Chapter 15: Colmar Village

93 9 0
                                    

Parang ayoko nang bumangon sa sobrang sakit ng ulo ko.

Ito ba 'yung hangover?

"Princess Tanaiah, male-late na po kayo."

Tinignan ko ang oras. Ilang minuto na nga lang ang natitira para makapaghanda ako sa pagpasok.

Naligo na ako at bumaba na sa dining area para mag-breakfast at para na rin makainom ng gamot sa sakit nitong ulo ko.

Nagulat ako nang makita si Mama sa table kasama si Kuya na kumakain. Wala si Papa. But still, it's very unusual na makita si Mama ngayon. Dalawang linggo na yata kaming hindi nagkakasabay sa pagkain.

"Good morning, my Princess."

"Good morning po."

"Come on, have breakfast."

Tumabi ako kay Kuya.

"I heard that you went to a party and went home drunk, so I told our maid to prepare a tea to ease your hangover."

Kinuha ko ang tasa sa harap na sinasabi ni Mama. Napansin kong nakatingin sa akin si Kuya kaya nginitian ko siya bago humigop sa tasa. Kaya lang, hindi ko alam na sobrang init pala ng tsaang 'yon kaya napaso ang dila ko. Napangisi si Kuya kaya ngumuso ako.

Pagkatapos ng breakfast, hinatid na ako ng driver namin sa Palasyo. May nagtuturo na sa harap pagpasok ko ng classroom.

"Good morning, sorry, I'm late."

"You may take your seat."

Buti na lang at hindi niya ako pinagalitan. Perks of being a royalty.

Buong klase yata akong lutang. Hindi ako makapag-focus dahil ang sakit pa rin ng ulo ko. Hindi yata umepekto ang tsaang pinaiinom sa'kin ni Mama.

"That's all for today."

Nang marinig 'yon ay napabalikwas agad ako sa inuupuan. Sa wakas! Gusto ko munang matulog kahit ilang minuto lang.

"Why are you late?" tanong ni Andrea nu'ng lumapit siya sa'kin.

"Hangover."

"Ohh. Same. Kaya lang medyo nawawala naman na 'yung akin."

"Ano ba ininom mong---"

"Princess Tanaiah."

Naputol ang itatanong ko kay Andrea nang may tumawag sa'kin. Si Ashton 'yon na nasa labas na ng classroom at inaantay akong lumapit sa kanya.

Itatanong ko pa lang sana kung bakit niya ako tinawag nang tumalikod na siya at naglakad.

"Uhh, wait lang." paalam ko sa kaibigan para sundan siya.

"Go ahead."

Kumunot ang noo ko sa ngisi niya.

Lumabas na ako ng room. Medyo malayo-layo na si Ashton kaya tumakbo para maabutan siya.

Kaya lang, kagaya nga ng sabi ko, lagi na lang akong nakakagawa ng katangahan sa tuwing malapit ako sa kanya.

"Aray!"

Ladies and gentlemen, nadapa na naman po ang prinsesa.

Agad akong pinuntahan ni Ashton. Napabuntong-hininga siya nang makita akong nakasalampak.

"Why are you always clumsy?"

Tinulungan niya akong tumayo.

"Bakit mo ako tinawag?" sabi ko habang iniinda pa rin ang sakit sa pagkakadapa. Bakit ba kasi ang tanga ko?

Pero tignan mo 'tong Prinsipeng 'to, hindi man lang pinansin ang tanong ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. Wala akong choice kundi sundan na lang siya.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon