Kabanata XXII

23 6 0
                                    

Kabanata 22

Run! Run! Run!

WILLIAM'S POV:

Napagdesisyonan na naming umalis ni Michael dito sa aming hideout pagkatapos naming uminom na.

Binuksan ko ang secret entrance ng aming hideout at madilim na pala ang paligid. Didn't notice the time. Gabi na pala. Ako ang nagbukas ng pintuan at habang papaakyat na ako bigla nalang may mga ilaw-ilaw na nagmumula sa paligid.

Kinilatis ko ito ng mabuti. Parang sa flashlight ang pinagmumulan ng ilaw. Hanggang sa nakita ko na ang school's guard namin kaya agad akong umatras at sinara ang pintuan ng aming hideout.

"Bakit?" tanong sa 'kin ni Michael. He's clueless.

"Shhh! May gwardya." pabulong kong sabi.

"Ano?!" pabulong rin niyang sabi na gulat din.

Hindi ko siya sinagot. Bumalik kami agad sa loob at nagtago. Hindi mahahalata ang aming hideout kaya kampante kami ni Michael.

Agad akong pumunta sa 'king kama at nahiga. Habang siya umupo lang. Hindi nagtagal, bigla kaming nakarinig ng kaluskos ng dahon mula sa taas ng aming hideout.

Nagtinginan kami ni Michael. Agad kaming tumakbo patungo sa hagdan at agad inalalayan ang pintuan ng aming hideout. Mabagbagsak kasi ito kapag sobra ang bigat na kinakarga nito.

"Ang biiigath!" sabi ni Michael sa 'kin na bigat na bigat nga base sa tono ng kanyang boses. Pati ako nabibigatan rin. Guess what? Ang laki kaya ng tiyan ng aming gwardya. Parang palaka ang mokong.

Habang binubuhat namin ni Michael ang pintuan, rinig na rinig at hirap na hirap kami ni Michael lalo na't padyak siya ng padyak rito. Mayroon ring mga konteng lupa-lupa ang nahuhulog dito.

Pinagpapawisan na kami ni Michael.

"Hindi pa ba 'yan aalis?" reklamo ni Michael.

Hindi ako nagsasalita kase makaka-loose lang ako ng enerhiya kapag dadada ako.

Ano-ano'y bigla nalang gumaan ang aming binubuhat. At ang apak na aming naririnig ay palayo na. Hanggang sa wala nang kahit kaonteng bigat kaming nararamdaman pa at wala ng tunog sa labas.

Well, to assure it... Sinilip namin ang labas. Binuksan namin ang pintuan safely at ikinalat ang aming mga mata.

"Wala na siya." sabi ni Michael. Nagaanan ang kanyang loob at nakahinga ng maluwag. Well kaming dalawa 'yun.

Bumalik kami sa loob ng aming hideout. In this condition, it's not safe to go out immediately. Rather wait for an hour before we can safely go out and go home.

Nagtanggal ako ng t-shirt ko dahil pinagpapawisan na talaga ako. Yup! This is me! Mahilig magtanggal ng t-shirt kung saan-saan kapag pinagpapawisan. Just can't I handle the temperature so...

And also, since close kami ni Michael, komportable na kami sa isa't-isa kaya wala ng hiyaan.

Humiga ako sa kama. Napahugot na hininga at natulala. Meanwhile, bigla bigla nalang akong napabangon sa gulat. May exam bukas!

"Pare! Kailangan na nating umalis ASAP. Karamihan sa reviewer ko kase nasa bahay eh bukas na ang exam." sabi ko kay Michael. Habang ako, alalang-ala, siya kalma. Hindi na ako magtataka noh!

"Pare, alam mo kahit hindi ka naman magreview... Kaya mo 'yun eh. Sa talino mong 'yan? Psh. I believe in you! No doubt." sabi niya ng napaka confident. Woah! If I know, aasa na naman siya sa kopya. But tomorrow, you'll know... Ang hirap magcheat! Won't tell now.

"Pare, I still have to review my notes kasi baka may makalimutan ako. Kahit Scan man lang sana." sabi ko naman sa kanya. Hindi naman kase ako Perfect...

Parang ayaw pa niyang umalis kase maaaring mahuli kami nung guard pero parang napilitan din siya na umalis na lang kami. He picks up his bag and walks. Agad naman na akong nagdamit, pinulot ang bag ko at sinundan siya.

Unti-unti niyang binuksan ang pintuan at sinenyasan ako na mag-ingat. Pagkabukas niya, maingat siyang lumabas at sinundan ko naman siya agad. Sinara namin ng maayos ang pintuan ng aming hideout.

Wala kaming nakikitang ilaw mula sa gwardiya o ni kahit ang presensya niya. Naglakad na kami ni Michael pero nag-iingat parin kami kahit papano.

Hindi kami nag-usap para walang tunog o ingay na maririnig. Senyasan lang ang aming naging pag-uusap.

Nagpatuloy kami sa paglalakad palabas ng school.

"Pare!, Sa tingin ko, sa mga rehas tayo dapat dumaan at hindi sa main gate?" pabulong na biglang sabi ni Michael sa 'kin.

"Hindi pwede. Mababasa tayo! " pagtutol ko naman sa sa kanya. Kase, napalibutan ng tubig ang aming paaralan.

"Eh ano? Mababasa tayo o mahuhuli tayo?" sabi naman niya sa 'kin. Napaisip ako at pinanindigan ko ang stand ko.

"We can try! Maaring nasa ibang sulok pa ang guard nag-iikot." sabi ko naman sa kanya. Napakagat siya sa labi at ginala ang mata sa paligid. Hindi nagtutugma ang mga nais namin ngayon, obviously.

"Sige na nga!" sabi niya kaya naglakad na kami at pinamunuhan ko ang paglalakad.

Maingat parin kaming naglalakad ni Michael papalabas ng paaralan.

Malapit na kami sa main gate ng school. At sa main gate na kung saan nakapatayo sa tabi nito ang guard house. Maliwanag na sa paligid dahil may mga ilaw dito sa pathway.

Huminto kami ni Michael at nagtago sa isang pader. Pinagmasdan, kinilatis at inusisa ang sitwasyon. Nakasarado ang pintuan ng guard house kaya marahil nga, wala ang gwardya sa loob. Ginala namin ang aming mga mata sa paligid. Wala rin siya kaya tinuloy namin ni Michael ang paglalakad.

Nakahinga ako ng maayos dahil sa tingin ko, ligtas na kaming makakaalis. Dumerecho na kami ni Michael palabas at malapit na kami sa gate.

Bigla-bigla kaming nakarinig ni Michael ng isang mala-speaker ang lakas ng boses na parang nagmumula sa aming likuran, "Hoy mga bata! Ano pang ginagawa niyo dito?" sigaw niya.

Lumingon kami ni Michael para tignan kung sino ang nagsalita at doon nakita namin si Mr. Froggy. Ang aming gwardiya. Nagtinginan kami agad ni Michael sa gulat at bigla kaming nagtawanan. "Takbo!!!"

Agad na kaming tumakbo palabas ng gate ni Michael habang si Mr. Froggy ay nagdadadada habang hinahabol kami.

"Huhulihin ko kayo at irereport ko kayo!"

"Humanda kayo sa 'kin!"

Nagtawanan lang kami ni Michael habang papalabas ng gate.

Nadatnan namin ang gate na bukas kaya agad kaming nakalabas. Pagkalabas namin, agad naman naming sinara ang gate ni Michael tapos tuluyan ng lumayo, tumakas at umalis.

Natakasan namin si Mr. Froggy. Hindi niya kami nasundan, nga lang... Sana hindi niya maalala ang aming mga mukha.

"That was fun!" sabi ko lang kay Michael. It's so ironic right? Kanina para kaming ano ewan na tumatakas ni Michael at takot na mahuli at kinakabahan. Tapos bigla, para kaming mga bata na hinahabol ng mga magulang namin.

Natawa lang si Michael sa aming pinagdaanan. "Yun si ano eh, Mr. Froggy. Hindi naman pala makahabol. Nagsisigaw pa. ULOL!"

Natawa lang din ako sa tinuran niya. Alam kong loko-loko siya pero hindi ko inaasahang tatawagin niya ng ULOL si Mr. Froggy.

"Sige na! Uwi na tayo. Yung exam" sabi ko naman sa kaniya.

And we finally went home.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon