Kabanata 37
Paglisan
WILLIAM'S POV:
"Niccolo!" ani Michael.
Nandito na kami ngayon sa hospital.
"Hello po Tita." tapos nagmano siya.
"Oh ba't kayo naparito? Kumain na ba kayo?" tanong ni Mama.
"Hindi pa tita." tapat lang na sagot ni Michael.
"Eh kase... Gusto naming pumunta rito." sagot ko lang naman kay mama.
"Oh kumain na muna kayo." aya sa 'min ni mama.
"Sure tita!" Si Michael talaga oh!
"Pass na muna ako ma."
"Ha? Bakit?"
"Don't worry tita. Titirhan ko na lang siya." singit ni Michael sa aming usapan.
"Di pa ako gutom." sabi ko naman.
"Sige." sagot ni mama pero palang lumilipad ang kanyang isip.
Inihanda niya ang pagkain at kumain na nga si Michael.
Kinuha ko ang exam result ko at pumunta ako sa tabi ni Niccolo at pinakita ito.
"Wow kuya got all?" sabi niya ng namamangha. I feel so happy that he seems surprised and happy.
Agad namang lumapit si mama sa 'min. "Ano yung got all?"
"Ma, si kuya nagot all ang exam nila." proud na sabi ni Nico kay mama.
Agad naman itong tinignan ni mama at parang maiyak-iyak na.
"Nako tita! Yang luha mo." singit ni Michael tas nagtawanan kami.
"Ang galing-galing mo anak!" bati niya sa 'kin. Nginitian ko lang naman siya. "Eh ikaw Miko?" Miko kase ang tawag ni mama kay Michael.
"Tita, over 100 nakakuha ako ng 93!" pagmamayabang naman niya.
"Nako ang gagaling niyo naman." para lang nasa langit si mama. Eh kase, tinuring na rin niyang anak si Michael kaya.
"Dapat may libre kami tita." hirit naman ni Michael habang kumakain.
"Yang kinakain mo, 'yun na yung libre." sabi ni mama kaya tinignan ko si Michael at tinawanan.
"Eh si Michelle, sana sinama mo na rin dito." sabi naman ni mama.
"Eh kase, pinuntahan niya yung adviser namin, si ma'am Castillo." sagot ko naman.
"Huh? Eh nakita ko lang siya kanina parang hindi naman don pumunta." sabat naman ni Michael sa usapan. Mahilig lang sumabat no?
Nagtaka ako sa sinabi niya. Sabi na nga ba eh, parang nagsisinungaling lang siya kanina. "Baka may dinaanan lang." sabi ko na lang para iwas over think.
"Baka nga." sabi naman ni Michael tas tinuloy ang pagkain.
"Eh tita, saan po ba mage-enroll si Yam?" tanong ni Michael kay mama kaya agad din akong napatingin sa kanya.
"Saan nga ba?" napaisip naman si mama dahil wala pa kasi kaming both idea dahil nga never man lang sumagi sa aming isipan 'yun.
"Tita, sa ano na lang RSD." sabi ni Michael.
"Ayos lang ba sa 'yo?" tanong ni mama sa 'kin.
"Mmm... Sige na ma, kahit saan." sabi ko naman.
Eh saan naman kaya mage-enroll si Mitch? Habang nasa isip ko kung saan mage-enroll si Mitch, bigla nalang din tumakbo sa isip ko kung saan rin kaya mage-enroll si JP.
Pero di ba Yam, kakalimutan na 'yun? Haysss...
JOHN PRIEL'S POV:
I did everything I could para agawin si William pero hindi umobra. Akala ko magiging madali lang dahil narinig ko mismo na mas mahal niya ako kesa kay Mitch but he chooses Mitch over me.
Wala na rin namang purpose para habulin ko pa siya. Wala ng dahilan para ipaglaban pa siya. He started Nobody to me, so he will end up Nobody.
I go straight at home after the conversation I and William had.
"Ser! Naowe na pu kayo?" bungad sa 'kin netong kasamabahay naming bisaya. Nauwi? Yes you heard it right. Kasi lumayas akong bahay pagkatapos akong mapagtampo ni Dad.
"Mom?" tanong ko naman sa kanya.
"I'm here!" she said while she's upstairs looking down at me. I smiled as I see her face again, my mom's beautiful aura.
"Mom!" I shouted.
Agad-agad siyang bumaba marahil ay lubusan siyang nag-alala sa aking paglisan.
"My gosh Son! Where have you been?" nag-aalala niyang tanong.
"Mom I'm okay." pagpapanigurado ko naman sa kanya.
Pagkababa niya agad niya akong niyakap at tinignan ang aking buong katawan.
"Manang prepare some foods!" utos niya sa aming kasambahay.
"Mom I said I'm okay."
"No son, you're not. Pinag-alala mo ako. Nako, sigurado ka bang malinis naman ba ang mga pinuntahan mo? Mga kinain mo? You know you can't eat dirty and can't go polluted places." sabi niya na sobrang naga-alala lang talaga.
"Yes mom." They are just really so protective talaga sa 'kin, especially itong si Mom.
Agad kong inilabas ang exam result ko at ipinakita sa kanya.
"What? Per-perfect score?!" sigaw niya at mukhang sobra niyang saya. "Nako nako! We have to celebrate!"
"Bakit tayo magse-celebrate?" I know whose voice it is. My dad. I and mom look at the door where tge voice is coming from. Confirmed!
Lumapit si Mom papunta kay Dad at ipinakita ang exam result ko. "Our son took perfect score during their exam!"
Lumapit siya sa 'kin. "Saan ka galing?" medyo pagalit niyang tono.
"Dad naging maayos naman po ako." sabi ko naman aa kanya.
"Naging maayos? Your mom cries every night and we almost died sa paga-alala sa 'yo! Kung saan ka pumunta? Kung ayos ka lang ba? O kung buhay ka pa kaya?!" galit na tinuran sa akin ni Dad. Mom is still around and crying.
"Look Dad, Mom, I'm sorry. Pero hindi niyo rin naman po ako masisi dahil ipinilit niyo ako sa isang bagay na hindi ko gusto." rason ko naman.
"It's all for your own sake!" sigaw na sumbat sa akin ni Dad.
"Yes I know. And pumapayag na po ako." Napahinto sila, walang masabi, all in all, the are surprised.
Agad na lumapit sa akin si Mom still crying, holds my hand and she looks at me very sincere. "Sih-sih-Sigurado ka ba anak?"
"Yes mom." sagot ko naman.
They are going to send me abroad to study. Mabigat sa kalooban, ayaw ko man sana subalit kailangan kong gawin para tuluyang makalimutan na rin si William. We are not meant for each other. We deserve someone better. Guess what? Sa America, makakahanap ako ng babaeng nararapat para sa puso ko, para sa pagmamahal ko.
"Good Decision." sabi lang ni Dad. I smile at him. "Please, huwag ka ng maglalayas ulit Priel." Dad calls me Priel.
Tumango na ako kay Dad tapos dumerecho nang kwarto.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomanceAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.