Chapter 28: Sweets

74 10 0
                                    

"Ayaw mo bang pumasok sa loob?"

Naka-upo kami ngayon dito sa may bench sa likod pa rin ng hotel. Nakasandal lang ako sa balikat niya habang magkahawak-kamay kaming dalawa.

"Hindi na. I just came here to see you and give your gift."

Hindi ko alam kung ano na nangyayari sa loob. Paniguradong hinahanap na ako nina Mama. Pero nandoon naman si Kuya para magpaliwanag.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Mamaya kasi hindi pa siya kumakain. Marami namang pagkain sa loob.

"Yes. How about you?" Sinulyapan niya ako.

"Oo. Kumain na ako pero parang hindi pa ako busog. Hindi ko masyadong na-enjoy 'yung pagkain kanina."

Natawa siya nang mahina sa sinabi ko.

"Why?"

"Ang rami kasing nakatingin. Na c-conscious ako. Baka mamaya isipin nilang ang takaw ko."

"Which is true."

Tinignan ko siya nang masama. Nakangisi lang siya sa'kin.

"But you should not have minded them. Do whatever you want. It's your party, after all."

Kung pwede lang. Kaya lang ay may inaalagan akong reputasyon.

Tinignan niya ang kanyang relo.

Umayos ako ng upo at tinignan siya. "A-Alis ka na?"

"Yeah."

Bahagya akong nalungkot.

"But don't worry, I'll see you tomorrow morning at your house."

"Talaga?"

Hinalikan niya nang marahan ang noo ko.

"Yeah."

"Baka mamaya false hope na naman 'yan."

Tumawa siya. "No no. I promise, I'll see you."

At totoo ngang he's true to his words. Dahil nakahilata pa lang ako sa kama ay narinig ko na ang sunod-sunod na katok ng kasambahay.

"Princess Tanaiah? Pinapagising na po kayo ni Dutchess Ambridge. May bisita raw po kayo."

"Hmm."

Inaantok pa ako eh. Ang aga naman ng bisita na 'yan. Hindi ba niya alam na birthday ko kahapon at malamang pagod na pagod ako.

Narinig ko si Mama sa likod ng pinto.

"I'm sorry, Your Highness. Hindi ko alam na pupunta ka. Sana'y pinagising ko na siya kanina pa."

"No, it's okay. Ako na lang po ang gigising sa kanya."

Narinig ko ang pag-click ng door knob at ang pagbukas ng pinto ko. Pero hindi ko na inabalang tignan kung sino ang pumasok dahil antok na antok pa talaga ako.

At buti naman ay hindi na nila ako ginising pa.

Maya-maya, naramdaman kong may humawi sa buhok ko.

"Wake up now, sleepy head," bulong niya sa tainga ko kaya napadilat na 'ko.

Si Ashton na malaki ang ngiti ang bumungad sa'kin. Nasa heaven na ba ako? Bakit anghel ang nakikita ko?

"Morning."

Napakurap ako.

Tumayo siya at pinagtaasan ako ng kilay habang nakangiti pa rin.

Na-realize ko na wala pala ako sa heaven at sinabi sa'kin ng Prinsipe na pupuntahan niya ako ngayong umaga.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon