Chapter 17: Doubt

44 8 0
                                    

Lumayo ako at pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko.

"B-Bakit mo ginawa 'yon?" mahina kong tanong. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon.

"Because... I like you."

Nanlaki ang mata ko. Binasa niya ang kanyang labi at tumingin sa malayo bago ako tinignan muli.

"No, I'm sorry, I don't like you because I'm in love with you."

Mas lalong nanlaki ang mata ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng mga panibagong luha sa pisngi ko. Ngayon, mas marami na.

Umiling ako. I don't want this feeling.

"Ashton, kung pinagti-tripan mo ako, please lang."

Kumunot ang noo niya at mas lumapit sa akin.

"Why would I do that?"

Tinignan ko ang mga mata niya kaya mas lalo akong naiyak.

"Why would I do that, Tanaiah, huh?"

Inalis niya 'yung mga luhang patuloy na tumutulo sa pisngi ko. Gusto kong matawa dahil para akong tangang umiiyak ngayon dito.

Ayoko. Ayoko ng ganito. Umaasa na naman ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Ashton at sinasabi niya 'to pero ayokong maniwala. Imposible.

Tinignan ko 'yung baso namin at inamoy ito.

"You're just probably drunk," sabi ko.

Kinuha niya 'yung baso sa kamay ko at seryoso akong tinignan. "I'm not drunk."

Tinignan ko siya nang masama pero gano'n pa rin ang mga titig niya sa akin.

Tumawa ako. "Sige na, Ashton. Na-prank mo na ako. Okay na ba?" namamalat kong sabi. Ako na nagpunas ng mga luha kong hindi matapos-tapos sa pagtulo.

Napabuntong hininga siya. "Is that really hard to believe that I love you?"

Umiling ulit ako. Wa-walk-out-an ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko. Panibagong luha na naman ang tuloy-tuloy na bumagsak. Ugh! Nafu-frustrate na ako sa sarili ko. At sa kanya!

"I didn't expect my confession would turn out like this. You're crying hard. Why? Can I not love you?"

"Imposible. Imposible talaga. Ikaw, magkakagusto sa'kin? Ay, mali. Ikaw, mahal ako? Ha! Maghuhugis heart muna ang buwan bago mangyari ngayon."

"Fuck." Tumingin siya malayo bago niya ibinalik ang tingin sa'kin. Medyo nagulat ako sa pagmumura niya.

"I'm in love with you, okay? Noon pa. Hindi pa tayo napupunta sa kwentong ito. And I know that you like me too. How did I fall for you? Hindi ko alam. I really hate people who like me just because of their shallow reasons. I hate people who brag about their feelings for me. But you? I bet you didn't even tell anyone about what you feel for me. And it somewhat frustrates me. See? Magulo ako." Natawa siya nang mahina at muling nagpatuloy.

Wait. Ano raw?

"I always watch you in the classroom. Do you wonder why I always call you stupid? It's because you can't even have a hint on what I feel for you. Tss. Hindi ko alam kung manhid ka lang o ayaw mo talaga ng ideyang iyon. Right now, we're in an unbelievable situation full of uncertainties, but I'm still damn happy because you're with me. Why am I just saying this to you now? Dahil siguro nga mabagal ako. Fuck. Mabagal talaga ako. I know that I wasted a lot of time and I should have told you even before we got here. But does it matter? What matters here is that you already know why I always call you stupid."

Binasa niya ang kanyang labi at tinignan ako nang diretso sa mata. "Remember that I still have a question to ask when we were playing archery? I'm going to ask you now."

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon