Kabanata 18
Sigaw
MICHELLE'S POV:
Pagkalayo namin kay Kenn agad niya akong binitawan at iniwan na lang na parang ewan. Naglakad siya habang ako naiwan na nakatayo.
"Hoy!" sigaw ko sa kanya.
Tumakbo ako palapit sa kanya para kausapin siya.
"Ano yun ha? Pagkatapos mong sabihimg boyfriend kita, pagkalayo natin iiwanan mo lang ako na parang ewan?" sabi ko sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay at nagsungit.
"Pasalamat ka, tinulungan kita." sabi lang niya ng presko sa 'kin. Oh wait! His character is resuming.
"Bakit? Hininga ko ba na tulungan mo ako? Hindi!" sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako ng madiin kaya paramg nakaramdam ako ng awkwardness.
Bigla kong binaling sa paligid ang aking paningin para makatas sa awkwardness.
"Si-sige. May klase pa pala ako." sabi ko sa kanya para matigil na ang usapan at naglakad na ako.
Naglalakad ako papunta na sa klase ko. Tinignan ko ang relo ko para tignan ang oras. Shit! Malelate na ako.
Binilisan ko ang paglalakad para makaabot sa klase ko on-time.
Pero habang naglalakad ako nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako at nakita ko si JP.
What? Hanggang dito pa naman? Andyan ka?
Pagkatinging ko sa kanya tinaasan niya lang ako ng kilay. Nainis ako kaya hinayaan ko na lang siya.
Mas binilisan ko ang paglalakad. Siguro, walang ibang way kaya dito siya naglalakad. Siguro pag may iba ng daan, he'll take it.
Narating ko na ang building ng silid na pupuntahan kong klase. Marami paring estudyante ang nagkalat dito. Wala pang mga guro sa silid kaya nandito parin sila sa labas.
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko parin sa likod ko si JP. My gosh! Bakit???
Hindi ko nalang siya pinansin though inside gusto ko na siyang sigawan na huwag akong sundan.
Narating ko na ang hagdan kaya naglakad ako dito, paakyat. Marami ring estudyante dito sa hagdan.
Sa second floor lang ang klase ko kaya malapit na ako aa room class ko.
Habang papalapit na ako sa silid na pupuntahan ko, nasa likod ko parin si JP.
Naiirita ako na nasa likod ko siya. Hanggang sa nasa tapat na akong ng silid na pupuntahan ko, bigla akong tumalikod at nasigawan ko si JP, "Huwag mo na akong sundan!!!" malakas kong sigaw sa kanya. Binigay ko lahat ng lakas ko roon.
Nagulat siya sa sigaw ko. Natigilan ako at tumingin sa paligid. Gosh! Hot seat! Center of attraction!
Maraming estudyante ang nakatingin sa akin dahil sa lakas ng sigaw ko. Nakakahiya! Para akong hinubaran sa harap nila.
Napalunok ako at tumingin kay JP. Seryoso ang mukha niya na parang nagpapakita na wala siyang alam.
Tinignan niya ako ng masama. Agad siyang pumasok sa silid na pupuntahan ko rin.
What?! Magkaklase pala kami? Didn't know that.
Hiyang-hiya akong pumasok sa silid.
Pagkarating ko sa loob, one seat nalang ang vacant. Sa tabi pa mismo ni JP.
Ginala ko ang mata ko para maghanap ng ibang silya pero wala talaga. Tinignan ko si JP. Hiniga lang niya ang ulo niya sa lamesa na parang walang pakealam sa paligid.
I slowly go sa direksyon niya para umupo. Pagkarating, unti-unti rin akong umupo para hindi niya ako maramdaman.
Pagkaupo ko, bigla niyang binangon ang ulo niya at tumingin sa akin. Ayaw ko siyang tignan. Mapapahiya lang ako.
"Minsan, magtanong muna. Huwag agad sisigaw. Kundi ka naman kase tanga..." sabi niya bigla kaya nainis ako.
Bigla akong tumingin sa kanya. Lumalabas na naman ang init ko. Tumingin ako sa kanya para sagutin ang sinabi niya pero inunahan niya akong magsalita.
"Huwag ka nang magsalita." sabi lang niya sa akin. Tapos itinulak niya ang ulo ko sa harap. At sa harap nakita ko ang aming class teacher.
Guess what? Nakaramdam na naman ako ng hiya. Bakit parang palagi akong sinasagip neto mula sa mga pahamak.
"Good Afternoon Everyone!" sabi ng aming guro.
Binati rin namin siya pabalik.
At nag-umpisa na ang aming klase.
"Sorry. Salamat." sabi ko ng pabulong kay JP. "Sorry kasi, nasigawan kita at kwinestyon lang. Salamat kasi sinagip mo ako twice sa pahamak."
Hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang sa harap. Hindi ko na rin siya kinulit pa. Nakinig na lang din ako.
AFTER ONE HOUR...
"Class ends!" rinig kong sabi ng aming guro.
Immediately I went sa pinagparkan konng bike ko para umuwi na.
Pagkarating ko dito si bicycle parking soace, nakita ko si Yam. Umuupo siya sa bisekleta ko. Nakatingin sa baba at nakahawak ang isa niyang kamay sa manobela ng aking bisekleta.
Natigilan ako konte para pagmasdan siya. Ang sarap kasi ng view. Sarap siyang titigan. Napapangiti ako habang pinagmamasdan siya.
Then suddenly, biglang gumalaw ang ulo niya tungo sa direksyon ko.
"Andyan ka na pala?" aniya. Lumapit ako sa kanya at iniabot ang susi.
"Kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya habang inia-unlock niya ang mga kandado sa bisekleta ko.
"Hindi naman." sagot niya sa 'kin.
Inayos niya ang bike at inangkasan ito.
"Tara na." sabi niya sa 'kin.
Sumakay ako agad at humawak sa kanya.
"Alam mo ng kumapit ah!" sabi niya at pinatakbo na ang bisekleta.
"Bakit mo ako hinintay?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw ko kasing maglakad ngayon." sagot naman niya.
Habang papunta kaming bahay, naalala ko yung unang beses na magkasama kaming sumakay ng bisekleta. Yung unang beses na hinatid niya ako sa bahay namin.
At sa kakaisip ko hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay.
Agad na akong bumaba at pumunta sa harap niya.
"Salamat ngayon." sabi ko sa kanya.
"Sige uwi na ako. Hiramin ko bike mo ah!" sabi naman niya.
"Sige." sagot ko sa kanya.
Iniliko na niya agad ang bisekleta, nagpedal at tumakbo na ang bisekleta.
Hmmm... Something's weird. Inihatid niya ako dito sa bahay pero he didn't insist na mauna akong pumasok.
Tinitigan ko siyang umalis na. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko, kaya agad na akong pumasok sa loob ng bahay namin.
Hooohhh! This day is tiring! Full of embarasment, tapos nagpakita na naman sa 'kin si Kenn but good thing I saw Yam. Narecharge tuloy ako.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomanceAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.