Kabanata 44
Dama
WILLIAM'S POV:
Nasa office na ako ngayon. Nasa isip ko parin ang patakaran ni JP. Hindi talaga pwede na 2 hours lang ang aming pahinga. I am so tired. Napasandal ako sa aking lamesa nang biglang nagbukas ang pintuan ng aking office. Si Mitch lang naman ang nakakaalam ng aking password eh kaya siya lang ang pwedeng pumasok.
"Yaaaammm..." sabi niya sa 'kin na tunog pagod at hirap.
Agad kong iniangat ang aking ulo para tignan siya. She seats on the chair and leans her head on the table at tinitignan niya ako. "Bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Pagod ako." sabi lang niya. Eh sino ba naman kase ang hindi mapapagod?
Humugot ako ng hininga at tumayo at umakap ako sa likod niya. "Kain tayo?" tanong ko sa kanya. Agad niyang iniangat ang kanyang ulo at tumingin sa 'kin. "Totoo?" tanong niya.
"Oo!" sagot ko naman. Agad na akong kumawala sa pagkakaakap sa kanya at tumayo na rin siya. "Kunin ko lang wallet ko." sabi ko naman sa kanya. Agad akong tumungo sa cabinet ng aking lamesa at kinuha both cellphone ko at wallet.
"Tara." sabi ko sa kanya.
Lumabas na kaming office ko. At dahil nga bawal ang employees in a relationship dito, mayron kaming distansya sa isa't-isa papunta sa Cafeteria.
Habang naglalakad kami nakita ko ang mga kasamahan kong Neurologist at mga Nurse na iniinda na ang pagod. Ngayon nararamdaman na namin ang pagod ng patakaran ni JP. Nag-inarte na lang ako na parang hindi ko sila nakita para hindi masyadong masakit sa aking kalooban na nakikita ang aking mga kasamahan na nahihirapan.
Dumerecho kami ni Mitch sa harap kung saan kami mago-order. Nauna na akong nagorder at una ring umupo na. Hindi pa ako nagsisimulang kumain dahil hinhintay ko pa siya.
Pumunta siya sa isang table na katapat ko kung saan magkaharap parin kami. Hindi nga kasi pwedeng nasa relasyon diba kaya nagi-ingat lang kami. Ganito na talaga ang galawan namin. May distansya pero magkaharap parin. Nginitian ko siya.
Nagbilang ako ng 1-3 ng pasensyas para sabay kaming susubo. Weird no? Para talaga kaming mga tanga. Kunyareng naghikab ako para ituro niya ang kutsara sa 'kin para kunyare susubuan niya ako.
Habang kung ano-ano na lang ang pinag-gagawa namin, bigla nalang may isang doktor mula sa ibang departamento ang umupo sa kinalalagyan ni Mitch. Mismi sa table niya kaya natakpan si Mitch at hindi ko naman siya makita na. Papatayo na sana ako para pumunta don ng bigla namang dumating si Michael at umupo sa harapan ko.
"Nakakapagod." sabi niya sa 'kin. Hindi ako mapakili at tumitingin-tingin sa kinalalagyan ni Mitch.
"Ba't 'di ka mapakali?" tanong niya sa 'kin.
"Pare, tulungan mo ako. Si Mitch nilalandi ng ibang doctor." sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa kinalalagyan ni Mitch. Lumingon naman siya kung nasaan sina Mitch. "Tara." sabi niya sa 'kin at tumayo na siya. Agad na rin akong tumayo at sinundan siya patungo kina Mitch.
"Pwede ba?" medyo maangas na tanong ni Michael sa kanila.
"Ay oo!" agad naman na sagot ni Mitch. Halatang naiilang siya sa lalake. The boy na kung saan kamukha ng isang chic boy. Hindi katiwa-tiwala ang kanyang pagmumukha.
Agad na kaming umupo ni Michael. I sat beside Mitch, Michael sat beside the man.
"Doctor Rey Amparo, isang Ophthalmologist, tama?" tanong ni Michael sa lalake.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomanceAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.