Isang linggo. Isang linggo ko nang nararanasang ma-bully simula nang lumapit ako sa school na 'to.
Kagaya ngayon.
Napabuntong-hininga ako nang makita ang samu't saring basura sa loob ng locker ko. Hindi ko na kailangang manghula kung sino ang may pakana nito.
At sa loob din ng isang linggong iyon ay hindi ko sila pinapatulan. I find their actions immature at kung papatol pa ako'y parang pinatulan ko na rin ang ka-immature-an nila. So far, wala naman silang ginagawang pananakit sa akin physically kaya chill pa lang din ako. They just keep on throwing bad words to me na pinalalabas ko lang sa aking tainga.
Akala ko dahil lang sa inaakala nilang pagtulak ko kay Nicole ang dahilan ng pagiging ganito nila sa'kin. 'Yun pala ay mas mas malaking issue. Kesyo raw ambisyosa ako at gusto ko sa'kin mapunta ang trono. Ang feeling ko rin daw dahil hindi naman ako magugustuhan ni Ashton.
Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha na gusto ko si Ashton. I mean, oo gusto ko siya pero wala naman akong pinagsabihan no'n sa mga tao rito.
Kaya loner lagi ang eksena ko araw-araw. Wala akong pinagsasabihan na nabu-bully ako. Tingin ko'y mapapagod at titigil din naman sina Victoria sa mga ka-immature-an nila 'pag hindi ko pinansin 'yon.
Papunta na ako sa classroom para sa unang klase. Pagtapak ko pa lang sa may pintuan ay may sumaboy agad na harina sa mukha ko. Maubo-ubo ako sa rami nito at halos hindi ko maidilat ang mga mata ko.
Kinusot ko ang aking mata at sinubukang tignan kung sino ang gumawa no'n. Sinamaan ko ng tingin si Victoria na may hawak pang cellphone na nakatutok sa'kin.
"Poor cinderella," sabay tawa niya.
Ang cliche naman ng mga ganitong eksena. Psh.
Tumalikod ako at umalis doon. Nagpunta agad ako sa CR. Pero nagulat ako nang makita ang mga lalaking nakaharap sa pader.
"Woah woah. Anong ginagawa ng prinsesa rito?"
Napapikit ako sa inis. Ni hindi ko na napansin na CR pala ng lalaki 'to dahil sa pesteng harinang nasa mga mata ko.
Aalis na sana ako nang bigla akong hinawakan ng isa sa braso.
"Don't touch me."
"Why? I thought you wanna play kaya nagpunta ka rito? We are four here. Kakayanin mo ba?" Sabay tawanan nila.
They are disgusting! Ano bang klaseng school ito?! Parang basura ang mga ugali nila.
Sinamaan ko siya ng tingin at ako na mismo ang nag-alis ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Dumiretso agad ako sa CR ng girls at naghilamos. Bakit pa pala ako magtatakha sa ugali ng mga istudyante rito? They are all spoiled brats. Kaya nga walang nagtatakhang magtanggol sa'kin dahil gusto rin naman nila ang nangyayari. Wala silang pakialam kung royalty ka pa.
Pero baka sa'kin lang talaga sila gano'n?
Hindi na ako pumasok ng mga klase. Nalagyan din kasi ng harina ang uniform na suot ko. Nanikit na nga ang iba roon.
Nagpunta na lang ako sa field at naupo sa damuhan. Walang istudyante ngayon dito dahil malamang ay nasa mga nasa klase nila.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang mag-stay dito hanggang mag-uwian. Well, may napaglibangan naman din ako. Nagbasa ako ng librong hiniram ko sa library nila.
Nang mag-uwian, nagulat ako nang makita si Daryl na nakasandal sa sasakyan niya. Pinagtitinginan siya ng ilang mga istudyanteng palabas na rin ngayon.
"Prince Daryl? Bakit ka nandito?"
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...