Wakas

82 3 0
                                    

Wakas

Last Kiss and Goodbye

WILLIAM'S POV:

Isinara na ni Dr. Magallion ang binuksan namin para sa operasyon sa ulo ni JP. Habang ako, naiwang nakaluhod lang dito at nakatunganga. So this is how it works...?

Kapag lumisan ang taong mahal mo, lahat-lahat ng masasayang ala-ala niyo pati ang malulungkot na pinagdaanan, lahat ng importanteng pangyayari na kasama mo siya ay bigla-bigla lahat maglalaro sa iyong isipan.

Nong unang beses ko siyang makita, Nong nagtransfer siya sa paaralan... Tandang-tanda ko kung paano nag-iba bigla ang aking mundo noon.

Sa Laboratory ng aming paaralan noon kung saan niya inayos ang Spongebob puzzle ko na hindi ko maayos-ayos.

Sa Music Room, kung saan nagtapat siya ng kanyang damdamin at sa Music Room na 'yun, don ko siya pinagtabuyan palayo.

Sa Banyo ng Hospital kung saan ulit kami nagkita pagkatapos ng ilang taon kung saan hindi maganda ang kalagayan sa aking mukha.

At sa Monitor Room kung saan niya pinakita sa akin ang resulta ng kanyang MRI scan.

Hanggang sa pagsasabi niya sa 'kin na pupunta na siya sa London pero hindi ko siya pinansin.

Ang lahat-lahat na 'yun, sabay sabay kong naalala habang ang aking mga luha' y tumutulo at ako'y nawawala na sa aking sarili.

"Tapos na." rinig kong sabi ni Dr. Magallion kaya napatingin ako sa kanya. At nasaksihan kong tinakip na nila kay JP ang isang puting tela sa kanyang buong katawan habang inaakap siya ng Chairman.

Hindi nagtagal dumating na ang mga lalakeng nakaputi na naka gloves at may tatak sa kanilang damit na Funeral.

Tumabi ang mga kasamahan ko, pinagmamasdan ang mga lalakeng binubuhat ang katawan ni JP habang napapahagulgol sa gilid si Chairman na inaaalalayan ni Dr. Magallion.

Lumabas na ang ilan habang akay-akay ni Dr. Magallion ang Chairman. "Hindi ka pa ba sasama?" tanong sa 'kin ni Michael. Umiling lang ako habang tinititigan ang hinigaan ni JP.

"Tara na." pagpupumilit ni Michael pero umiling lang ako habang hindi ko namamalayang tumulo na naman ang aking luha.

"Ang sama-sama ko Michael. Ang sama-sama ko!" sabi ko sa kanya habang napahagulgol na naman ako sa iyak habang sinusuntok ang aking sarili.

Bigla ko nalang naramdamang may pumipigil na sa akin kaya lumingon ako. It's Michael. "Tama na. Tama na. Wala kang kasalanan. Walang may gusto ng nangyari Yam."

"Hindi mo kasi naiintindihan Michael. Parang ako na ang pumatay sa kanya. Hindi ako nag-ingat. Wala akong silbing Doctor!"

"Hindi totoo 'yan Yam. Wala na tayong magagawa, nangyari na ang nagyari."

"At sa aking mga kamay naganap ang pangyayari Michael. At pinakita na niya sa' kin noon ang MRI scan pero hindi ko man lang napansin na sa kanya 'yun."

"Kahit sino naman Yam, hindi malalamang kay JP 'yun at tingin mo ba masaya si JP kung ganyan ka umasta? May dahilan siya kung bakit hindi na niya pinaalam ang tungkol sa sakit niya---"

"At anong dahilan 'yun Michael?"

"Na hindi na niya gustong mag-alala pa tayo."

"Tingin mo ba ngayon hindi tayo nag-alala? Hindi na lang tayo nag-aalala ngayon Michael, nasasaktan at nagdurusa."

Agad akong kumawala sa kanyang mga bisig at umalis na sa Operating Room. Tumatakbo pero hindi ko alam kung saan patungo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon