"Unfortunately, we can't play basketball. There's a problem with the court we rented. The court in the palace is not available either."
Napalunok muna ako bago tumango sa sinabi ni Kuya. Buti na lang ay hindi nila kami tuluyang nakita sa ayos namin kanina!
Sinamaan ko ng tingin ang nakangisi pa ring Prinsipe.
"Good Morning, Prince Ashton and Princess Tanaiah!"
Nginitian ko 'yung mga kasama nilang royalties.
"We already fetched some of them bago namin nalamang hindi available 'yung court, so we decided to just hang out here. If it's okay with you, Prince Tanaiah."
"No problem, Prince Daryl, you are all welcome here."
Nginitian ko sila bago ulit umakyat sa kwarto ko.
May mga babaeng royalties silang kasama sa baba. Siguro ay nagbalak din manuod ng mangyayaring laro nila dapat mamaya. Pero hindi ko naman sila masyadong close kaya umakyat na nga lang ako. Si Andrea sa mundo na 'to lang naman ang close ko. Well, isama na rin natin pala si Kuya at Daryl. Close ko na rin naman si Ashton but he's an exemption since parehas nga kami ng pinanggalingang mundo.
"Naiah." Rinig kong tawag ni Kuya sa labas.
Tumayo ako at pinagbukan siya ng pinto.
"Why don't you come down and entertain our guests?" bungad niya.
"Ah kasi... alam mo naman na shy type ako."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Is it not because Prince Daryl and Prince Ashton are both downstairs?"
Kumunot ang noo ko roon. "Ano naman kung nasa baba sila?"
"Well, it will be awkward for the three of you to be in the same place if there are feelings involved, right?"
Napatampal ako sa noo sa sinabi niya. Hanggang ngayon ba pinupush niya 'yung love triangle namin? Jusko.
"Ewan ko sayo, Kuya. Kung gusto mo, bababa na ako."
"If you don't really wanna go, it's fine."
"Hindi. Bababa na ako. Baka mamaya kung ano na naman ang maisip mo."
"Okay," sabi niya at tinawanan ako.
Lumabas na ako ng kwarto at sumunod sa kanya.
Naabutan ko silang naglalaro ng video games. Actually, 'yung boys lang pala na kasama nila kasi 'yung girls ay nagkukwentuhan. Sina Ashton, Daryl at Kuya ay nanunuod lang sa nilalaro nila.
Umiwas ako ng tingin kay Ashton na nasa akin na ang mata habang bumababa ako ng hagdan.
Shit.
Dahil pinanunuod niya ako, ayan, natalisod ako.
Nakita kong natawa siya nang mahina. Tinignan ko 'yung mga bisita namin at buti na lang ay busy pa rin sila sa mga pinagkakaabalahan nila.
Nang tuluyan akong makababa, bumulong sa'kin si Daryl. "Don't worry, it was only me who saw that."
Okay. Siya rin pala nakita ang katangahan na ginawa ko.
"Princess Tanaiah, I would like to invite you to my birthday celebration tomorrow. I hope you'll come."
Nakangiti akong naki-upo sa mga classmate kong girls.
"Sure. Saan at anong oras?"
"Around 9 PM at a bar. I love parties kasi."
Napaisip ako ro'n. Wala akong maalalang nakapunta na ako sa bar. Kung pupunta ako, first time kong mararanasang p-um-arty.
"Okay. I'll come. Sasabay na lang ako kay Kuya."
![](https://img.wattpad.com/cover/146189646-288-k254516.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...