Kabanata XX

30 5 0
                                    

Kabanata 20

Don't Try Me!

WILLIAM'S POV:

Nag-init na naman ang pakiramdam ko. Nakita ko sila at ughhh!

Lumabas ako agad sa library.

"Yam!" rinig kong tawag sa 'kin ni Mitch.

Tumigil ako sa paglalakad. Humugot ng hininga at liningon siya na parang walang emosyon sa aking mukha.

"Bakit?" tanong ko sa kanya pero walang emosyon.

Kinagat niya ang labi niya at inilagay sa kanyang likod ang kanyang mga kamay. Humakbang papalapit sa 'kin.

"May problema ka ba?" tanong niya sa 'kin. "Kase bigla nalang nag-init ka sa 'min kanina."

"Wala akong problema... Nagrereview ako, maingay kayo. That's it." simpleng pagkakasabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa 'kin. Sa labas ko parang wala akong emosyon na ipinapakita pero deep inside para akong nadudurog.

Nginitian ko siya kahit pilit at nagsalita ako.

"Sige na. Magrereview pa ako." sabi ko sa kanya at umalis na ako.

Hindi na niya ako sinundan kaya nagpatuloy na lang ako. I really don't know where to go. A place where I should be relaxed.

Pumunta ako sa laboratoryo para doon na lang ako pansamantala manatili.

Nakarating na ako dito kaya binuksan ko na ang pintuan. Walang Tao. Pumasok ako at naalala ko yung first time na magkasama kami dito ni Mitch...

Umupo ako sa isang parte ng laboratoryo.

Nawala ako sa mood na magreview. Kinda useless kung magreview ako kase hindi rin naman sila papasok sa kokote ko.

Nilabas ko ang spongebob puzzle ko para subukang buuin.

Hindi siya madali!

Talagang pinipiga niya ang isip ko kung paano ito buoin. I thought it wouldn't be as hard as this.

Naka ilang tries na ako pero hindi ko siya talaga mabuo.

Inilapag ko na lang sa lamesa ang puzzle at inihiga ang ulo ko sa mesa. Para akong nawalan ng pag-asa.

Sudden, para akong nakaramdam na parang may tao sa paligid ko. Hindi ko ito pinansin dahil may kirot parin sa damdamin ko. Suddden sadness.

Narinig ko ang puzzle ko na parang nailapag ulit sa mesa kaya inangat ko ang ulo ko. And there I saw my puzzle na naayos na kaya nagulat ako.

"Mali kasi yung base mo kaya hindi siya mabuo." mula sa isang baritinong boses.

Boses palang alam ko na kung sino ang kasama ko dito.

Naganahan ako kaya agad siyang tinignan. Yes! It's JP.

Hindi ko alam pero pagkakita ko sa kanya parang nawala ang kirot sa aking dibdib. If this is love... Then I maybe in love with him.

Of a sudden, I didn't care about anything. It's just that masaya ako kapag nandyan siya. Lumiliwanag ang mundo ko at ang sarap lang sa pakiramdam. But when he's with someone, I feel not good.

Umupo siya sa tabi ko at nakatingin siya sa mesa.

"Ba't andito ka?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa 'kin.

"Just because." sagot lang niya.

What? Just because?

"Gusto mo lang?" tanong ko sa kanya.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon