Kabanata 1
That Idiot
WILLIAM'S POV:
"Ah pasensiya na! May daga kasi akong nakita eh takot ako sa daga." paumanhin ni Mitch tapos kumawala na siya sa pagkakaakap sa 'kin.
"No. Ayos lang." sagot ko "Alam mo, dalawa 'yan eh. Maaaring takot nga ang nararamdaman mo 'pag nakakakita ka ng daga or baka pandidiri lang."
"Alam mo Yam, alam ko na rin 'yan. I am sure, takot talaga ako sa daga." panigurado ni Mitch. "Ikaw saan ka takot?"
"Hindi ko alam. Wala" sagot ko.
"Ha? Walang ganon! Impossible 'yan Yam. Sigurado ako may isang bagay ka na kinakatakutan pero siguro hindi mo lang alam na takot ka sa bagay na 'yon." pagpupupumilit niya.
"Mitch! Possible 'yun!" pilit ko parin.
"How sure are you?" tanong niya sa 'kin tapos tinitigan niya ako ng malagkit dahilan para mapalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto ko na tuloy agad maging cardiologist para mapag-aralan ang puso ko.
"Wala ka ba talagang boyfriend?" bigla ko nalang tanong sa kaniya.
"Wala nga Yam." sagot niya.
"Kung ganon, tapos na ang usapan." sabi ko sa kaniya at kumawala na ako sa titigan at dumerecho na akong pintuan para umalis habang naiwan si Mitch na parang napaisip.
MICHELLE'S POV:
Anong ibig sabihin ni Yam sa sinabi niya? Tumalikod ako at pinagmasdan siya habang papalayo with full of questions running in my mind.
I checked my schedule and bakante na ako maghapon sa araw na 'to. Napagdesisyonan ko ng umuwi nalang.
Dumerecho na 'ko sa kwarto ko. Just dropped the bag, removed the shoe, left it, then lay down and lying on the bed, took my cellphone and scroll...Ganito talaga ako. BURARA! Pero mas prefer ko ang ganitong ayos dahil para sa 'kin mas madali kong hanapin ang mga gamit ko.
"What a mess!" isang boses ng pamilyar na babae ang narinig ko kung saan...
Tinignan ko. I knew it. Si mama. Nakabukas ang pintuan kaya nakapasok siya sa kwarto ko.
"Ma!" sigaw ko.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga, iniwan ang cellphone at inakap siya.
"I miss you so much ma!" sabi ko. "Kailan ka dumating?"
Umupo ako sa kama, tinitignan siya. Galing siyang France, she met a client.
"Kanina lang. Nako! Ang gulo ng kwarto mo..." aniya.
"Eh ma, kilala mo na 'ko. Mas gusto ko ng ganito." paliwanag ko.
Tinitigan niya ako.
"Alam mo, dalaga ka na. You should fix your room." sabi sa 'kin ni mama with full convincing na mukha.
"Eh ma, ang hirap." sabi ko
"Nako! Nako!" sabi niya tapos umalis na siya.
Humiga ulit ako sa kama. AhhhhhHhH... Ang SARAP!
Kinuha ko ang cellphone ko ulit tapos scroll scroll... Suddenly,
Ting!
Yamyam Marasigan sent you a friend request.
"Ha? Yamyam Marasigan? Sino 'to?" tanong ko sa sarili ko.
Ahhh! It's William! I confirmed his request at wala pang isang minuto bigla na lang siyang nag send ng message sa 'kin.
"Hi Mitch!" sabi niya.
Ano kayang naisipan neto at bigla siyang nagmessage?
"Hello!" sagot ko
"Sabay tayong maglunch bukas?" tanong niya.
"Ha??? Hmmm... Sige!" sagot ko.
Naglog-out na 'ko tapos nagpalit ng damit to go biking. Nagcycling bike jersey ako, helmet and rubber shoes. Pink ang cycling bike jersey ko because I just love pink. Kaya nga pink din ang bike ko.
Ngayon na lang din ulit ako maglilibot dito sa San De Santo pagkatapos ng 2 years. Dati kasi, pumupunta lang kami dito kapag bakasyon, eh ngayon dito na kami titira. 3 weeks na kami dito simula nung bagong salta namin.
Nasa parke ako ngayon ng San De Santo. Linanghap ko ang hangin na kay presko. Ginala ng mata ko ang paligid. Wala paring pinagbago. Ang mga puno ay matataas parin at ang ganda pagmasdan dahil sa berde nitong mga dahon.
"Mitch!!!" tawag ng isang pamilyar na boses ng isang lalake kung saan...
Lumingon ako.
"Layuan mo na 'ko!" sabi ko ng matigas.
Sumakay na ako sa bisekleta at naghelmet na rin trying to escape. Pero pinigilan niya ako. Pumunta siya sa harap at lumuhod.
"Kenn! Umalis ka diyan! Please lubayan mo na 'ko oh!" pagmamakaawa ko.
"Mitch! Just one more chance! One more chance and we'll try to work it out. PLEASE!!!" pagmamakaawa niya.
Bumaba ako sa bisekleta ko at nilapitan siya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at inangat siya mula sa pagkakaluhod.
"Bakit ngayon pa Kenn? Wala na akong nararamdamang pagmamahal pa sa 'yo." sabi ko sa kaniya.
"Baka sakaling kapag maging tayo ulit babalik ang pagmamahal mo sa 'kin?" pagsisiksikan niya.
"Kenn, kung hindi ka sana nagloko... Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo. I'm sorry Kenn pero tapos na kaya please layuan mo na 'ko." pakiusap ko sa kaniya.
"Can't you really give me another chance?" tanong niya na.
"I'm sorry." sagot ko
Bigla niya akong hinawakan sa kamay at tumingin sa mata ko at ngumiti.
"I'm not giving up. I just want you to know that whatever happen, I still love you and I will do everything just to get you mine back." sabi niya sa 'kin ng napaka sincere.
Bakit parang pakiramdam ko nagi-guilty ako na iniwan siya gayong siya ang nagkasala?
Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi makapagsalita.
"I will prove you na karapat-dapat parin ako diyan sa puso mo at karapat-dapat ako para sa pagmamahal mo Mitch." sabi niya sa 'kin habang hawak-hawak parin ang aking kamay.
Binitawan niya 'ko at ngumiti siya.
"Liligawan kita ulit." sabi niya kaya bigla akong kinabahan na hindi ko maexplain pero sigurado naman ako na hindi pagmamahal 'to.
Umalis na siya. Yumuko ako ng sandali.
Tinaas ko ang ulo ko at tumalikod ako para tumungo sa bike ko pero pagkatalikod ko nauntog ang ulo ko sa isang malabakal na katawan pero mabango ang amoy.
Tinignan ko at nakita si Yam.
"Kuya mo nga siya." sabi niya sa 'kin na para siyang nadismaya.
"Ah... ano kase..." sabi ko ng medyo nauutal. "Ex ko siya na pilit gustong bumalik sa relasyon namin."
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinila niya ako papunta sa bike ko.
"Tara na. Sayang naman yang suot mo. Mukhang pinaghandaan mo pa." sabi niya sa 'kin. "Ako ang magmamaneho ah."
Sumakay siya sa bisekleta pero ako tinitignan lang siya.
"Ano? Sakay na Mitch." utos niya sa 'kin kaya sumakay na 'ko.
Mayroon kaseng upuan sa likod ang bisekleta ko.
Pagkasakay ko hinawakan niya ang mga kamay ko at ipyinesto ito sa tiyan niya bilang kapit.
"Kumapit ka baka mahulog ka." sabi niya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomanceAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.