaya siya nahiwalay sa kanya?

"Hahanapin ba natin si Nicole?"

"We'll just continue walking until we see her."

Napansin kong nag b-blink-blink na 'yung flashlight ko. Ilang sandal lang ay namatay na ito.

"Uh, Ashton---"

Bago ko pa masabi 'yung dapat kong sabihin ay tumabi na siya sa'kin.

"Just stay beside me."

"O-Okay."

Tahimik lang kaming naglalakad sa gitna ng gubat. Wala na kaming flag na nakikita kaya mukhang nagdaan na rito 'yung iba.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon