Chapter 42: Bad Trip

508 21 0
                                    

Angel's POV

Nakakainis silang dalawa noong Saturday.Magkayakap pa silang dalawa sa harapan ng Game Shop,walang hiya! Ang sobrang nakakainis Doon ay yung sinabi ng Cashier na BAGAY silang dalawa.Eh mas bagay kaming dalawa ni Jake eh!

Bakit pa kasi may pasok ngayon? Hindi ba pwedeng sa Martes na lang kami papasok?

Papasok na sana ako sa loob ng biglang may tumawag sa aking pangalan.

"Masaya palang kasama yang Best Friend mo",Ang tinutukoy ni Tiffany ay si Jake.

"Eh ano ngayon?",cold kong sabi.

"Magbobonding kami mamayang hapon,gusto mo bang sumama?",tanong niya.

"No" -Me

"Okay,Hindi naman Kita pipilitin eh",ngumisi siya.Alam kong may balak siya kay Jake at ayaw kong may mangyaring masama sa kanya.

"Stay away from him" -Me

"Eh kung ayaw ko? May magagawa ka ba? Alam mo naman kung gusto ko ang isang lalaki, lalapit at lalapit ako sa kanya hanggang sa mafall siya sa akin",haha wow hanga ako sa kalandian mong babae ka.Hinatak ko Ang kanyang kwelyo at hinigpitan ang pagkahawak nito.

"He's mine! So stay away from him or else!",tinulak ko siya ng malakas dahilan para mapahiga siya sa sahig.Lumapit naman si Jake sa kanya.

"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?",niyakap ni Tiffany si Jake at kunwaring umiyak.

"JR,ilayo mo na sa akin yang Babaeng Yan.Ayaw niya kong tigilan.Wala naman akong kasalanan sa kanya",aba't magaling pala tong mag-acting ah? Hanga ako sayo...Tinignan ako ni Jake ng masama

"Pwede bang tigil-tigilan mo na Ang pag-aaway kay Tiffany,Angel?" -Jake

"Talagang kinakampihan mo pa yang sinungaling babaeng yan",inis kong sabi.

"Ano bang problema mo,Angel? Bakit mo ba papaging inaaway si Tiffany na walang dahilan? Wala naman siyang ginagawang masama sayo ah?",sa sinabi niyang iyon ay nagalit na ako sa kanya.

"You don't know the Whole Story,Jake!! Siya ang nagbubully sa akin noon sa Old School ko parang kinakampihan mo pa yang Babaeng yan kaysa sa akin na BEST FRIEND mo! Makaalis na nga dito,nakakaBad trip kayong lahat",lumakad na ako papalayo sa kanila.Tinatawag ako ng mga Kaibigan ko pero Hindi ko sila pinansin.

"Don't worry,safe ka sa akin",Yun ang huling narinig ko Kay Jake.What the!! Talagang kinakampihan pa niya si Tiffany talaga! Hindi na nga lang ako papasok.Magdodota muna ako pampawala ng Bad Trip.

~~~~~

"Good Morning,Angel. Nagditch ka na naman sa School niyo",bati sa akin ni Mike.Isa sa katropa ko sa DotA.Bale 5 kaming lahat.Isa na din Doon si Mark.Ganito ang kwento;

2 years na kaming nagDodota bale tatlo pa lang kami ni Mike at Mark noon,Ay oo nga pala nakalimutan Kong sabihin sa inyo na Magkakachildhood kaming tatlo ni Mark at Mike,sila ang nagturo sa akin Kung paano maglaro ng DotA tapos nakilala namin Ang dalawang magkapatid sila Luke at Blake.Si Blake Ang kuya-kuyaan namin para nga kaming magkakapatid na Lima at ako daw Ang bunso nila.Ang pangalan ng Grupo namin ay 'The legendaries' kami Ang nag-uuna sa Billboard ngayon.Sikat kami sa buong pilipinas,oh diba?

"Anong ditch ka diyan? Hindi pa nagsisimula ang klase namin,Hindi yun ditch okay? Bad trip Kasi ako kaya maglalaro muna ako ng DotA pampawala ng Bad Trip ko",Sabi ko.

"Ah ganun ba? Edi simulan na natin...Hoy!! Yung pustahan ah?",umupo na kami at naglaro na.Habang naglalaro kami ay Hindi namin maiwasan Ang magTrash talk,ganito Kasi kami maglaro eh.Sa huli ay kami Ang nanalo.

"Nasan na Yung pusta niyo?",binigay naman ng mga kalaban namin Ang pera nila sa Amin."Mga weak pala kayo eh haha"

"Ano Sabi mo?",sumuntok yung isang kalaban namin Kay Luke pero naiwasan niya ito.

"Hoy! Magsilabasan nga kayo dito sa Computer Shop ko! Kung Hindi,Hindi ko na kayo papasukin dito",sigaw ng Owner ng Computer Shop kaya lumabas na kami at doon namin tinuloy ang Laban namin.Nakakamiss pala Ang makipag-away sa mga DotA Players.

"Pati din sa labanan,ang weak niyo",asar ni Mike sa kanila.

"Hindi pa kami tapos 'The Legendaries' tandaan niyo ito",tumawa naman kami

"As if,hindi niyo kami matatalo",sabi ko sa kanila.

"Sobrang nag-enjoy ako dito sa away natin",ngiting sabi ni Mike.

"Oo nga,namiss ko ngang makipag-away at magdota eh kaso wala lang si Mark para kumpleto tayo",nasa eskwelahan kasi siya kaya wala siya ngayon.Nagditch naman ang mga Tatlong ito.

"Oo nga sayang" -Mike

"Doon muna tayo sa loob,dota muna tayo",tumango naman silang tatlo at pumunta na kami sa Loob ng Computer Shop.2 oras na kaming naglalaro,oras na para pumasok na ako sa Paaralan ko.

"Guys,una na ako.Papasok pa kasi ako sa School ko eh",paalam ko.

"Teka sasamahan na kita namin",tumayo silang tatlo at lalapit na sana sila sa akin pero pinigilan ko sila.

"Huwag na baka nakakaabala lang ako sa inyo" -Me

"Gusto mo bang mapahamak ka diyan sa Kalsada? Sa ayaw at gusto mo ihahatid ka namin sa Campus niyo",sabi ko na nga eh.No choice ako...

Habang naglalakad kami ay nagkukwentuhan kaming apat.

"Kamusta pala ang Camping niyo?",tanong ni Luke.

"Okay lang naman",sagot ko.

"Kwento mo naman sa amin ang mga nagyari doon sa Camping niyo at kung bakit ka bad trip",sabi ni Luke.Kinuwento ko lahat lahat sa kanila ang mga nangyari sa akin pero nagsinungaling ako sa Bad Trip na part kasi ang OA nila kapag sinabi ko pa ang nangyari kanina.

"Kyaahh ang gwapo nila!"

"Dba sila yung The legendaries?"

"Oo sila nga,nasan si Mark my loves?"

"Si sapphire yun diba? Kaanu-ano kaya niya sila"

"Tangeks!Miyembro din siya sa Grupo nila!"

"Ay oo nga pala,nakalimutan ko.Galing niyang magdota"

Yan na naman ang mga usap-usapan ng mga estudyante dito sa Campus,nandito kami sa Loob ng Campus.

Gusto daw nila makita ang classroom ko kaya pumasok sila sa loob.Pumayag din naman ang Guard namin sa School.

"Salamat sa paghahatid niyo sa akin mga Kuya's ^_^",kahit may kaAge ako sa tropa ko kinukuyaan ko pa din sila.Mas gusto ko kasing kuya ang tawag ko sa kanila.Tinatawag ko lang sila ng kuya kapag nasa labas kami ng Computer Shop at kapag wala kaming Match.

"Walang anuman yun bunso,mag-iingat ka ah?",ngumiti ako sa kanila at tumango.

"Online ka mamayang gabi maglalaro tayong lima",sabi sa akin ni Mike.

"Haha sige,o siya papasok na ako.Salamat ulit sa paghatid niyo" -Me

"Walang anuman,Angel.Goodbye",
paalam nila at lumakad na sila papalayo sa akin.Pagkapasok ko sa Classroom ko....

"Angel,Dota tayo.Pustahan tayo",ngumisi ako kay Kevin.

"Sige,may dala ka bang Laptop?",tanong ko.

"Oo naman,ako pa",nilabas na namin ang kanya-kanya naming laptop at nagsimula ng maglaro.

Gangster Princess Meets Them || The Final Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon