Chapter 33: Death

49 9 0
                                    

Pinagmasdan ko ang village. Ito ang pinaka paborito kong lugar sa Valiente. I made a lot of happy memories here with him. At ngayong binabalikan ko na lang ang mga alaalang iyon, labis na sakit na lang ang nararamdaman ko.

Naglakad-lakad ako. Kung dati ay ngiting-ngiti ako, ngayon ay hindi ko na magawa. Nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa isang high stool habang kumakanta't naggigitara. Masaya ang kinakanta niya kaya masaya rin siyang pinapanuod ng iilang tao. Lumapit ako.

Napangiti ako nang matapos siya. Nagawi ang tingin niya sa'kin at ngumiti rin.

"Gusto mong subukan?"

Nagulat ako dahil hindi ko inasahan na aalukin niya ako. Tinignan ko ang mga taong nakangiti rin at nag-aabang sa'kin. Napalunok ko. Ni hindi ko pinlanong kumanta sa pagpunta ko rito.

Huminga ako nang malalim bago kinuha 'yung gitara sa kanya. Umupo ako sa inuupuan niya at inayos ang lebel ng mic. Alam ko naman kung paano mag-gitara dahil tinuruan ako ni Kuya kaya susubukan ko na rin.

Bago magsimula, binigyan ko ang mga nanunuod ng tipid na ngiti. Pero napawi 'yon nang makita kung sino ang nasa bandang likod nila. Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Kahit nakasuot ng aviator at natatabunan ng mga tao rito ay alam kong si Ashton 'yon.

Nagsimula na akong mag-strum ng gitara.

"So I heard you found somebody else."

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Kahit natatakpan ng aviator ang mga mata ay alam kong nakatingin siya sa'kin.

"And at first, I thought it was a lie... I took all my things that make sounds... The rest I can do without."

Bawat salita sa lyrics ng kinakanta ko ay parang karayom na tumutusok sa puso ko. Kahit gustong-gusto ko nang umiyak ay pinigilan ko.

Ang nagbabadyang luha ay tuluyan nang tumulo nang makita ang nakangiting si Nicole na lumapit sa kanya. Nag-iwas agad ng tingin at humarap na lang sa mga taong nanunuod sa'kin.

Nang matapos sa pagkanta ay nagmamadali kong pinunasan ang isang patak ng luha. Ang masayang mood ng mga tao rito dahil sa performance ng nauna sa'kin ay napalitan dahil sa malungkot na kanta na kinanta ko. Nagpasalamat ako sa babae at agad nang umalis doon.

Habang nasa sasakyan pauwi ay inisip ko kung bakit nasa Colmar Village sina Ashton. Bakit sa lahat ng lugar na pwede nilang pag date-an ni Nicole ay doon pa? Sa'kin lang ba talaga may halaga ang memories namin doon?

"They will release your father tomorrow," naiiyak na sabi ni Mama pagkauwi ko ng bahay.

Nagulat ako. Gumaan nang kaunti ang dumadagan sa'kin nang malaman ko 'yon. Sabi niya'y bibigyan daw si Papa ng reconsideration dahil may loopholes sa ebidensiya ng kaso niya. At hindi siya maaaring ikulong hangga't walang mga kongkretong patunay.

Maaga pa lang ng kinabukasan ay naghanda na si Mama para masundo namin si Papa. Napangiti ako nang makita ang excited niyang istura habang nasa biyahe kami. Si Kuya ay nauna na roon. Paulit-ulit na sinasabi sa'kin ni Mama na wala siyang pakialam ngayon kung wala na kaming royal title. Kahit normal lang kaming mamuhay ay ayos lang basta't buo at magkakasama kami.

"I won't mind living in that small house. We'll start a new life paglabas ng Papa mo. And ghad, I'm so tired living as royalty, anak. I prefer this simple life with your father, brother, and you."

Noong una, akala ko ay ibang-iba talaga sila sa totoong pamilya ko. My parents here are strict. My Kuya here is serious. They speak and act differently from my real family. Pero nu'ng makasama ko na sila nang matagal, na-realize ko na wala silang pinagkaiba pagdating sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa'kin.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon