Chapter 2.4: Meeting his Parents
Angel's POV
2 weeks na kami ni Jake,sinabi ko kay Dad ang tungkol sa aming dalawa.I was relieved,akala ko hindi niya ako papayagang magkaboyfriend.
Suportado talaga ang Dad ko,pinagkakatiwalaan din kasi niya ang mga barkada ko."Free ka ba mamaya?",tanong ni Jake.
"Bakit?" -Me
"Basta free ka ba mamaya?" -Jake
"Oo bakit ba?",tanong ko.
"Alam kong ready ka na dito~",pinutol ko ang sinabi niya.
"Huh? Anong ready? Ready sa~~~ arayy!",iba na naman ang iniisip ng ateh niyo.
"Ready na makilala ang mga Parents ko.Iba na naman ang iniisip mo.Kasal muna bago natin gawin yun noh",at nagwink siya.Tumalikod ako,ayaw ko kasing nakikita niya akong nagbublush.Nakakahiya kaya.
"Wait! Ano sabi mo? Ipapakilala mo ako sa Parents mo!?",Humarap agad ako sa kanya ng bigla kong naisip ang sinabi niya kanina.
"Oo",tumango siya.
"Hindi pa ako ready na makilala sila noh? What if na hindi nila ako magustuhan,pwera ang Mom mo.Baka hindi ako magustuhan ng Daddy mo",kinakabahan ako,hindi ko na alam ang sinasabi ko >_<
"Hey calm down,babe.Alam kong magugustuhan ka nila",ngumiti siya sa akin. "Just be yourself"
~~~~~~~~
Nasa kwarto ako,mga 5 minuto na rin akong tinitignan ang aking sarili sa salamin.Ganito kasi ako eh,basta naging hobby ko na ito.
Nakasuot ako ng Black Dress na hanggang tuhod at nakaheels,mga 3-4 inch ang ano nito.
"Anak nandito na ang Son-in-law ko",biro ni Dad.
"Ikaw talaga Dad,palabas na ako",lumabas ako sa kwarto ko at bumaba ako papunta kila Jake.
Tinignan naman nila ako dalawa,si Jake ay hindi maalis ang tingin sa akin.
"Ang ganda mo ngayon Anak",komento ni Dad.
"So ngayon lang ako maganda at pangit ako noon?",pagbibiro ko.Tumawa naman si Dad.Tinignan ko ulit si Jake na hindi parin talaga niya inaalis ang tingin sa akin.
"Huy! Kanina ka pa nakatitig sa akin.Matutunaw na ako",bigla namang bumalik sa realidad si Jake at napakunot siya sa noo.
"Ah,Tito Chri~~~",hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin kasi pinutol ni Dad ito.
"Call me Dad,my son",ngumiti si Dad.Si Dad talaga oh.
"Ah D-dad aalis na kami.I will make sure na walang mangyayaring masama kay Angel and ihahatid ko siya before 10:30 pm",tumango naman si Dad.
"I really like you,JR.Ganyan ang gusto ko para sa anak ko eh",ngumiti lang si Jake.
"Dad aalis na kami,Babye",lumabas na kami sa Mansion at inalalayan niya ako papunta sa kotse niya.Pinagbuksan niya ako ng Pinto.Nag-thank you naman ako sa kanya.
~~~~~~~
Nasa tapat na kami ng Pintuan nila Jake.Huminga ako ng malalim.Hinawakan ni Jake ang aking kamay kaya tumingin ako sa kanya.
"Let's go in?",ngumiti ako at tumango.Binuksan na niya ang pinto.
Pagkabukas na pagkabukas niya ang pinto ay bumungad agad ang mga mukha ng kanyang mga magulang.
"Hey sweetie welcome home",bati ni Tita.
"Hey Mom and Dad,I'd like you to meet my Girlfriend.Angel Sandoval",pakilala sa akin ni Jake.Tumingin naman sila sa akin.
"G-good evening po tita~~",she cut my words.
"Call me Mommy already",tumawa ng mahina si Jake.
"Ganyan din ang Daddy mo kanina",bulong niya sa akin.
"Oh sorry po,Good evening po Mommy and Daddy",tumango lang ang daddy niya at pekeng ngumiti sa akin.He doesn't like me.
"Good Evening din,pasok na kayo sa loob.Magdi-dinner na tayo",pumasok na kami sa loob at pumunta sa Dining Area.
"Sa wakas naging kayo na din ng anak kong si Jake.Alam mo? Ikaw talaga ang gusto kong mapangasawa ni Jake",sabi ni Mommy Pauline.Ngumiti lang ako at patuloy na kumain.
"Pagkatapos niyong mag-aral magpapakasal na agad kayo ah?",sa sinabi ni Tita~ este Mommy Pauline ay nabilaukan ako.Kinuha ko naman ang baso na may tubig na binigay sa akin ni Jake and he rub my back.
"Are you okay?",tumango ako.
"Yeah I'm fine.Thanks",ngumiti siya.
"Nagmamadali ba ako? Sorry,gusto ko kasing makita ang mga Grandchildren ko eh hihi",nagpeace sign siya.
~~~~~~
Naglalakad kami ngayon dito sa Garden ni Jake at nag-uusap ng kung ano-ano.Pagkatapos kasi ng dinner,nagpaalam muna kami para magpasyal dito sa loob ng Bahay nila.Walang masyadong sinabi ang Daddy ni Jake sa akin,Ayaw talaga niya ako.Basta nasesense ko na ayaw niya ako eh.
"Parang ayaw ako ni Tito Leo",malungkot kong sabi.
"Gusto ka nun",sabi niya.
"Paano mo nasabing gusto niya ako?" -Me
"Ahhh hindi ko rin alam",may pagkaano rin ito noh?
"Alam kong magugustuhan ka din yun.Basta ang advice ko lang,you should impress him.I don't know kung paano",tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.Teka nga parang baliktad eh.Dba ang lalaki ang nagpapaimpress sa mga magulang ng babae? Eh bakit ako ang mag-iimpress?
~~~~~~~
Thanks for reading 😘
BINABASA MO ANG
Gangster Princess Meets Them || The Final Revenge (COMPLETED)
Teen FictionPART 1 & 2 Meet Angel Sandoval she's Beautiful,Kind Hearted,Good,Loving,Caring,Sweet and She Always Smiles.She Loves her Parents very much,they are the most Important people in her whole life. One day a group of gangs killed her Parents she saw eve...