Maingat kong hinihimay 'yung isdang kinakain ko. Ewan ko na lang kung hindi ako matinik dito. Bangus pa naman ito at medyo mahirap mapansin ang tinik.
"Uhh, Prince Ashton, can you open it for me?" si Nicole.
Hindi niya kasi mabuksan 'yung crab niya. For the 2nd time, napairap ako.
Itinutok ko ulit 'yung crab ko sa apoy. Nakita ko kasing medyo gumagalaw-galaw pa 'yung sipit. Mamaya 'pag kinain ko 'to, baka sa tiyan ko naman gumalaw.
"What happened to your hand?" nakakunot-noong tanong ni Ashton.
Tinignan ko ang kamay ko. Napansin niya pala.
Inusisa rin ito ni Daryl.
"Ah wala. Nasipit lang ng mga crab na nahuli ko kanina."
"It's full of bruises."
"Hindi naman masyadong masakit."
Nagpatuloy ako sa pagkain. Tahimik lang akong ngumunguya rito sa tabi. Magkakaharap lang kaming apat pero walang nagsasalita sa amin. Kaunti na lang at makakaramdam na talaga ako ng awkwardness.
Pinasadahan ko ng tingin si Nicole, mahinhin niyang kinakain 'yung crab niya. Samantalang ako, kulang na lang pagbalik-baliktarin ko 'yung alimangong hawak ko masimot lang lahat ng laman.
Bakit ba, ang sarap eh.
Si Daryl ay tahimik lang din na binabalatan ang isang prutas. Kitang-kita 'yung reflection ng apoy sa mata niya.
Tumingin naman ako kay Ashton. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay pero nginisian niya lang ako. He would always smirk at me. Hobby niya na ba 'yan? Kala niya naman ikinagwapo niya 'yung pag ganyan-ganyan niya. Tsk.
Pero oo na, lumalakas nga dating niya kada ngumingisi siya. As if I care, hindi naman ako nai-inlove. Hindi talaga.
Bigla niyang hinagis sa'kin 'yung isang dalandan na nasalo ko agad. Napalingon tuloy sa amin 'yung dalawa.
Malalim na ang gabi at tapos na rin kaming kumain. Hindi pa namin pinapatay 'yung apoy para hindi rin kami masyadong lamigin. Lalo pa't nagsisimula na namang bumuhos ang ulan.
Nakasilong na kami rito sa DIY tent na ginawa ni Ashton. In fairness, malaki-laki rin ito at matibay. Kasya kaming apat sa loob at hindi talaga kami nababasa. Pero ang problema nga lang ay 'yung hihigaan namin. Okay lang naman sa'kin na matulog sa dahon ng saging pero kasi, sobrang lamig talaga.
Nakaharap itong sinisilungan namin sa dagat. Pa-dagat ang direksyon ng ulan kaya hindi kami nababasa sa tuwing humahangin ng malakas.
Tinanaw ko ang mga malalakas na alon. Hindi ako makapaniwala na hindi na kami binalikan ng mga kasama namin. Oo, alam kong possible ngang hindi na nila agad kami mabalikan dahil bumabagyo. Pero... I'm with the two pure royal bloods here. At kasama ko pa 'yung prinsipeng susunod na magiging Hari ng kaharian nila.
Katabi ko ngayon ang prinsipe na 'yon. Grabe, kahit saan talaga 'to mapunta, big time. Biruin mo, sa reality, he's famous. At dito isa siyang prinsipe na future king pa.
"It's cold," si Nicole. Nakayakap siya sa sarili niya ngayon. Nanunuot talaga sa mga balat namin ang lamig.
"Why don't you go near the fire?" suhestiyon ni Daryl. Sinunod niya ito at tumayo para lapitan 'yung bonfire na tabi lang ng tent namin.
Sinundan ko ng tingin si Daryl na tumayo rin at lumapit din. Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Ashton ang nandito. Ramdam na ramdam ko 'yung malakas na bugso ng hanging tumatama sa aking pisngi.
"Are you cold?"
Umiling ako sa tanong niya. "Hindi naman."
Nilalamig ako, oo, pero kinakaya ko pa naman.
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...