Kabanata XXXIX

24 6 0
                                    

Kabanata 39

The Shameful Meeting

WILLIAM'S POV:

Biglang tumunog ang announcer ng hospital kaya natigilan kami ni Mitch at nakinig.

"Announcing all directors of the hospital... Please proceed to the meeting room now.
Repeat announcement... All directors of the hospital, Please proceed to the meeting room now."

I am one of the directors, probably I am invited. Ano naman kaya ang sasabihin nila? Ikukumpara na naman ba ang nakita ng kada departamento at tatapunan na naman kaming mga Neurologists ng mga hindi masalong salita? Ayon daw sa datos, kami ang may pinakamababang kita eh Neurologists pa man din kami. So? We are doing welfare not business! But can't tell that. Hehe.

"I'll go straight." pagpapaalam ko kay Mitch.

"Sige. Ihanda mo na ang tenga mo." sabi niya tapos tumawa. She knows everything kasi.

"Nakahanda na." sabi ko naman at tuluyan na akong umalis...

Agad na akong tumakbo papunta roon. Kailangan kong magmadali kundi sasalubungin ako ng mga salita mula sa aming Chairman. Nandito na ako sa loob ng hospital, medyo mahirap nga lang lumusot dahil marami ring pasyente at nurse ang nagkalat.

Kailangan ko paring magmadali or else... Kaya mas binilisan ko ang paggalaw.

Pero shet!

I was running so fast kaya hindi ko nakita ang nurse at nagbanggan kami. The bad thing is that tumama sa 'king mukha ang hawak niyang injection at naiturok ito sa 'kin. Shet lang talaga.

"Sorry Doc.!"

Tinaggal ko na agad ang injection na nasa mukha, dropped and run.

Hindi pa man sana ako pwede sa injection kasi namamaga ang parte ng katawan ko na na-indyekan. Gosh! It's starting. Some part of may face starts swelling. Nakakahiya! Pano ako haharap sa meeting na ganto ang ang mukha? Lumolobo na ang aking mukha. Linabas ko ang panyo ko at ginamit ito para itago ang mukha kong lumolobo at dumerecho parin sa meeting.


Nakaupo na ang lahat. Formal. Seryoso. Desente. Lahat ng Directors ay andito na. Nandito na rin ang Chairman ng hospital.

Pinakita na niya agad ang Datos kahit 'di pa siya nagsasalita. 'Yan tayo eh, galawang business. Kaya minsan ayaw na ayaw ko rin ang business eh, kasi mas iniisip ng karamihan ang pera kesa don sa purpose nung trabaho nila, aside sa pag-invest.

"Good Noon!" sabi ng aming Chairman. We all bowed as a response. 

"As shown in the Data, The Department of Neurologist's income is the lowest. Yes, The income is high, but not yet enough for me." 'Yan tayo eh. Nagpapakabusog ng sobra, gayong sapat naman na. Para tuloy tayong isdang mataba.

"So, I decided to import an employee to that department and will be the leader. I believe that this import will be very helpful for the Department of Neurologist because this person received so many honors. From America, Let's Welcome Doctor John Priel Miller!!!" wait---ano? John Priel? Si JP? 

After introducing, lumitaw na siya and he went in front. Si JP nga. Kinakabahan ako ngayon. Bakit na naman ba siya andito? Wait! Miller? Miller Hospital. Could it be? No way! Anak kaya siya ng Chairman? Gosh! Miller pala siya! Hindi ito pwede! 

Tinignan ko siya, tago-tago parin ang mukha kong namamaga, hindi naman niya ako mapapansin siguro? Mas seryoso ang JP'ng andito ngayon. Mas gumwapo siya, Admitted. Pero naging parang Americano ang dating niya. 

"Gusto ko sa mga Neurologist ngayon na andito..." tapos tumingin siya sa table namin kaya naman agad kong mas siniksik ang sarili ko sa likod ng katabi ko para makapagtago. "Huwag ipahiya ang ating departamento. We are neurologists and brain controls all the system."

Tumingin na siya sa ibang direksyon kaya nag-iisip na ako ng way out dahil JP must not see me, swelling. Nakakahiya kaya! Huminga ako ng malalim at inihulog ang aking panyo, pretending na pupulutin ko 'to. Lumang estilo pero sana magwork.

Pagkababa ko, I started crawling. Sa baba lang ako nakatingin dahil mahahalata kapag itataas ko ang aking ulo.

"Aray!" Shet nauntog ako sa isang paa ng lamesa. Natigilan ako dahil napasigaw rin ako kaya parang tumahimik ang paligid at nagulat sa narinig nila. Napahawak ako sa ulo ko, wow! dumugo. Another Lobo! Ang Malas naman!

"What are you doing there Doctor Marasigan?" Lagot na! Parang tumingin lahat ng directors sa direksyong aking kinabibilangan.

Tumayo ako ng hinay-hinay pero nakatingin sa baba. 

"Ah... pinupulot ko kasi 'tong panyo ko." sagot ko naman.

"Panyo lang, nakaantala ka pa." alam niyo naman na siguro kung sino ang ganyan magsalita. It's JP. Hindi ako makasagot, even can't lift my head or else my swelling face will be seen and it's embarrassing. 

"Look at me, I am talking to you." sabi ni JP. He became parang strict?

Linagay ko ang panyo sa mukha ko at unti-unting inangat ang aking ulo. Can't believe this is happening, really!

Pagkaangat ko ng aking ulo, nagtama ang aming mga mata. Ramdam ko ang tensyon sapagkat ang huling pagkikita namin is when he confessed at me. Still feel the same? Napakagat ako sa aking labi.

"Remove the handkerchief in your face." matigas at suplado niyang sabi. 

He's our leader. Pero nakakahiya na tanggalin ko ang panyo.

"Didn't you hear me?" bakit parang ang suplado naman ata niya? Dahil ba binasted ko siya? Wow ah! Yung word ko.

"Nag-aral ka ba talaga? Bakit parang hindi ka makaintindi ng English?" parang nag-iba na nga ata siya.

Binaba ko ang panyo na nasa mukha ko and there, nakita na nila namamaga kong mukha. Maraming Doctors ang natawa, marami ring nag-alala at may mga walang emosyon, Like JP.

"Is that funny? or Do you have to worry about that? Doctors kayo, alam niyo ang nangyare diyan. Especially sa mga dermatologist dito." tumigil ang lahat dahil sa kanyang tinuran. He's Cool.

Napahiya parin ako so I need an excuse to leave this room.

"Excuse me, pupunta lang akong banyo. If you'll consider Chairman." sabi ko tapos yumuko ako at umalis na.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon