Kabanata XXXIV

25 4 0
                                    

Kabanata 34

Asar

WILLIAM'S POV:

Tapos na ang Date kahapon. Ngayon, Paaralan na naman ang makakasama ko buong maghapon.

Today, kinuha ko ang motor ko. Wala lang. Gusto ko lang kasing kunin. Alangan hindi ko 'to papakinabangan?

Nasa classroom kami ngayon. ALL PRESENT. Ngayong araw ang Results Day ng aming examination. Kinakabahan ako dahil sabi ko nga, isa ito sa mga requirements para grumaduate ako.

"Everyone Listen!" Ayan na namn si Ma'am Castillo. Kampana!

"I have the result sa exam niyo! And I want to congratulate you all lalo na't may naka got all sa exam dito sa inyong klase." Nagpalakpakan naman kaming lahat.

Lahat nakatingin sa 'kin dahil inaasahan nilang ako 'yun. On my part medyo umaasa rin ako kasi ako ang top ng klase but one thing I've learned being a student is to not to expect. And wala naman akong pakealam sa rankings, about zuma o kahit ano pa. Only I care is to finish my study.

"Congratulations William!" sabi ni ma'am Castillo kaya naoverwhelmed ako. Ang sarap lang sa pakiramdam na last exam, PERFECT SCORE. Lahat hinangaan ako, kinongrats, meron yung mga nagthumbs up sa 'kin, si Michael naman kinindatan lang ako.

"Meron pang isa." sabi ni Ma'am Castillo kaya nagulat ang lahat. Didn't expect siguro. Well, kung sino man 'yun sigurado ako na deserve niya dahil pinaghirapan rin niya.

"Congratulations JP! Transferee student pero may ibinuga." talaga? May laman pala ang utak niya? Hindi ko inakala. Ang alam ko lang cold siya, snob, basta negative.

Pinalakpakan namin siyang lahat pero hindi ko siya tinignan, nasilip ko lang sa peripheral view ko na parang wala siyang reaction, like smile or thank you look. Wala. DEADMA. Well, He is JP. Dahil sa naging achievement niya, marami namang mga classmate kong mga babae ang kinililig sa kanya. Lalo na itong sina Fiona at Andrea na ang iingay talaga.

4 years down, 6 more years para maging doctor na nga talaga ako ng utak.

"Magisip-isip na kayo ng mga page-enrollan niyo for 6 years na pag-aaral ng pagiging neurologists niyo. Isulat dito sa ididistribute kong small paper and pass it to me. Kung wala pa, then you can give it to me tomorrow." sabi ni ma'am Castillo.

Pagkarating ng papel sa 'kin, hindi muna ako nagsulat dahil wala akong ideya kung saan ako mage-enroll. Habang si bestriend sinesenyasan ako, nagtatanong kung saan daw ako mage-enroll.

Alam niyo, matalino ang bestfriend ko, TAMAD LANG TALAGA.

"Hindi ko pa alam." senyas ko naman sa kanya.

"Ipasa na sa 'kin 'yung mga nakapagsulat na." marami na ang nagpasa kabilang si Mitch. Mas kakaonti ang hindi pa na gaya ko at ni Michael. Si JP? Ewan ko don.

"Pass this." utos ni ma'am Castillo kay Andrea. It's our exam's result. Andrea passes the papers as told.

I am just really blessed dahil yung paghihirap ko para magreview was all worth it. Never in my college life na nakakuha ako ng perfect score. Only almost perfect scores.

"Okay, see you tomorrow." sabi ni ma'am Castillo tapos umalis na. 

Linagay ko na sa bag ko ang exam result ko at ang blankong papel na dinistribute ni ma'am Castillo.

"Yam." sabay na tawag ng magkaibang boses sa aking pangalan pagkatayo ko para umalis ng silid. Tinignan ko and it was Mitch and JP. Bakit naman ako tatawagin ni JP?

Nakangiting tinitignan ako ni Mitch habang si JP naman parang may gusto siyang sabihin. What's gotten into him? Nilingon ko lang konti si JP pero hindi ko na tinagalan at sa pagbaling ko ng tingin kay Mitch, pinaramdam ko kay JP na parang hangin ang nakita ko pagkalingon ko sa kanya.

"Tara na." sabi ko kay Mitch.

Naglakad na kami ni MItch paalis pero si JP naiwan sa silid.

"Mukhang may sasabihin si JP sa 'yo, bakit parang hindi mo siya pinansin?" tanong sa 'kin ni Mitch.

"Ha? Wala 'yun. Hindi naman siya mahalaga." sabi ko kay Mitch. 

JOHN PRIEL'S POV:

"Magisip-isip na kayo ng mga page-enrollan niyo for 6 years na pag-aaral ng pagiging neurologists niyo. Isulat dito sa ididistribute kong small paper and pass it to me. Kung wala pa, then you can give it to me tomorrow." sabi ni ma'am Castillo.  

Actually, may naisip na ako kung saan ako mage-enroll ang kaso, gusto kong malaman kung saan mage-enroll si William at susundan ko siya. Para na siguro akong nababaliw no? Pero wala eh.


"Okay, see you tomorrow." sabi ni ma'am Castillo tapos umalis na.   

Sinisilip ko si William kung paalis na siya pero hindi ko ginagalaw ang ulo ko, mata lang. Hanggang sa naisipan ko na siyang tawagin.

"Yam." sabi ko sa kanya pero sabay kami ni Mitch sa pagsasabi ng kanyang pangalan. Nakakatuwa no? Akala ko sa mga palabas lang sa TV o kaya sa movie makikita ang mga ganitong pagkakataon. 

Tumingin siya sa 'kin kaya umasa ako na may sasabihin siya subalit para bang ako'y isang kaluluwa na tinawag ang pangalan niya pero hindi nakikita.

Agad lang niyang niyaya si Mitch. Masakit? Hindi. Ayos lang ako. Magaling akong magpanggap eh.

Naiwan ako rito sa silid. Mag-isa. Natulala ng mga ilang segundo at agad ng lumabas. Hindi pa ako talo, dahil lang don.

Naabutan ko pa sina Mitch at William na sabay na naglalakad.

"Mukhang may sasabihin si JP sa 'yo, bakit parang hindi mo siya pinansin?" rinig kong tanong ni Mitch kay Yam.

"Ha? Wala 'yun. Hindi naman siya mahalaga." rinig ko namang sagot niya. 

Masakit na. Knowing you are not important. Pero kahit ilang araw ko pa lang nakikilala si Yam, nakilala ko na siya. Napakagaling niya sa salita pero mahina ang puso niya.

Cheer up JP!

Binilisan kong maglakad at sa pagitan nila ay malakas akong dumaan dahilan para mabangga sila. Sa gitna nila ako dumaan para naman mapaghiwalay sila kahit sandali lang.

"Ano ba?" pagrereklamo ni Mitch. Lumingon ako at nakita ko si William na nakakunot-noo lang.

"Haharang harang kasi kayo sa daan." sabi ko ng masungit lang. JP type lang.

"Eh di sana, nag-excuse ka man lang." supladang sagot naman ni Mitch. "Wala ka bang mata ha?"

"Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya para lalong mainis.

Papalaki na ang mata niya pero biglang hinawakan ni William ang kamay niya. "Huwag mo ng patulan ang mga taong bastos." sabi niya at hinila si Mitch paalis.


I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon