Kabanata XL

24 6 0
                                    

Kabanata 40

Ang Pagbabago

WILLIAM'S POV:

Agad na akong tumungo sa banyo. Nakakahiya 'yun dahil natunghayan pa mismo ni JP 'yun and he's in front.

Pero diba 9 years naman na ang about sa amin? Siguro wala na 'yun. Tama! Pero bakit parang concern prin siya sa 'kin? May nararamdaman parin kaya siya sa 'kin? Pero mas sumungit siya, oo masungit na siya dati pero kakaiba kasi yung intensity niya. Nako! Nago-overthink na naman ako. 

Nasa banyo na ako ngayon, facing the mirror. Kinakabahan ako dahil sa maaaring mangyaring komplikasyon habang nandidito siya. Maaaring bumalik ang aking nararamdaman sa kanya na sana hindi mangyari. His appeal was so strong.

Biglang nagbukas ang pintuan ng banyo at nung tinignan ko kung sino ang pumasok ay nakita ko si JP. Naaligaga ako at nataranta kung saan ako pupunta. Agad akong tumakbo pero hindi alam kung saan patungo at aking mga paa ay nagtatalo. Dahil sa pagkataranta ko... Gosh!

Nadapa ako sa harapan niya mismo. Nakakahiya na talaga! Para na akong nagiging lampa. Hindi ako makagalaw dito nahinto ng ilang mga segundo at tumatakbo parin sa 'king isipan ang mga nangyare. Naramdaman kong naglakad na siya papuntasa isang bowl at umihi. Tumayo na rin ako agad pero tahimik lang. Tinitignan ko siya at maingat na naglalakad papalabas ng banyo. Siya lang ang tinitignan ko para makagalaw ng maayos sakaling tumingin siya sa akin.

Nakatalikod siya at umiihi na. Rinig na rinig ko rin ang tunog ng kanyang ihi na nahuhulog sa bowl. Naging mas matangkad na siya kesa sa 'kin. Ano kayang ginawa niyang pampatangkad? Masasarap ba ang beef sa America? Malakas ba ito sa protina kaya... "Aray!" Shet apat na ah! nakakahiya na talaga!

Nauntog ako sa pader. Tumingin siya sa 'kin kung saan ako nauntog. Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita pero nakita ko rin siyang umiiling. "Ayos lang ako!" sabi ko sa kanya. Shet! bakit ko siya kinakausap? Nagtatanong ba siya? Hooh! Ang hirap talaga ng ganito!

Yam, yung seryoso balak mo bang gawing baloon ang sarili mo? Una, sa injection, Pangalawa, nauntog sa lamesa, Pangatlo, nadapa tapos ngayon sa pader naman? Hindi ka metal okay?

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya hinay-hinay lang akong pumunta sa isang bowl at nag-inarteng umiihi. Hanggang sa natapos na siyang umihi at pumuntang washing area at naghugas ng kamay. After, agad na siyang umalis ng banyo. Hooh!

Dumerecho na akong office ko.





"Ba't ang tagal mo naman ata?" sabi ni Mitch pagkapasok ko ng office ko. May password ang office ko at alam niya kaya nakapasok siya dito.

"Eh kase ano, nagbanyo ako." sabi ko naman sa kanya.

Pagkaupo ko sa upuan ko don na niya napansin ang namamaga kong mukha pero bumabalik na siya sa dati. "Anong nangyare sa 'yo?" naga-alala niyang tanong. Isa pa 'to eh. Doctor pero hay nako. 

"Naturokan lang kanina ng injection accidentally, eh allergic ko ang injection kaya..." sabi ko naman sa kanya. Tinignan niya ako ng masama lang. 

"Hindi ka kase nagi-ingat." 

"Mitch. Doctor ka. Alam mong hindi ito malala." sabi ko sa kanya para matigil na siyang mag-alala.

"Alam ko, kaso, yung gwapo mong mukha ihhh." asus! kiniliti ako don ah. Hehe.

Tinignan ko sa ng madiin habang nakangiti.

"Huy huwag ka ah! Pangit ka ngayon." sabi niya tapos nakataas pa ang kilay niya at nakakibit balikat. Ang yabang ah!

"Whatever." sabi ko nalang. "Ba't andito ka?" 

"Sabi kasi ni Michael na meron daw tayong special meeting na mga Neurons." Say! Special Meeting. 

Napahinga ako ng malalim at nagpakita ng parang pagkawala ng loob. "Meeting na naman."

"Eh... 'yun ang sabi eh." sabi naman niya sa 'kin.

"Sabihin mo na lang kay Michael na i-cover ako kasi 'tong mukha ko oh..." sabi ko na nagpapacute na nangongonsensya.

"Eh 'yun na nga. Kilala mo naman si Michael. Ayun nakikipagdate na naman, kaya sabi niya na i-cover mo daw siya." Ano? Nako kahit kailan talaga itong si Michael eh.

Agad kong inilabas ang cellphone ko para tawagan siya.

Nagriring pero hindi nasagot. Binaba ko na lang anng phone ko sa mesa. "Tara na." sabi ko kay Mitch.

Tumungo na nga kami.



Kompleto na kaming mga neurons dito except si Michael kasi nga nakikipag-date na naman. Nandito kami ngayon sa aming meeting room kung saan malawak, maraming upuan, at may malaking white board sa harap for projector presentation. Siyam kami ngayon dito pangsampo si Michael.

"Bakit di pa natin umpisahan ang meeting? Siinong nagpatawag?" tanong ko sa kanila.

Lahat naman sila naka-ewan look. Ano 'yun? 

"Good Evening Everyone!" Dumating na si Doc. Magallion ang pinaka head namin dito. Ay oo nga pala no? Nakalimutan ko siya. So siya ang nagspread ng meeting. Why?

"Okay so malamang nagtataka kayo ngayon kung bakit tayo natipon-tipon dito, yun ay dahil sa---"

"Because of me!" biglang nalang sulpot ng isang baritonong boses kaya hindi natuloy ang sasabihin ni Doc. Magallion. Tinignan namin kung saan nagmula ang boses and it's JP. He Again! Pumunta siya sa harapan at para talagang napakasungit ang dating niya. Ibang-iba. 

"I am your new leader." derechong sabi niya na siyang kinagulat ng lahat. Ay oo nga pala! 

"At dahil ako ang new leader, expect that the rules and regulations of Doctor Magallion will be changed. Ang departamentong ito ang may pinakamababang kita at hindi pa umabot sa kagustuhan ng ating Chairman ang income na dapat maabot ninyo. Kaya kung kailangan nating magdoble kayod para agad-agad na maasikaso ang mga pasyente, gawin natin. Walang magpapahinga, walang day-o-day-off, araw-araw magtrabaho. 2 hours sleep is enough. Work or Quit! Goodbye." sabi lang niya tapos paalis na. 

Nagtinginan ang lahat na parang hindi pa nagsisink sa aming mga isipan ang kanyang mga sinabi. Pero ang tanging sigurado parang hindi sang-ayon ang lahat sa tinuran ni JP. Walang makagalaw para magreklamo sa kanyang tinuran kaya I took the move.

"Teka sandali JP---" sabi ko palang pero agad na siyang sumabat.

"Doctor Miller." sabi niya at inemphasize talaga niya. Nagulat ako dahil tuluyan na nga siya talagang nag-iba.

Napalunok ako and my adrenaline changes. "Mawalang galang na po, DOCTOR MILLER." bungad ko sa aking sasabihin at inemphasize ko rin ang kaniyang surname. "Pero masyadong mabagsik ang nais niyong pagbabago. It's like we are risking our lives just to have income that will pass the expectation of the Chairman. Nandito tayo because we are doing our obligation being the doctor. We are here because the welfare of the people not about the investment."

Tinignan niya ako with his sarcastic smile. "As I said Doctor?---" paga-alangan niyang sabi at tinignan ang nameplate ko. "Doctor Marasigan, Work or Quit." tapos agad na siyang nagwalk out.

"Nako napakarahas naman masyado..."

"Hindi pwede 'yun!"

"Tayo naman ang mamamatay niyan eh."

Ilan 'yan sa mga reklamong aking narinig mula sa aking mga kasamahan. JP really has gotten worse.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon