Kabanata 3
Beast mood
MICHELLE'S POV:
Pagdating ko sa loob ng bahay. Dumerecho ako kaagad sa kwarto ko.
Tumungo ako sa banyo ko agad para maghalf bath.
I took of my suit, tied my hair and began. Binuksan ko na ang shower.
Naaalala ko yung moment namin kanina ni Yam kaya napangiti na lang ako habang nagsha-shower.
After some time natapos na ako dito sa shower kaya pinatay ko na ito.
Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko, siguro may nagtext.
"Sino naman kaya ang magtetext sa 'kin?" tanong ko sa sarili ko.
Kinuha ko na yung tuwalya at pinaikot ko ito sa katawan ko.
Lumabas na 'ko sa banyo ko at imbes na magpalit ang gagawin ko tinignan ko muna yung nagtext.
From unknown number...
"Hi Mitch! Si Yam 'to!" sabi niya.
Pano niya kaya nakuha number ko? Pero since sinabi niyang si Yam siya, hindi ko na tinanong at nireplayan ko nalang.
"O bakit?" tanong ko.
Pagkareply ko sa kanya, naisipan ko ng isave ang number niya.
"Hmmm... Ano kayang ilalagay kong name niya?" tanong ko sa sarili ko.
Tinype ko ang William pero... delete* delete* delete* Masyadong mahaba.
Kung Will kaya? Panget naman. Parang Engslish word lang.
Hmmm. Yam nalang since nickname niya. Kaso masyadong short. BITIN.
Yammy na lang kaya? Kaso ang laswa naman masyado ata?
"Yam Yam Yam" hmmm? Sige na Yam Yam Yam nalang. SAVED!
Magpapalit na sana ako kaso bigla namang nagreply na si Yam agad.
"Hindi ka ba interesado kung paano ko nakuha ang number mo?" tanong niya.
"Pano nga ba?" tanong ko sa sarili ko.
"Pano?" reply ko sa kanya.
Pagkatext ko sa kanya agad na akong nagpalit.
Tinanggal ko ang tuwalya na nakapaikot sa katawan ko at hinanger 'to.
Nilabas ko ang pink pajama ko at sinuot ko 'to. Yeah! PINK na naman. I just love this color.
Umupo na ako sa kama ko and sakto namang nagreply na si Yam.
"Kaninang nakitext ako, number mo tinext ko. Galing ko noh?!" pagmamayabang niya.
Ay oo! Naala ko na. Sabi niya kase mama niya itetext niya. Baliw na 'to oh.
"Psh. Luma na yun uyy!" reply ko naman sa kanya.
"Luma pero at least umobra 😉😉" reply niya agad tapos may kindat kindat emoji pa kaya napangiti ako.
"Ang badoy mo Yam! May pa emoji ka pang nalalaman! HAHAHA" reply ko sa kanya.
Napapangiti parin ako pero 'di ko alam kung bakit. Gosh! Kinikilig ba 'ko?
"Badoy ba 'yun? I thought it was cool 😞😞" reply niya with sad emoji.
Gahhddd Yam! HAHAHA
"'Di biro lang. Ikaw lang kase ang lalakeng nagtext sa 'kin ng may emoji." pagpapaliwanag ko.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomansaAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.