Kabanata XXV

32 5 0
                                    

Kabanata 25

WILLIAM'S POV:

Ginala ng aking mata ang Luna. Maganda ang paligid. Many different kinds of plants are planted here that make the environment a great one. It's very windy but the wind is cool kaya ang sarap sa balat.

Nakarating kami dito sa loob ng hotel. Malawak. Ang ganda. The chandeliers were really look very expensive. Ang mga disenyo nila ay antik na millenial ang dating. I didn't expect na sa ganitong kasosyal kami pupunta.

"Everyone! Meron lang tayong 10 rooms na available kada section at plus 1 room para sa mga advisers. Meaning, hati-hati kayo sa rooms. 30 kayong lahat kaya kada rooms will contain 3 students. Now, ang gagawin niyo... kayo na ang maghanap ng sarili niyong roomates pero hindi pwede na magka-room ang babae at lalake." pagkasabi sa 'min ni ma'am Castillo agad nang naghanap ang lahat ng ka-roomates nila maliban sa 'kin na nakatayo lang.

"Pare! Magkaroom tayo okay?" sabi sa 'kin ni Michael. Well, kung ito kase kilala ko na eh. Sa mga ganitong sitwasyon puro kalokohan lang ang alam niya. Pero komportable at sanay narin naman ako sa kanya.

"Sure! Yung ibang tropa?" tanong ko naman.

"Tatlo sila, iniwan na tayo ng mga ulol! Eh di sana, mas masaya kung tayong lahat kaso limited." sabi niya tapos tumawa. Alam ko na ang ibig sabihin ng tawa niya eh. Hay!

"Kaso kulang pa tayo ng isa pare." sabi ko naman sa kanya.

Nilibot ng aming mga mata ang paligid para maghanap ng makakasama sa silid. Pero lahat ng aking nakikita ay buo na ang grupo.

"JP!" rinig kong tawag ni Michael. Agad kong tinignan si Michael.

"Huy huwag siya!" sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa 'kin. At bigla niyang naalala ang aking ibinahagi sa kanya.

"Ah... Eh..." lumapiy siya sa 'kin agad at nagsalita ng pabulong. "Kaso, siya na lang ang walang ka-roomate."

Napaisip na ako. Ayoko sana siyang makasama sa isang silid. Pero dahil parang nakikita ko na si JP papalapit sa kinalalagyan namin nagdesisyon na ako. "Sige-sige! Pero ikaw kumausap diyan"

"Sige."

Pagkalapit ni JP agad ng nagsalita si Michael. "Magkaka-room na tayo."

"K." sagot lang niya. Napaka straight talaga neto kahit kailan eh!

Bumulong naman sa 'kin si Michael pagkatapos niyang narinig ang tinuran ni JP. "Pare ayaw ko ang talas ng dila nito ah. Ba't mo ba siya nagustuhan?"

Linakihan ko lang siya ng mata.

"Okay, if you find your roomates, volunteer from your team will come in front and get a key." sabi ni ma'am Castillo.

Ako na ang nagvolunteer at pumunta sa harap para kunin ang susi.

Room 207

Binalikan ko na sina JP at Michael para yayain na silang tumungo na sa silid namin. Pero sa pagpunta ko ron nakita ko si Mitch na kasama ang mga napakahyper na sina Fiona at Andrea. Palagi naman silang tatlo ang magkakasama. Dumerecho na ako agad pagkakita ko sa kanya at least I feel at ease already, seeing her having friends.

Pagkabalik ko, parang nag-uusap sina Michael at JP ng seryoso. Nacurious ako kaya agad ko na silang pinuntahan.

"Ano bang pinag-uusapan niyo?" tanong ko sa kanila.

Parang tapos na silang mag-usap dahil hindi sila nagulat sa agad-agad kong paglitaw.

"Wala! Sinisita ko kasi 'to. Napaka straight forward eh!" paliwanag naman ni Michael. Well, okay.

"Sige tara na! 207 sabi ko sa kanila." Dumerecho na kami agad sa room namin.

Naglalakad kami patungo na roon. Hinayaan kong pasyalin ng aking mga mata ang napakasyosal na building.

Busog na busog talaga ako sa aking mga nakikita. The ancient designs were really stunning in my eyes, specially that it has been combined with a millenial inspiration.

Umakyat na kaming tatlo using the stairs instead of the elevator. Yari sa kahoy ang kanilang hagdan at in fairness, makinang ito. Nakakabighani at Nakakaaya. Magse-set ako ng time ko para kunan ang mga litratong ito.

"Room 207! Here we are!" sabi ni Michael. Hindi ko napansin na nandito na pala kami dahil sa kakausisa ko sa building.

Iniabot ko na ang susi at binuksan na ito ni Michael.

Pumasok na kaming tatlo sa loob kargakarga ang aming mga gamit. Inilapag ko sa isang upuan ang aking bag at inikot ng mata ko ang silid.

Sky Blue painted matched with gray color inside. The tiles are really matched sa pinta at disenyo ng wall.  May mga cabinets rin na antikin, flat screen na tv, mga lampara at paintings na nakadisplay sa pader. Talaga namang ang kombinasyon talaga ay antik na millenial. I am really am impressed Luna!

I know it's a typical design if I say na merong parte ng silid na ang wall ay salamin pero napahanga talaga ako neto sapagkat tanaw na tanaw mo ang view ng beach ng Luna.

Pero ang pinakabumida sa aking mga mata ay ang kama. Meron kaseng dalawang kama. Yung isa for two pero yung isa for only one naman.

Pero bigla namang dumerecho si Michael sa isang kama na for only one. "First come first served! Place to place!" sabi niya sa 'min ni JP.

Si JP naman, as usual wala siyang emosyon na pumunta sa for two people bed.

Agad akong tumungo sa kama na kinalalagyan ni Michael, umupo at kinausap siya ng taimtim. "Ano? Alangan kahiga ko si JP?"

Tinignan naman niya ako na parang nang-iinsulto. "Pare, alam mo naman na hindi ako makatulog kapag may kahiga ako diba?"

Shit! Oo nga pala. May mga kaartehan pala siyang ganon. Kung kailan naman talaga oh! Nagkatain pa.

"Can't you please sacrifice?" pagpupumilit ko sa kanya. "Sige, magpapalit tayo pero ikaw ang bahala sa 'kin kapag magkakalukemia ako dahil sa puyat, okay?" Tsk. Nangonsensya pa ang loko!

"Sige na nga, huwag na." sabi ko sa kanya.

I took a deap breath, stand, walk towards the bed where JP is lying. Nakadapa siya.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon