Naramdaman ko ang bahagyang haplos sa buhok ko. Sinubukan kong dumilat. Napansin ko agad ang isang pamilyar na earring.
Agad akong bumangon. Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.
"A-Anong ginagawa mo?"
"Relax, wala akong ginagawa."
Sobrang sama ng tingin ko kay Andrei.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nasa hospital ba ako o infirmary ng school? Naalala ko 'yung nangyari at nabalutan ulit ako ng takot.
Bumukas ang pinto at pumasok si Daryl. Nang makita siya ay may namuo agad na mga luha sa mata ko.
"Prince Daryl!"
Napaawang ang bibig niya sa reaksyon ko. Nu'ng nilapitan niya ako ay niyakap ko siya agad. Hindi ko na napigilang humikbi. Shit. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita siya!
"What the fuck happened, Andrei?" tanong niya sa pinsan habang nakayakap rin sa'kin at hinahagod ang likod ko.
Hindi matigil sa pagtulo ang mga luha ko. Sinabi sa kanya ni Andrei ang nangyari kanina.
"Who did that?" mariin niyang tanong.
"Victoria. One of my students."
Sinulyapan muna ako ni Andrei bago niya kami tuluyang iwan ni Daryl dito.
"I'm sorry." Hinarap niya ako sa kanya. "You didn't tell me that you are being bullied here."
Suminghot ako at nginitian siya.
"Akala ko kasi titigil din sila."
"Hindi mo rin sinabi sa Kuya mo?"
Umiling ako.
"Kay Prince Ashton?"
"Hindi rin."
"Damn."
Napag-alaman kong nasa infirmary nga ako. Nag-presinta si Daryl na ihatid ako pagkatapos ng ilang sandaling pagpapahinga. Pinilit ko pa nga siyang huwag sabihin kay Kuya ang nangyari.
"Susunduin kita bukas. Ako ang maghahatid sa'yo sa school," sabi niya pagkababa namin ng sasakyan.
"Huwag na, Prince Daryl. Hinahatid naman ako ng driver namin."
Nagiging abala na ako sa kanya.
"No. I will also talk to my cousin."
Binigyan ko siya ng isang genuine na ngiti. Huminga ako nang malalim. Lumapit ako at niyakap siya. Medyo nagulat siya roon.
"S-Salamat, Daryl."
He's really a good friend. Ibang klaseng relief 'yung naramdaman ko nang makita siya kanina. Para bang nawala ang takot ko dahil sa nangyari.
Hinaplos niya ang buhok ko. "You are always welcome, Tanaiah."
Bumitiw ako at nagpaalam na. Nagulat ako nang makitang nakatanawa si Kuya sa'kin sa hamba ng pintuan.
"Bakit ang aga mo?"
"W-2ala kasing mga Prof." Pagsisinungaling ko.
"Is that Prince Daryl?" Sumulyap siya sa labas bago ibinalik ang tingin sa'kin." 'Yung kayakap mo?"
Napabuntong hininga ako. Nakita niya pala 'yon.
"Yup. Nagpasalamat lang ako kasi hinatid niya ako. Saktong nandoon din kasi siya sa school kanina." Pagsisinungaling ko ulit. Sorry talaga, Kuya.
"I see. You always hug a person now to thank them."
Napakagat ako sa labi. Binigyan ko na lang siya ng isang tipid na ngiti at nagpaalam na aakyat na ng kuwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/146189646-288-k254516.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...