Kabanata XXVII

22 5 0
                                    

Kabanata 27

Sige lang, Magpalusot ka!

WILLIAM'S POV:

Habang nag-iisip na kami ng paraan way out, bigla nalang kumatok si JP sa pintuan. "Bilisan mo naman diyan!"

"Ano na? Ano?" tanong ko sa dalawa ng tahimik. Natataranta ako at pati rin naman sila natataranta na.

"Ah---Sandali lang puh-pwede? Ang talaga kasi ng tyan ko eh! ARAAAAYY!" pag-aarte kong sagot kay JP.

"Hindi pwedeng may isa pang makaalam ang tungkol sa nangyare Michael!" naiiyak at natatakot na sabi netong babae. Hay Nako! Eh kung hindi ka naman kase maharot ate at pinatulan pa ang malibog kong bestfriend... Nako nanggigigil talaga ako sa 'yo eh! Hhhhhhh!

"Ganito na lang, lalabas ako kaya kayong dalawa magtago kayo okay? Ililigaw ko si JP palabas." sabi ko sa dalawa with a bit of hesitation.

"Pe-pero pano kung hindi pumayag?" tanong ni Michael.

"Basta ako na ang bahala." sabi ko naman.

"Masisigurado mo ba?" Andami mo ring tanong eh no? Wala na ngang oras eh.

"Oo-Oo!" sagot ko. Nako! Kung hindi lang kita bestfriend eh...

"Sige. Tagalan mo ah! Round two lang kami." pagbibiro pa niya.

"Gago! Itakas mo na yang babaeng 'yan!" sabi ko naman. Napakamot lang siya sa batok niya. "Sige na doon na kayo sa other curtain."

Nagtago na nga silang dalawa sa kurtina. Huminga ako ng malalim. Okay Yam! Kaya mo 'to. Binuksan ko na ang pintuan para lumabas. Bakit wala siya rito? Inikot ko ang mata ko dahil wala si JP rito. Baka na sa kama?

Dumerecho ako sa kwarto para siguraduhin kung nandito siya sa loob o wala.

Andon naman pala siya. Nakaharap sa mirror wall at para ine-enjoy ang view ng Luna.

"Jeh-JP!"

Tumalikod siya at nagtaas ng noo. I can't talk. "Tagal mo!"

Mukhang dederecho na siya sa banyo as expected. Okay Yam, stick to the plan.

"Ah, JP?"

Tumalikod siya. "Bakit?"

"Barado na nga talaga ang banyo. 'Di ko nga naflush ng maayos eh." Hooh! Sige lang Yam. Keep it up!

"Ha? Kung ganon, sabihin na natin sa manager para maayos na nila ang banyo." sabi naman niya sa 'kin at parang papunta siya sa telepono. Agad-agad akong tumakbo patungo sa kanya, hinawakan ang kamay niya at pinigilan.

"Eh... Nah-nah-Nahihiya kase ako eh. Alam mo 'yun?" Shet! Saan ba 'yan nagmula.

Tinignan niya lang ako ng kumukunot ang noo niya. Huminga siya ng malalim at parang nag-iisip kung anong dapat niyang gawin. "Pero hahayaan nalang ba nating ganyan ang banyo natin? Barado naman kasi pala talaga ginamit-gamit mo pa!"

Here he goes again, so straight. "Nako sorry naman JP ah! Ano bang magagawa ko?"

Hindi niya ako sinagot. Bakit kaya? Tumalikod siya. Tinignan ko kung anong gagawin niya. Pinipindot niya ang number ng Resort. Nako mukhang tatawagan ang manager! Biglang nanlaki ang aking mga mata at kinabahan.

"ARAAAY!" exaggerated kong sigaw. Agad siyang bumitaw sa telepono sa gulat at agad akong nilingon. "Ang sakit ng ulo ko! Araaay!"

Hindi niya ako pinansin at tumalikod lang ulit at linagay ang telepono sa tenga niya. JP! Why can't I fool you?!

"Hello?"

"Room 207, Just wanna report."

Hinawakan ko ang kamay niya at sa pagtalikod niya para tignan ako, sineryosohan ko naman ang mukha ko para talagang totoo. "JP, ayokong mapahiya." kunyareng pagmamakaawa ko sa kanya. Nagtinginan kami ng masinsinan. PUSO! Huwag kang tumibok. Bumitaw siya sa pagkakatingin at itinuloy ang pagsasalita sa telepono. Napa-cross finger nalang ako sa mga sasabihin niya. "Wala palang problema." Wait? What? Totoo ba 'yun. Biglang nagliwanag ang aking pakiramdam dahil sa aking narinig. Binaba na niya agad ang telepono at tumingin sa 'kin. "Ayos na?" suplado niyang tanong. Naglakad na siya papalabas ata ng silid. Napakagat ako sa labi ko at tinignan siyang paalis.

"Saan ka pupunta?" tanong ko agad sa kanya.

"Saan pa? Eh di sa public cr, kung saan hindi barado." Ang suplado niya talaga kahit kailan. Tuluyan na nga siyang umalis. Nagbilang ako ng twenty tapos agad kong binuksan ang pintuan ng aming silid at ikinalat ko ang aking mata para tignan kung nasa paligid parin si JP. Wala na siya.

Dumerecho ako sa banyo at kumatok. Binuksan nila at mukhang may kaba parin sa mukha ng babae. "Wala na siya."

Napahinga silang pareho ng malalim at narelax na. Agad na silang lumabas ng banyo at ang babae tuluyan ng umalis sa aming silid.

Pagkaalis ng babae agad kaming nagtinginan ni Michael. Siya, galak na galak, ako? Nakasimangot. Sinong hindi sisimangot sa sitwasyong 'yun?

"Pare! Salamat talaga ah!" pagpapasalamat niya.

Nagpakita ako ng sama ng loob at tinalikuran siya papunta sa kama at napadapa lang ako bilang relaxment. Agad naman siyang tumalon sa kama kung saan ako nakahiga at nilambing pa ako. Inakap niya ako at kinagat ang tenga ko. Sweet no? Opps! No Judging! Tropa lang 'to.

"Pare, sorry na... Babawi ako." sabi niya sa 'kin. Nagpalit ako ng pyesto. Tumingin ako sa kanya. "Talaga?"

"Oo!" napakaconfident niyang sagot.

"Tanggalin mo muna ang mga parte ng katawan mo sa 'kin dahil hinahawak-hawakan mo ang babaeng 'yun kanina eh di ko naman alam kung saan mo 'yun nakuha. Baka may virus pang dala." pagsusuplado ko sa kanya kunyare.

Agad naman siyang bumitaw sa 'kin at dumistansya. "Sorry naman. Gwapo lang eh!" Wow! Ang lakas talaga ng loob eh!

"Ngayon, pano ka babawi sa 'kin?" tanong ko sa kanya.

"Hmmm... Babae gusto mo?" Ay loko 'to oh! Binato ko siya ng unan. "Bahala ka sa buhay mo!"

"Eh biro lang po MR. VIRGIN!" sabi naman niya sa 'kin. "Ilelebre nalang kita. Kahit ano."

"Sige na gago maligo ka na!" sabi ko sa kanya.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon