Naghanap muna si Ashton ng mapa-parking-an ng kanyang sasakyan. Bawal kasi ang private vehicle sa loob ng village.
"Let's go?"
Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi ko dahil para talaga kaming nasa ibang bansa ngayon.
"Paano mo pala nalaman ang village na 'to?" tanong ko habang naglalakad kami.
"I've read it in a magazine. This is the most preserved village in Valiente. Look at the people around you, their clothes are different from us."
Oo nga, medyo iba ang suot ng mga tao rito. They are like wearing traditional clothes and dresses. Hindi na nga lang gano'n kahahaba katulad ng sinusuot namin tuwing may royal events.
"I feel like in a Fairy tale."
"You are. We are in a story."
Naglakad-lakad pa kami hanggang sa madaanan namin 'yung rentahan ng bikes.
"Do you know how to ride a bicycle?"
Tumango ako.
"We'll get two of them," sabi niya roon.
Hindi ko na matandaan 'yung huling beses na nakapagbisikleta ako kaya na-excite ako.
Umupo na ako sa bike ko at sinubukan ang brake nito. Nilingon ko si Ashton na nasa bike na rin niya.
"Be careful."
Tumango ako at pinaandar na 'yung akin.
Lahat ng mga bahay at tindahan na nakikita ko ngayon ay sa mga medieval movie ko lang napapanuod dati. Ang ganda at ang unique ng architectures nila.
Hindi masyadong mabilis ang pagpipidal ko kaya halos lahat ng mga tao na nadadaanan ko ay nginingitian ko. I don't care if they find me weird, basta masaya ako sa kung nasaan ako ngayon.
Mga limang minuto yata nang tumigil ang bike ni Ashton kaya tumigil na rin ako. Tinignan ko ang tent na nasa harap namin.
"Backyard cinema?"
Iniwan namin ang mga bisikleta sa labas. Lumapit si Ashton sa booth at bumili ng ticket.
So, ito ang first stop namin?
Pagkakuha ng ticket ay pumasok na kami sa tent kung saan pinapalabas 'yung movie. Halos mga 30 na tao rin ang kasya sa tent na 'to.
Naupo kami sa unahan. Ang mga upuan nila dito ay bean bags. Hindi katulad ng mga upuan sa nakasanayan kong movie theater.
"Wait for me here. I'll just buy us snacks."
Tumango ako.
I want to slap my face right now para malaman kung totoo ba 'to, kung nangyayari ba talaga 'to.
Me and Ashton on a movie date?!
Parang napaka-imposible pero ito, nangyayari.
Pagbalik niya ay umayos agad ako. Binigay niya sa'kin 'yung snack at drink na binili niya.
"Thank you."
Nagsimula na ang movie. Nilingon ko si Ashton sa tabi ko. Mukhang tutok na tutok siya sa palabas. Samantalang ako, imbes na sa pinapanuod namin mag-focus ay ay siya ang pinapanuod ko.
Bakit ba, minsan na lang 'to.
Seryoso lang ang Prinsipeng nakatingin sa malaking screen. Kahit siguro magdamag kong gawin 'to, ang titigan siya, okay lang sa'kin. Sinong magsasawag tignan ang gwapo niyang mukha?
Napanguso lang ako nang maalala kung paano siya magsungit sa'kin noon. Kung paano kumunot ang noo niya at magdikit ang kanyang mga kilay sa tuwing makagagawa ako ng katangahan.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...