Chapter 35: Royalty & Valiente Act.

45 9 0
                                    

"Ashton, gumising ka na. Please."

Sa dinami-rami na ng iniyak ko, hindi pa rin pala nauubos ang mga luha ko. Pero sa totoo lang, nakakapagod na. Nakakapagod nang paulit-ulit maramdaman 'yung ganitong feeling. 'Yung ganitong sakit.

Nandito ako ngayon sa isa sa mga VIP room ng hospital na pinagdalhan sa Prinsipe. Hawak-hawak ko ang kamay niya habang wala pa rin siyang malay. Pagkatapos tanggalin ang balang tumama sa likod niya ay dito siya dinala.

Wala pa yatang sampung minutong nandito siya ay dumating na ang mga magulang niya. Kaya naman nagkalat ang mga royal guard sa buong hospital habang bantay sarado nila ang eksklusibong kwartong 'to. Akala ko nga ay pagsasalitaan ako ng masasakit na salita ng Reyna. Pero nagulat ako nang matalim niya lang akong tinignan. Ang Hari naman ay dumiretso agad kay Ashton at seryosong tinignan ang lagay niya.

Lumabas muna ako ng kwartong 'yon habang nandoon pa ang Hari at Reyna. Hinanap ko si Kuya sa labas pero si Daryl lang ang nakita ko.

"Did they make you leave?" Nakakunot ang noo niya at may kaunting inis ang itsura.

"Uhh, hindi. Ako ang kusang lumabas."

Napabuntong-hininga siya at tumango. Siyempre, kailangan kong bigyan ng privacy ang Hari at Reyna dahil mga magulang niya 'yon.

Tinignan ni Daryl ang binti ko pati na rin ang braso kong may bandage na.

"Kumusta na 'yang tama at mga sugat mo? Hindi ka dapat naglalakad-lakad."

"Okay lang ako."

Kanina, habang nasa emergency room si Ashton ay ginamot naman nila ako. Habang ginagamot nga ako ay tulala lang ako dahil sa nangyari. Hindi ko maialis sa isip ko ang dugong nakita ko sa mga kamay ko kanina. At napapaiyak na lang ako sa tuwing maiisip na ginawa 'yon ni Ashton. Sinalo niya ang bala na dapat sa'kin.

Ang rami kong tanong sa mga nangyari. Sa pagdating nila sa oras na akala ko ay matatapos na ang character ko. Kaya naman habang nandoon pa ang Hari at Reyna ay tinanong ko na si Daryl.

"Prince Ashton planned it. Nagsimula 'yung plano niya nu'ng umiwas siya sa'yo."

Archduke Marcus threatened him. Una pa lang daw ay pinalayo niya na ang Prinsipe sa'kin at imbes ay 'yung may saltik niyang anak ang pagtuunan daw ng pansin. Pero dahil hindi nga baliw si Ashton kagaya nila, hindi siya lumayo.

"He didn't take the threat seriously. Ang sabi niya, walang makakapanakot sa Prinsipe ng Valiente." Ngumisi si Daryl. "But Archduke Marcus desperately wants the throne for his family. Kaya tinotoo niya 'yung pananakot niya. He abducted and hurt you. Doon na siya nabahala."

Nagulat ako. Siya 'yung nagpa-kidnap sa'kin?

"He distanced himself to you. Para ipakitang tapos na kayo at wala nang dahilan para saktan ka pa nila."

Sinulyapan niya ako at ngumiti. Naalala ko 'yung mga balde-baldeng luhang iniyak ko dahil sa panlalamig ni Ashton. Napangiti ako nang mapait. Akala ko hindi niya na talaga ako mahal at sila na ni Nicole ang nagkakamabutihan.

"Wala siyang magawa nu'ng mga panahong 'yon. He can't see you secretly because he was being monitored by the Queen. Kuntento na siyang malamang ayos ka. He assured your safety. Hindi mo pansin pero may mga royal guard siyang pinadala sa compound niyo. They are just pretending as civilians living there."

Ha?!

"But he didn't know that Archduke Marcus has another plan. Not involving you but your father. Siya ang nagpapatay kay Duke Kristoff. We are helping your father's case, but he's the main reason he would be released that day. But... that happened."

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon