Kabanata 35
Usap
WILLIAM'S POV:
Hindi ko na inintindi si JP at hinila ko na lang si Mitch paalis roon. Ano bang nasa isip niya? Bakit nangbabangga nalang siya? Adik ba 'yun?
"Ah... Yam---" nagsasalita pa si Mitch pero agad ko na siyang sinabatan.
"Ilayo mo na ang sarili mo don. Huwag mo na lang 'yun patulan ulit sakaling mangkulit na naman 'yun." sabi ko.
"Ah... Kase may pupuntahan ako ngayon." sabi naman niya. Yun ba 'yun? Ang derecho ko naman kase. Sorry na. Nadala lang.
"Saan?" tanong ko.
"Pinapatawag kase ako ni ma'am Castillo. Sabi niya na pupuntahan ko siya after ng klase." sabi naman niya. Pero bakit naman? Bakit naman siya pinapatawag ni ma'am Castillo?
"Hatid na kita." sabi ko sa kanya. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at parang nagulat sa aking tinuran.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Ah, kase---Hindi na. Kaya ko na." sabi naman niya. Pero bakit pakiramdam ko parang nagsisinungaling siya?
"Sige." sabi ko na lang. Ngumiti siya sa akin tapos tuluyan na ngang umalis. Sigurado ba 'yun?
Papunta akong library para matulog. Wala naman kase akong gagawin. Ayoko pang umuwi. Tinatamad ako.
MICHELLE'S POV:
Nagpaalam ako kay Yam na pupunta ako kay ma'am Castillo. I lied. Pupuntahan ko si Kenn. Yes, si Kenn na naman na balik ng balik. Nangungulit at nagpupumilit.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa isang park ng paaralan. Healthy sunflowers around, green grasses too. Stones are fixed together fit for the passage, no curve part, flat.
"Nandito ako para makipag-usap." sabi niya. Again, his eyes were so sincere. Bakit hindi ko nakita 'yan noon?
"Malamang, alangan namang tutunganga lang tayo dito?" suplada kong sagot sa kanya.
"Alam ko na hindi mo boyfriend ang lalakeng si JP." sabi niya sa 'kin. His face shone. Magsasalita na sana ako pero bigla naman siyang nagsalita ulit. "Pero alam ko rin na ang lalakeng si William ang boyfriend mo, open family." Wala na akong nakitang expression sa mukha niya kaya hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Alam mo mas kampante ako sa kanya kesa kay JP." sabi niya dahilan para titigan ko siya ng madiin. Wala akong nalalabas na salita. Speechless.
"Promise me one thing." aniya.
Napalunok ako dahil hindi ako sigurado kung tama ba kung mag-oo ako o magiging masama ba ako kapag hindi ang aking sasabihin.
"Ano muna ang pangakong sinasabi mo?" pagpapanigurado ko.
"Kapag naghiwalay kayo, babalikan mo ako." seryosong sabi niya pero bakit ako biglang natawa? Well, hindi naman sa sobrang tawang tawa yung may halong kabang tawa.
"Bakit Mitch? Seryoso ako." sabi naman niya sa akin na may bahid na ngiti. He's Cute. Sadly, longer I am not in love with him.
"Hindi kami maghihiwalay ni Yam, Kenn." Yes of course, masaya ako sa kanya. Sobrang saya ko kaya ayaw kong pakawalan ang isang tulad niya.
"Pero masasaktan ka niya." sabi niya sa 'kin.
"Parte 'yun ng pagmamahal Kenn, mapapatawad ko siya." sabi ko naman. I am surely sure.
"Eh ba't ako?" nakangiti siya, pero may ibang emosyon ang kanyang mata. Marahil ay kalungkutan. "Nasaktan rin naman kita ah, ba't parang di mo pa ako napapatawad?"
"'Diba sabi ko sa 'yo noon na huwag mo na akong kakausapin kung bubuksan mo lang ang nakaraan?" maalumanay lang na sabi ko sa kanya. Napakamot siya sa batok niya.
"Sige sorry. Pero ako na ang magsasabi sa 'yo, Mine is the decision kapag nakita kitang umiiyak na si William ang dahilan." derechong sabi niya sa 'kin. Ayaw ko siyang sagutin dahil sigurado akong Walang Sigurado.
"Kenn, let's make it this way. Kalimutan na natin ang Past. Let's be friends. Just friends." sabi ko sa kanya tapos iniabot ko ang kanang kamay ko habang nakangiti.
"You know how competitive I am when it comes to love Mitch. Pero sige, sa ngayon kaibigan lang tayo. But someday... someday..." sabi niya na magkakahalong tapang, lungkot at sayang emosyon sa kanyang mukha. "Kaya 'yang kamay mo, ibaba mo na."
Binaba ko naman agad ang aking kamay. Eh ayaw niya sa deal eh. Umupo siya sa isang upuan dito kaya sinundan ko naman siya at umupo rin ako.
"Bakit parang mahal na mahal mo ako?" tanong ko sa kanya.
"Bakit mahal na mahal mo si William?" tanong naman niya. Natigilan ako at napakagat ng labi. Eh sa hindi ako makasagot eh, ano pa ba?
"Saan ka mage-enroll?" aniya, pag-iiba siguro sa topic? Oo nga pala, hindi ko alam kung saan mage-enroll si Yam.
"Sa RSD." sagot ko sa kanya.
"Review School of Doctors?" tanong niya na parang excited. Tumango ako.
"Oh? Akalain mo nga naman oh kapag tadhana na ang gumawa ng paraan." sabi niya sa 'kin. Don't tell me don rin siya mage-enroll?
"Bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Don din kase ako mage-enroll eh." sabi niya tas kinindatan ako. Ewww. Hehe.
"You know what, magiging cardiologist ka pero yang puso mo hindi mo macontrol." sabi ko sa kanya. Yep! Cardiologist siya.
"Mitch, ilang beses mo na sigurong narinig o nabasa ito pero hindi mo kailanman matuturuan kung sino ang mamahalin ng puso mo." sabi niya sa 'kin.
Hindi ako agad nasagot dahil biglang nagring ang phone ko. Shemss. Nakalimutan ko na naman itong i-silent o vibrate.
"Hello?" sabi ko.
"Miiiittttccchhhhh!!!" sigaw ng mga bestfriends ko na sina Fiona at Andrea. Ang sakit sa tenga kaya inilayo ko ang phone ko sa tenga ko for a while.
"Bakit?"
"Asan ka ba girl? Kanina ka pa namin hinahanap! Don't tell me kasama mo na naman ang lovey doves mo ah!"
"Ano ba hindi. Bakit nga?"
"Kase nga tatanungin sana namin kung saan ka mage-enroll para sama-sama tayo since hindi pa kami nagpasa ng paper girl! Ikaw?"
"Kita-kita na lang tayo sa cafeteria girls, papunta na ako."
"Sige girl!"
Pinatayan ko na sila agad.
"Kenn, I have to go." pagpapaalam ko sa kanya.
"Sige-sige."
Nagmadali ako at agad na tumungo sa cafeteria para i-meet ang mga maiingay kong bestfriends.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomansaAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.