Kabanata XLII

19 5 0
                                    

Kabanata 42

Examine

WILLIAM'S POV:

Dumerecho na akong silid kung nasaan si Niccolo. He is still here.

Ang Medulloblastoma niya ay medyo active dahil bata pa lang siya pero mas bumagal lang dahil tumanda siya ng nine years. 16 years old na siya, malaki na ang loko.

"Kuya! Hehhey!" bungad niya sa 'kin. Nako binata na. Dito na nga lumaki 'yan eh.

"Kumusta?" tanong ko sa kanya. Parang long time no see ah.

"Ayos lang ako kuya." Chineck ko ang kanyang mata agad. Medyo lanta. Linabas ko ang papel niya at lapis. "Magsulat ka nga."

He is writing my name. His hand is a bit shaking kaya hindi gaano maayos ang pagsusulat niya. Masasabi kong active ang kanyang cancer cell.

"Tapos na kuya." sabi niya sa 'kin.

"You're shaking. Dapat araw-araw kang magsulat para masanay ang kamay mo, okay?"

"Pero araw-araw na po akong nagsusulat." Ano? Eh bakit ganon parin? Kinabahan na ako agad, Oo nahihirapan siyang magsulat subalit bakit walang improvement?

Tinangoan ko lang siya at inutusang magpahinga, mahiga. Umalis na ako agad para ihanda ang examine room para kay Niccolo.

Pagkalabas ko ng silid, nakasalubong ko si Mama.

"Oh Yam!"

"Tinignan ko lang si Nico ma."

"Oh kumusta naman?"

Tumingin ako kay Nico sa loob at nakita ko namang nagpapahinga na siya.

"Ma, parang walang nagbabago. I will run an examination to find out." Dahil sa narinig niya, nag-alala siya. "Ma, don't worry. I got this."

"Salamat anak." sabi niya. Dumerecho na ako sa examination room para ihanda ito. Tinawagan ko sina Mitch at Michael para tulungan ako.

Pagdating ko dito sa examination room, nandito na sina Mitch at Michael at mukhang nahanda na ito.

"Naayos na." sabi ni Mitch.

"Salamat."

"Eh ba't mo nga pala ito pinaayos? Wala naman akong alam na pasyente mong mae-examine ngayon." tanong ni Mitch.

"It's Niccolo, biglaan."

"Why?" medyo gulat na tanong ni Mitch.

"Call a nurse please to bring Nico here." utos ko sa dalawa.

"But you are not suppose to this." sabi naman ni Michael. Hindi kasi pwede sa patakaran ng hospital ang gawing pasyente ang sariling pamilya. Sadly, hindi ako ang magsasagawa ng surgery.

"Kaya ko nga kayo tinawag eh. Para maging official patient niyo si Nico." sabi ko sa kanya.

"Pero he is under Doctor Magallion." pagpupumilit ni Michael. "At nakakahiya naman kung papalitan nalang namin siya ng basta-basta."

"Kaya ko gustong kayo nalang ang mag-asikaso sa kapatid ko ay dahil hindi nagsasabi sa 'kin si Doctor Magallion. Unless kung kayo, you can tell everything to me." pagsasabi ko naman ng aking punto.

"Pero nakakahiya ngang ireplace na lang si Doctor Magallion. Pare, we need valid reason. Hindi naman pwedeng sabihin na gusto lang namin siyang palitan." sabi naman niya.

"Ang kalagayan muna ni Niccolo ang tignan natin, pwede?" pagsisingit ni Mitch. "Tumawag na ako sa isang nurse at inutusan ko na siya na dalhin si Niccolo rito"

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon