Kabanata 53
It's okay not to be okay...
JOHN PRIEL'S POV:
"JP, let me go." sabi sa kin ni Yam na nagmamakaawa talaga.
"Narinig ko ang naging pagu-usap niyo ni Mitch. Nagiguilty ako dahil parang ako pa ang naging dahilan ng paghihiwalay niyo. Ang tanga mo naman kasi. Sabi ko sa 'yo na huwag ka ng mahuhulog sa' kin." sabi ko sa kanya dahil naaawa ako sa kanya.
"Yun na nga eh JP. Ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko dahil pinakawalan ko ang taong mahal na mahal ako. Pero alam mo kung saan ako mas tanga JP? Yung pinaniwala ko ang sarili ko na mahal mo pa ako. Ang tanga tanga ko dahil hinayaan ko ang sarili ko na mahulog ulit sa taong alam ko na hindi na ako mahal. Ang tanga tanga ko dahil umasa akong mamahalin din ako ng taong mahal ko kahit alam kong hindi naman niya ako kayang mahalin na muli." sabi niya na punong-puno ng emosyon, punong-puno ng pagsisisi. Alam kong nasasaktan siya dahil nasasaktan rin ako sa kalagayan niya.
"Oo, Hindi na kita mahal Yam. Kaya itigil mo na ang kahibangan mo sa 'kin." But the truth? Mahal na mahal ko parin siya. But I have to lie for my personal reason. Kaya dapat ko siyang paniwalain na hindi ko na talaga siya mahal.
"Then, we should stop communicating?" tanong niya sa' kin. Gusto ko na ayaw ko dahil parang hindi pa ako handa.
"Sure." sagot ko nalang.
"Yam!" biglang sigaw ng isang pamilyar na boses kung saan...
Tumingin kami sa pinagmulan ng boses at don nakita namin si Michael. Agad siyang lumapit sa 'min at nag-usap ang aming mga mata na dalhin na niya si Yam.
Agad na silang umalis at tinitignan ko sila papalayo. While looking at them, I suddenly felt something strange again.
MITCHELL'S POV:
Natapos ang aming pagu-usap ni Yam ay agad akong tumungo sa tent namin. Pero bago ako tumuloy nagpunas muna ako ng aking mga luha para hindi nila mahalatang umiyak ako.
Pero pagkapasok na pagkapasok ko sa tent, bigla nalang pumasok rin sina Fiona at Andrea.
"Okay ka lang girl?" tanong ni Andrea.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" pagkukunware ko.
"Girl, huwag mo na kaming pagtaguan. We know that you are not." sabi naman ni Fiona. "Anong nangyare? Bakit ka nagwalk-out kanina?"
"Girls... Tama yung hinala ko." sabi ko sa kanila.
"What?" gulat na tanong nilang dalawa.
"Oh so ano na?" tanong ni Andrea.
"Naghiwalay kami." sagot ko.
"What? Seryoso?" tanong ni Fiona.
"Oo." I controlled my emotion. Hindi ko hinayaang may luhang lumabas pa. Pagod na pagod na akong umiyak gabi-gabi. Pagod na akong iyakan ang taong ang tanging ginawa lang ay lokohin ako.
"Okay ka lang?" tanong ni Andrea.
"Boba ka rin eh no?" agad na sabat nitong si Fiona. "Nagbreak tapos okay lang? Alam mo ewan ko na lang sa 'yo."
"Nagtatanong lang naman ako."
"Girls, gusto ko sana munang mapag-isa kung ayos lang sa inyo." sabi ko sa kanilang dalawa.
"Sige girl. Take a rest, sleep, basta if you need someone to talk to, to lean on, andito lang kami." sagot naman ni Andrea.
Tumango ako at paglabas na paglabas na nila agad akong humiga. At kahit anong pilit ko na pigilan ang aking mga luha para pumatak hindi ko kaya. Napahagugol nalang ako dito sa loob ng tent. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit? Bakit ako nagpakagaga? Ang tanga tanga ko. Sobra. Lalo lang bumuhos ang aking mga luha nong tumakbo sa aking isipan kung paano ko ginawang kawawa ang aking sarili sa mga panahong umaasa ako na mali ang akala ko. Nong mga panahong pilit kong pinapaniwala ang sarili ko. I am so stupid.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
عاطفيةAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.