Chapter 19: Sports Fest

46 8 0
                                    

Ngumisi siya. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

Pumasok siya sa kanyang kwarto habang ako ay naiwan dito, sinusubukang tawagan si Kuya. Nilagyan ko na ng laman ang contacts ko. Mamaya kasi may mangialam ng cellphone ko at magtakha kung bakit number lang ni Ashton lang ang laman no'n. Isipin pa nila baliw na baliw ako sa kanya.

Kahit baliw lang naman.

"Kuya."

"Yes, my Princess?"

"Mamaya pa ako uuwi. Dito muna ako sa Palasyo."

"Uh-huh, why is that?"

"Magbabasa lang ako sa library." Pagsisinungaling ko. Baka kasi magtakha siya 'pag sinabi kong nasa kwarto ako ngayon ng Prinsipe ng Valiente at kung ano-ano na naman ang isipin no'n.

"Okay. Should I tell our driver to wait?"

"Ah, hindi na. Pabalikin mo na lang mamaya."

"Magtatagal ka diyan?"

"Hindi... naman."

"Okay. Take care."

Naibaba niya na ang tawag nang maalala ko kung gaano ako katanga. Nakalimutan kong itanong sa kanya kung nasaan ba siya pati sina Mama. Hindi na kasi kami nagkikitaan sa bahay dahil sa kung anong pinagkakaabalahan nila nitong mga nakaraang araw.

Sinubukan ko ulit i-dial ang number niya pero hindi na niya sinasagot. Eh?

"What did you say to your brother?" Bumalik na si Ashton.

"Sinabi kong magbabasa lang ako sa library."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Why did you lie?"

"Baka kung anong isipin no'n 'pag nalaman niya ang totoo."

"Ikaw lang naman ang nag-iisip ng kung ano-ano."

"Hindi ah!" Grabe 'to sa akin.

"If you're brother found out that you're lying, baka ma-bad shot ako sa kanya."

"Bakit ka naman maba-bad shot?"

"Your brother likes me. I don't wanna lose his trust."

Natawa ako. Paano niya nasabi?

Kinunotan niya ako ng noo. "Bakit?"

"Sige, sabihin na nating gusto ka ng Kuya ko dito pero paano naman 'yung totoo kong Kuya?"

Napaisip siya roon. Nang tignan niya ako, sumimangot siya.

"Tss."

Mas lalo akong natawa.

"Nu'ng tinawagan mo ba siya kahapon, sinabi mong nasa kwarto mo ako?" tanong ko nang maalalang siya ang nagpaalam sa akin kahapon.

"Yeah."

Nanlaki ang mata ko. "Baliw ka ba?! Anong sinabi niya?"

"He's okay with it. That's why you should have really told him that you're here again."

Umiling ako. Feeling ko kahit sinabi niyang okay, nag-iisip na 'yon ng kung ano.

"What's the big deal? You're just in my room. I promise, we're not going to do anything. So, stop your perverted thoughts, Naiah," natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin. Sinabing wala naman akong iniisip!

"Start doing your assignment now. I'll be back."

Lumabas siya at naiwan na akong mag-isa rito. Sinimulan ko nang gawin 'yung assignment ko kagaya ng sabi niya.

Nang matapos ay nakaramdam ako ng antok. Tumayo ako para hindi antukin pero mas inantok yata ako nang matanaw ko 'yung malambot niyang kama. Ugh! Ang kapal naman ng mukha ko kung makikitulog ako sa kama niya.

Dream Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon