Kabanata XXXVI

20 4 0
                                    

Kabanata 36

Sa Music Room

WILLIAM'S POV:

Imbes na dumerecho akong library dinala ako ng mga paa ko sa MR o Music Room.

Kumuha ako ng gitara at tumugtog ng "Paalam na by Jay R" habang kumakanta ako.

Paalam na🎵
  (Jay R🎤)

Paalam na aking mahal🎵
Kay hirap sabihin🎵
Paalam na aking mahal🎵
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa🎵
Puso't isipa'y magkaiba🎵
Maaring 'di lang laan sa isa't isa.🎵

Pero bigla nalang may pumasok habang kumakanta ako kaya natigilan ako.

"JP?" tanong ko. Nginitian niya ako at tinanguhan. Aaminin ko, bumilis ang tibok ng puso ko pero kinocontrol ko. Lumapit siya bigla sa 'kin.

"Sorry tungkol kanina." sabi niya. Huwag ka sanang magsalita kase ang sarap ng boses mo.

"Wala na 'yun." suplado kong sagot. Kumuha siya ng upuan sa isang tabi at inilagay ito sa 'king tabi at umupo siya.

"Ba't ka ba andito?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ka kumakanta ng Paalam na?" tanong niya. Wow lang ah! Hindi niya ako sinagot.

"Ba't ka andito?" pilit ko paring tanong sa kanya.

"Kanino ka namamaalam?" tanong naman niya. Seryoso ba 'to? Pumunta lang ba ito para makipagtanungan?

"May rason kung bakit ka andito." sabi ko sa kanya. Iniba ko ang pangungusap sakaling kagatin niya ito.

"Sa 'kin ba?" pilit paring tanong niya. That's it! I'm full!

Ibinaba ko agad ang gitara, tumayo, trying to escape. Pero pagkarating ko ng pintuan ng MR bigla siyang nagsalita na siyang dahilan para matigilan ako.

"Gusto kita!" sigaw niya kaya hindi ko agad nabuksan ang pintuan. Hindi ako makagalaw. Aatras ba ako o aabante?

Nanginginig ang aking mga tuhod, kinakabahan, natatakot, naiiyak. Tama ba ito? Dapat na ba akong maging masaya? Gusto daw ako ni JP! Tama ba?

Tumalikod ako para tignan siya, nakaupo lang siya don at nakatingin sa baba kaya agad naman akong bumalik ron.

"Anong ibig mong sabihin?" mahinahon pero naiiyak kong tanong.

Agad siyang tumingin sa 'kin. "Mahal kita. Mahal kita Yam!" matigas niyang sabi.

I should be happy pero hindi eh. Kasi mali ito eh! Mali kasi pareho kaming lalake. Hindi ito pwede.

"Naririnig mo ba ang sarili mo JP?" tanong ko sa kanya. "Lalake rin ako." Then my tears began to fall already.

"Alam kong mahal mo ako." sigurado niyang sabi sa akin.

"Hindi. Hindi kita mahal." pagsisinungaling ko. I just dont want things to become more complicated.

He stood up, walk towards me so I walk backward, away from him.

"You can never hide what's in your heart Yam." sabi niya sa 'kin habang naglalakad papalapit sa 'kin pero pilit parin akong umaatras.

"Ano ba JP! Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi mo?" Hanggang sa nawalan na ako ng maaatrasan at nasandal sa isang pader.

"Bakit ako mandidiri aking nararamdaman para sa 'yo? Ito ba'y kasalanan?" I don't know what to say about his words. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Yam, mahal din kita. Can't we give ourselves, our heart a chance?" Gusto ko. Pero natatakot ako.

"Let's keep aside ourselves JP, People around us is all that matters. Mitch matters to me." sabi ko sa kanya ng seryoso.

"Eh ang sarili mo? Hindi ba mahalaga ang kasayahan mo?"

"Masaya ako kay Mitch."

"Pero alam mong mas masaya ka sa 'kin." matigas niyang sabi sa 'kin. Natigilan ako. Bakit? Tama. Tama ang sinabi niya. Pumasok at Tinusok ang aking puso ng narinig ko iyon mula sa kanya.

He put his hands on the wall kung saan ako nakasandal. Unti-unti niyang nilalapit amg kaniyang mukha patungo sa aking mukha. I know what he's trying to do. But I am frozen. Can't move. But if I let him kiss me, I would regret it but I if I'll escape, I will regret it more.

When his lips about to touches mine, that's when I moved aside kaya walang naganap na tukaan.

"Ano bang ginagawa mo JP?" naiinis kong sabi sa kanya. "This is not right!" I kept on insisting it. "People will judge us." And I don't want to be everyone's topic.

"Eh ano ngayon kung huhusgahan tayo? Ano ngayon kung mali 'to? Alam mo ba kung ano ang mali Yam?" tanong niya sa 'kin so I start to think. "Ang mali ay ang pigilan ang nararamdaman mo!" pasigaw niyang sabi sa akin.

"Alam mo ba kung bakit ko ito pinipigilan?" my tears are unstoppable and they flow consecutively.

"Dahil ayaw ko na mahalin ka. Dahil naguguluhan pa ako kung sino ang dapat kong mahalin sa inyo ni Mitch. JP, iisa lang ang puso ko but yet, I LOVE YOU TWO! You and Mitch. Kahit na magkakaroon man ako ng dalawang puso at dalawang kaluluwa, hindi parin magiging sapat 'yun para mahalin ko kayong dalawa dahil sa huli, iisa lang naman ang aking pagkatao kaya isa lang ang nararapat dito sa puso ko. At hindi ikaw 'yun JP." dere-derechong sabi ko sa kanya. Hindi ako nawalan ng mga sasabihin at gumaan ang aking loob dahil nakapagsalita ako sa harapan niya ng mga salitang hindi ko inaasahang magmumula sa aking labi.

I immediately walk out when I say those words dahil ayokong i-stretch pa ang aming pag-uusap. Alam kong magiging magulo lang ang aking puso't isipan kapag nangyare pa 'yon.

Hindi ko na alam ang aking dapat na gawin. My tears really are still falling and they won't stop. Hinanap ko ang panyo sa 'king bulsa para punasan ang aking mga luha pero hindi ko makapa.

Bigla namang may nag-abot na lang sa 'kin ng panyo  kaya tinignan ko agad ito. It's Michael. "Umiiyak ang bestfriend ko." mahinahon niyang sabi sa 'kin.

Kinuha ko ang iniaabot niyang panyo at pinunasan ko ang luha ko. "Napuwing lang ako gago, malaki kasi ang nakapuwing sa 'kin." sabi ko naman pero may bahid parin ng pag-iyak ang tono ng aking boses.

"Ganon ba pare? Gaano ba kalaki? Kasin laki ni JP?" sabi niya sa 'kin. Parang sigurado siya sa mga sinasabi niya. Well, bestfriends, kaya we know each other.

"Dalhin mo na nga lang ako sa hospital. Kunin mo 'yung motor ko." sabi ko sa kanya tapos iniabot ko ang susi.

Kinuha na lang niya ang susi ng aking motor, hindi nagsalita at tumungo ng parkingan to pick up my motor.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon