Kabanata 29
Selos
WILLIAM'S POV:
"Pano naman ako naging corny?" tanong niya sa 'kin.
"Eh... Basta!"
"Ano nga?"
"Wala!"
Natigilan siya and she crosses her arms. "Daya mo!"
Natawa lang ako sa tinuran niya. "Eh ba't ka kase nagpatalo?" biro ko naman sa kanya.
"Hindi ka kase gentleman!" Hindi ko nga alam if I am man eh. Nagpalit ako ng pyesto. Humiga ako at ginawang unan ang legs niya. "You're not allowed to that." sabi niya sa 'kin at tinignan niya ako ng masama.
"Bakit naman hindi allowed ang boyfriend mo?" pasweet kong tanong sa kanya.
"Eh basta." sagot lang niya. Kaya nacurious ako.
"Ano?" pagpupumilit kong tanong.
"Wala." Wow! Parang binack to you ako ah! Hindi ako nakasagot at tinignan lang siya nang masama.
"Natalo rin kita." at nang-asar pa talaga siya ah.
"Love birds duma-dami na ang mga tao. Yung mga PDA niyo." bigla nalang sabi ng isang boses kung saan...
Tinignan ko ito. It's Michael. Agad na akong bumangon sa pagkakahiga at umupo sa tabi ni Mitch. Tinignan naman ako niya at tinanong ng palihim at pabulong. "Alam niya?"
Tinaas ko lang mga kilay ko bilang pagsang-ayon at ngumiti ako. Gaya ng ginawa niya, nagpeace-sign din ako.
"Ligo tayo?" aya ni Michael sa 'min.
"Maya na." sagot ko naman. Bigla nalang tumayo si Mitch. "Saan ka pupunta?"
"Sa Dagat." tapos tumakbo silang dalawa patungo na sa dagat at nagtampisaw.
Napakunot-noo lang ako. Balak ko sana sa Sunset eh... Kaso.
Tumayo na ako at tumakbo rin papunta sa dagat.
Pagkalubog na pagkalubog ko ng dagat ng Luna, doon ko naramdaman amg lamig, ang sarap sa pakiramdam. Now this is Vitamin Sea!
"Akala ko ba maya na Yam?" biro naman sa 'kin ni Michael.
"Wala ka na don Pare!" sagot ko naman. Agad akong sumisid at lumangoy patungo kay Mitch at inakap siya kahit nasa tubig pa ako.
Kahit na buwis-buhay yakap, I still love it.
"JP!" rinig kong sigaw ni Michael kaya bigla nalang akong kinabahan. Heto na naman ako. Nag-iiba na naman ang damdamin ko.
Kumawala na ako sa pagkakaakap at umahon sa pagkakalubog at humugot ng hangin.
Tumingin ako sa tabi ng dagat. At don nakita ko si JP.
My heart really is beating. I can't stop it. JP is wearing short, yung typical na pandagat na short. Tas nakapolo na may coconut trees ang pinta. Para bang Hawaiian Outfit kumbaga. And he's wearing black shades. He's so hot. Bigla tuloy akong pinagpawisan buti nalang basa ako at di halata.
"May kukunin lang ako sa room." pagpapaalam ko sa kanila para makaiwas kay JP.
Umalis na ako agad at dumerechong room namin.
Agad akong nagtuwalya pagkarating ko rito sa aming room dahil nakalimutan kong magdala pala kanina. Nawalan na akong gana para maligo sa beach kaya agad akong dumerechong banyo.
Binuksan ang shower and the water began to fall.
Yam! Ano na naman ba 'to? Maayos na kanina diba? Si JP lang 'yun! Tao lang yun! Lalake... Kapwa mo kaya hindi tama ang nararamdaman mo dahil masasaktan ka lang. Yam, He will never be yours. He won't accept you. Masasaktan mo lang si Mitch... Kaya please! Kay Mitch ka nalang oh! Mahirap na kase. Ang sakit sakit na! Para kang babaliwin neto! Tandaan mo Yam, tinadhana ang lalake sa babae, hindi ang lalake sa kapwa niya lalake okay? Ano ba naman kaseng puso meron ako at nakakaramdam ng affection sa kapwa lalake?
Habang kinukumbinsi ko ang aking sarili, napapaluha lang talaga ako. Dahil nasasaktan ako. Oo wala namang ganap sa 'min eh. Pero kapag ba wala ng ganap, hindi na pwedeng masaktan?
I took of the shower already pagkatapoa kong maligo. Kinuha ko na ang twalya at nagpalit na.
Umupo lang ako sa kama at nag-iisip kung tutuloy pa ba ako sa baba o dito nalang ako at manood na lang? Pero sa bi ko kasi na may kukunin ako. Baka inaasahan nila ako sa baba.
Naisipan kong bumaba na lang since nag-iwan ako ng salita sa kanila.
Huminga ako ng malalim. Remember... Mitch lang!
Kinakabahan ako habang papunta ako sa kinalalagyan nila dahil maaaring mag-iba na naman ang pakiramdam ko. Pero dumerecho na lang ako.
Pagkarating ko rito, natigilan ako sa kinatatayuan ko at hindi ko inaasahang tumulo ang aking luha dahil sa nakita ko.
Nakahiga si Mitch at sini-CPR siya ni JP. He's supplying an air by using his mouth to Mitch's mouth. Nagseselos ako dahil sa nakita ko. Hindi ako makagalaw o makaalis. Alam ko na kinumbinsi ko na amg sarili ko pero my words isn't enough.
"Yam!" sigaw ni Michael kaya napatingin silang lahat sa 'kin.
Siguro inaasahan nila na lalapit ako roon para irescue si Mitch pero nung nakita kong nagkamalay na si Mitch agad na akong tumakbo paalis.
This is not me, I know! But People Change. Heart Changes. Maraming mga bagay sa mundo na kahit puso hindi makontrol.
Nagseselos ako. Selos na Selos. Now I know, Love really is tough!
![](https://img.wattpad.com/cover/147381410-288-k473706.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomanceAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.