Lumipas na ang isang linggo simula nu'ng stay namin sa Cape Vista. Hindi na kami nag-extend. Nagbibiro lang ako sa kanya nu'ng sinabi kong mag-extend kami.
Pero hindi talaga biro 'yon.
Ngayon, nasa mansion lang ako. Hindi na ako pumapasok sa Sintra University dahil nalaman nina Mama ang nangyari. Nalaman nila na nabu-bully ako pero hindi 'yung part na pinagtangkaan ako ng masama ng Director ng school. Si Kuya lang ang nakakaalam at pinakausapan ko siyang huwag nang sabihin kina Mama dahil baka lumaki pa ang issue. Hindi na rin ako nagsampa ng kaso kay Andrei. Medyo naaawa rin kasi ako sa lagay niya dahil nasa hospital pa rin siya hanggang ngayon.
At buti naman ay hindi kumalat ang nangyari. Napakalaking bagay din talaga ng utos ni Ashton.
Marami akong pinagkakaabalahan sa linggong ito. Actually, sobrang rami talaga. Limang araw mula ngayon ay 18th birthday ko na kasi. Busy na sinq Mama sa pag-aayos ng debut ko na gaganapin sa isang hotel dito. At tumutulong ako sa pag-aayos ng ibang detalye. Excited ako dahil 18th birthday ko nga ito at pinaghahandaan talaga ng mga magulang ko rito.
Nu'ng isang araw ay pinuntahan ako ni Ashton. Hindi na nagtanong sina Mama sa kung ano ba meron sa aming dalawa dahil mukhang alam na nila ang sagot. Kahit pa madalas na makitang magkasama si Ashton at Nicole sa TV pati na rin sa mga newspapers. Tss.
Pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya, ng character na ginagampanan niya. Alam ko na nu'ng una pa lang ay nakatakda nga ang character niya kay Nicole.
Lagi rin naman niya akong sinasabihan na huwag magselos at lagi ko ring dine-deny sa kanya na hindi ako nagseselos kahit selos na selos na talaga ako. Siyempre, sinong hindi magseselos kung kaliwa't kanan 'yung pictures nilang magkaakbay at magkahawak-kamay sa mga social media dito.
Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko 'yon at nakita ang isang text galing kay Ashton.
Ashton:
How's the preparation going?Nag-reply ako.
Tanaiah:
Okay naman. Pupunta ka ba bukas?Napangiti ako nang maalalang pupunta nga pala siya ulit dito.
Ashton:
I'll call.Umakyat muna ako sa kwarto at iniwan si Mama saglit kasama ang mga organizer.
Sinagot ko agad ang tawag niya.
"Hello!"
Natawa siya nang mahina. "Looks like you missed me, huh."
"Ako ba hindi mo na-miss?" pabiro kong tanong.
"Of course, I missed you."
Mas lumawak ang ngiti ko.
"Pupunta ka bukas?"
"About that, I will not be able to see you tomorrow."
Gano'n?
"Bakit?"
"I have an interview. Together with... Nicole."
Napa-'Ohh' na lang ako sa sinabi niya. Wala naman akong magagawa.
"Sige."
"Is it fine with you?"
"May magagawa ba ako?" natatawa kong tanong.
"Ako may magagawa."
"Ano?"
"I can ditch the interview and see you instead."
Pinagtaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya naman nakikita. Halos mapunit na ang labi ko sa lawak ng ngiti ko.
"Kaya mo?"
BINABASA MO ANG
Dream Fairy Tale
FantasyAno kaya ang mangyayari kapag napunta kayo sa isang kwento o libro ng taong gusto mo? Will it be your chance to get closer to him? Or will it be another false hope that you can actually be with him? Let's see the magical story of Tanaiah Cuellar wit...