Kabanata 31
Couple Shirt
WILLIAM'S POV:
Refreshment is over! Kaya umuwi na kaming lahat sa kani-kanilang mga tahanan. Pero bakit parang hindi refreshment ang naranasan ko don? Heartbreak. Analyze. Decide.
I am with Mitch right now. Nandito kami sa mall, nagsha-shopping. Celebrating our weeksary. Kinda new for me, dahil yun nga, first time ko sa relasyon. Kami lang dalawa. Walang kasama. Libre. Pinagsulat ko siya ng mga gusto niyang gawin ngayon, gusto niyang bilhin, kainin at regalo. Pero ang sabi lang niya, "bahala ka na." Ganyan ba ang mga babae? Well, just go with the flow.
Naglalakad kami ngayon, holding hands. Sweet? At habang naglalakad kami, bigla siyang natigilan at napatingin sa isang brand dito sa mall na parang may gusto siyang gawin. Tinignan ko ito and parang alam ko na ang gusto niya. Tinignan ko siya at hinihintay para sabihin niya sa 'kin pero wala, parang nahihiya.
"Tara sa loob?" sabi ko sa kanya. Kasi, kung hindi niya sasabihin then since I'm the boyfriend, I'm doing the step.
"Ha?"tanong niya. Hindi ko na siya sinagot. Hinila sa loob at siya nagtataka.
"Miss, Can I take a look with that couple shirt?" tanong ko sa isang sales lady.
"Yes Sir."
Binaba niya ang couple shirt. Pink ang kulay para sa lalake at Blue sa babae. Kinda cute. May nakasulat na "A Life Time With Her" para sa lalake at "A Life Time With Him" naman para sa babae.
"Bibilhin mo 'yan?" tanong ni Mitch.
Nginitian ko siya, kinindatan and nodded.
"Pero pink? Gusto mo?" tanong niya sa 'kin na parang hindi siya makapaniwala.
"Bakit? May kasarian ba ang kulay?" tanong ko naman sa kanya. Hinay-hinay lang niyang ibinaling ang tingin niya sa ibang direksyon at mukhang nasorpresa.
Tinignan ko ang presyo ng couple shirt. Php 2,500.25 ang isa. Napalunok ako, tinignan ko siya tapos nginitian niya ako. Nahiya naman ako na hindi ko bibilhin kaya kahit na may kamahalan eh napasubo ako. "Sige, I will take it." sabi ko sa sales lady.
"Sir, don nalang po sa cashier." sabi naman niya.
Dumerecho kami sa cashier, wala namang nakapila kaya agad kaming nakabayad. Tinanggal ko ang mga price tags at inabot sa kanya ang damit niya tapos isinuot ko ang akin kahit na hindi pa ako nagtatanggal ng damit.
"Ba't mo sinuot agad? 'Di pa 'yan nalalabhan." pagsisita naman niya sa 'kin.
"Isuot mo na." sabi ko sa kanya tapos linakihan ko siya ng mata.
Nga pala, naisipan na naming maging open-family kasi parang ang hirap magtago at ang dami ng nakakaalam kaya hindi na naming hinayaan pa na sa iba marinig ng aming mga magulang ang tungkol sa amin. We go straight to them and tell them.
Kaya pagkagaling namin sa Luna, nagpahinga kami at kumuha ng tyempo para sabihin sa aming mga magulang. She came in the hospital dahil hindi pa nakakalabas si Niccolo, at don namin ipinagtapat kay Mama ang tungkol sa 'min. Guess what? Masaya siya, botong-boto siya kay Mitch. Tas nag-video call kami kina papa and papa scolded me a bit dahil nga 'di pa ako nakakagraduate pero mama helped me with it at humanga ako kay Mitch dahil siya na mismo nakiusap kay papa kaya it turns out well.
On her part naman, I faced her parents. As usual, man-to-man talk kami ng daddy niya. Ang nanay naman niya, parang naiiyak dahil nga big girl na daw ang baby girl niya kaya natawa ako. Ang nakakatawa pa, hinamon ako ng daddy niya ng inuman ng alak instead na pagsibakin ako ng kahoy, pag-igibin ng tubig at kung ano-ano pa gaya nung unang panahon ng panliligaw. Well, it's modern.
Hindi parin niya sinusuot ang damit at naghehesitate. Tinanggal ko na ang akin at kunyare nagtatampo, kinuha rin yung sa kanya. "Isasauli ko na nga lang 'to."
Agad naman niyang sinablot yung damit niya at pinigilan ako. "Hindi na hindi na, isusuot ko na po." nanglalambing na sabi niya sa akin.
Sinuot na niya agad 'yung sa kanya. It really fits her. Sinuot ko na rin agad 'yung akin. maglalakad na sana siya pero pinigilan ko siya. Inilabas ko ang cellphone ko. "Bakit?
"Magpipicture tayo." sabi ko sa kanya.
"Ano?" tanong naman niya.
May dumaan sa harapan namin kaya tinawag ko siya. "Miss---" hindi ko pa natutuloy ang aking sasabihin dahil hinawakan ako ni Mitch sa kamay at binulungan ako.
"Yam, huwag na nakakahiya." sabi niya na nahihiya nga talaga. "Bakit ba?"
Naghihintay yung babae kaya binalikan ko siya. "Pwede kunan mo kami ng picture?" tanong ko sa kanya. Pumayag naman siya. Binalikan ko si Mitch. "Ikaw talaga." sabi niya sa 'kin pero nginitian ko lang siya. Pumayag rin naman siya.
The position is I put my arm on her shoulder since I'm taller than her.
"Miss isa pa. Salamat."
Tas biglang nagulat si Mitch dahil umupo ako sa harapan niya at agad sinalabay. "aaahhh!"
"Kumapit ka." sabi ko sa kanya. Kumapit naman siya. Well, obidient.
"Tapos na po." sabi nung babae.
Lumapit ako sa kanya, buhat-buhat parin si Mitch. "Ibaba mo na ako." bulong niya sa 'kin pero hindi ko siya sinunod.
Kinuha ko na ang phone ko sa babae tapos umalis na sila.
"Ibaba mo na ako." sabi naman niya. Mukhang nahihiya na siya kaya binaba ko na siya.
"Alam mo, first time mo ba talaga sa relasyon?" tanong niya sa 'kin. Tumango ako at ngumiti.
Humugot siya ng hininga. "Psh. Daig mo pa ang lalakeng naksampong girlfriend na."
"Ano?"
"Ang sweet mo kase!" sabi niya kaya natawa ako. Sweet ba 'yun?
"Tara na nga! Ang dami mong sinasabi." Tapos hinila ko na siya palabas. Tapos na kaming kumain kanina. Kumain kami sa isang fast food chain kanina.
Lumabas na kaming mall. Nadaanan namin itong mga vendor dito sa gilid ng kalsada habang naglalakad kami. Holding hands. Bigla siyang natigilan. "Hantayin mo ako dito." sabi niya tapos umalis na. Saan ba 'yun pupunta?
Hindi ako umalis sa pwest ko at hinintay siya.
Pagbalik niya, may dala siyang minnie mouse headband. "Yuko ka." sabi niya sa 'kin.
"Ha?" tanong ko naman.
"Isusuot ko sa 'yo 'to." What? headband?
"Yoko nga." sabi ko naman.
"Sige na." pagpupumilit niya. Well kahit ayaw ko sana, sinunod ko nalang siya. Sinuot niya sa 'kin ang headband tapos pinagtawanan pa talaga ako. Sinubukan kong tanggalin pero pinigilan niya ako. At napilitan pa akong pinicturan niya.
Inaabuso po ako. Hehe
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomantizmAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.