Angel's POV
"Yes walang pasok Bukas!",masayang sabi ni Violet,natawa naman kami sa ginawa niya para kasi siyang bata.
Wednesday ngayon at bukas at sa Biyernes wala kaming pasok.May pupuntahan kasi ang mga guro namin kaya wala kaming pasok.
"Picnic tayo?",suggest ko.
"Maganda yang inisip mo,Angel.What time tayo aalis bukas?",tanong ni Kyle.
"Mga 9:00 am",nag-agree kaming lahat sa sagot ni Nash.
"Wala naman tayong masyadong ginagawa sa Class natin diba? Maghalf day na lang tayo",sabi ni Kurt.
"Sige para makaready na tayong lahat" -Kyle
"Pagkatapos niyong mag-impake kunin niyo na lahat ng mga kunin niyo sa Picnic natin.Doon na kayo sa bahay namin matutulog para sabay sabay na tayong lahat",sabi ko.
"Hala huwag na Angel, nakakahiya naman sa inyo",hindi pa kasi sanay si Violet,ang nasa isip niya ay baka nakakaistorbo lang sila doon.
"No,basta doon na lang kayo sa bahay namin",okay lang naman kay Daddy ito eh.Masaya nga siya kapag may mga bisita sa bahay kasi ang tahimik daw doon.Walang maingay kasi sa Bahay namin eh.
~~~~~~
"Hay,salamat nakarating din tayo",nag-unat ako,ang sakit na kasi ang pwet ko eh.5 hours kaming nasa biyahe,nandito kami ngayon sa Palawan Beach,isa daw itong pinakasikat na beach.Aaminin ko ang ganda dito.
"Tayo na sa hotel para makapagpahinga na tayo",aya ni Nash.Kinuha na namin ang mga Dala naming Bag at pumasok na sa Hotel.
"Angel at Violet kayo ang magkaroom,Andrew at JB,Kurt Kyle at JR,Ako at si Yohanne",sabi ni Nash. "Agree ba kayo?"
"Yes boss",sabay naming sabi.Nagkatinginan kaming lahat at tumawa.
Pumasok na kaming lahat sa kanya-kanya naming Room.Pagkapasok ko sa Kwarto namin ni Violet ay humiga agad ako sa Kama ko,ganun din si Violet.
"Ganun ba talaga si Nash?",tanong ni Violet,tumawa ako ng mahina kaya tumingin siya sa akin and she give me a why-are-you-laughing-look.
"Ganyan din ang tanong ko kay Jake noon eh...Oo ganun talaga siya,siya kasi ang pinakaboss nila,siya din ang pinakamatalino sa kanilang Pito kaya siya ang nagpaplano,wala namang nagrereklamo sa mga pinaplano niya,agree lahat sila sa mga ginagawa niya",explain ko,tumango naman siya.
Mga ilang segundo lang ay may kumatok sa pintuan namin.
"Girls,lumabas na kayo.Kakain na",aya ni Kyle.
"Sige,mauna na kayo susunod na kami",tumayo na kami ni Violet.Nagbihis muna kami at lumabas na.
Nakita naman agad namin yung mga katropa namin at lumapit na sa kanila at umupo na.
"Ano ang oorder'an nating pagkain?",tanong ni Kyle.
"Chapsuy,Lechon Manok at yung special menu nila sa akin",sabi ko.
"Ako din/ganun din sa akin",sabay nilang sabi.Tumawa sila ng mahina.
"Sige,ano ang drinks?" -Kyle
"Ice Tea/Coke/Sprite/Royal",isa isa namin sabi.
"Wala na? *We shook our heads* Waiter, Siyam na Chapsuy at special menu niyo,4 na lechon manok.1 Ice Tea,3 Cokes,3 Sprites and 2 Royals please"
"Okay po sir,makapaghihintay po ba kayo ng 15 minuto sir?",tumango naman si Kyle.
"Oo",matipid na sagot niya.Ngumiti ang waitress at umalis na.
"Ay oo nga pala,hindi pa tapos ang parusa niyo Angel at JR",sabay kaming nagtakang tumingin kay Violet."Hindi niyo na maalala? Diba ako ang panalo sa Treasure Hunt at ang mattaalo ay mapaparusahan"
Ayy oo nga pala,nakalimutan ko na kasi yun eh.Akala ko hindi na kami paparusahan ni Violet kasi nasa hole kami kasi.
"Oh ano ba ang ipaparusa mo sa amin?",tanong ni JR,kinuha ko ang tubig na nasa harapan ko at uminom.Ngumisi naman si Violet,parang hindi ko magugustuhan ang ipaparusa niya sa amin ah.
"Maga-act kayo ni Angel na magCouple",napaubo ako wala sa oras,hinimas himas naman ni Andrew ang aking likod.Salamat hindi ko naibuga ang iniinom ko kung hindi baka maibuga ko kay Yohanne ito.
"What?! We're going to act like a couple?",gulat na sabi ko.
"Yep,hanggang sa Sunday lang naman ito eh",sabi niya at ngumiti sa akin.Lintek tong babaeng to ah.Anong klaseng parusa yan?
BINABASA MO ANG
Gangster Princess Meets Them || The Final Revenge (COMPLETED)
Teen FictionPART 1 & 2 Meet Angel Sandoval she's Beautiful,Kind Hearted,Good,Loving,Caring,Sweet and She Always Smiles.She Loves her Parents very much,they are the most Important people in her whole life. One day a group of gangs killed her Parents she saw eve...