Nakatulala lang ako habang nagdi-discuss ng kung ano si Lady Yvonne sa harap (We call our teachers here Señora or Lady). Nandito ako ngayon sa classroom at imbes na makinig, kung saan-saan lumilipad ang isip ko.
Kanina ko pa talaga pinipigilan 'yung sarili ko na tumingin kay Ashton. Paano ba naman kasi, hindi ko talaga makalimutan 'yung sinabi niya sa'kin kahapon.
May nalalaman pa siyang "I'm trying to open myself now, especially for you."
Psh. Espe-especially tapos makikita kong sobrang close niya kay Nicole? Nako. Huwag ako, Ashton. Huwag ako. Anong akala mo sa akin, papaniwalain? Marupok? No way.
"Tanaiah."
"Yes?"
Agad akong lumingon sa kanya nu'ng tinawag niya ako. Tapos na palang magturo si Lady Yvonne.
"I can't make it later."
"Later?"
May date ba kami na hindi ko alam?
"Princess Lourdes' Birthday."
"Ohh."
Tumango ako sa kanya. Pero ba't sinasabi niya sa'kin? Hindi ko naman siya hahanapin mamaya. Duh.
Napansin niya yata ang pagtatakha ko kaya nagsalita siya.
"In case, you look for me."
Napangaga ako. Magre-react na sana ako kaya lang w-in-alk out-an na agad ako ng Prinsipe.
"Wow. Just wow."
Niyaya ko si Andrea na samahan akong maglibot-libot sa Palasyo. Nagtakha pa nga siya at nagtanong kung hindi pa ba ako nagsasawa dahil ito na ang nagsilbi naming playground simula nu'ng mga bata pa kami. Eh wala pa naman kasi ako sa istoryang 'to nu'ng mga panahong 'yon. Kaya paano ko malalaman. I mean, wala pa ako sa character na ginagampanan ko ngayon.
Habang naglalakad sa hallway, napakunot ang noo ko nang makita si Duke Kristoff, 'yung papa ko, na dumaan.
"Bukas na lang pala tayo maglibot. Kita na lang tayo sa classroom mamaya. Bye!"
Kahit nagtatakha ay tumango na lang sa'kin ang kaibigan.
Titignan ko muna kung saan pupunta 'yung papa ko.
Nitong mga nakaraang linggo, para kasing may problema. Masyadong busy ang Papa ko dito ngayon. Madalang na nga lang siyang sumabay sa amin sa hapag-kainan. Pati ang Mama ko. Parang may pinagkakaabalahan silang napaka-importante.
Kaya ngayon, susundan ko si Papa. Baka sakaling malaman ko kung ano man 'yon at nang may maitulong ako.
Natigil ako sa pagsunod sa kanya nang makita kung saang hallway siya dumiretso.
"Anong gagawin niya sa opisina ng Hari?"
Hindi ko na siya pwedeng sundan doon dahil may mga nakabantay nang royal guards.
"What's with you?"
Tinignan ko nang masama si Kuya Denver na basta-basta na lang sumusulpot.
"What are you doing here?"
"Wala, naglalakad-lakad lang. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"I was looking for you?"
"Bakit?"
"You need to do something."
Nandito ako ngayon sa may likod ng palasyo hawak-hawak ang isang bouquet ng rose.
"Just give it to her with a smile. Tell her that it's from me, I'm not just around that's why I asked you to give it to her, understand?"
"Pero nandito ka."
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...