Kabanata 49
Lost I am
WILLIAM'S POV:
I have no choice. Binuhat ko na lang ang mga timba na may kargang mga isda at dinala sa grilling area.
"Ang dami naman!" sabi ng mga kasamahan namin pagkarating ko ron.
"Magaling kasing mamingwit si LEADER." sabi ko naman at tinignan ko si JP. Ngumiti siya sa 'kin. Bakit ngayon ko lang nakikita 'tong side ni JP?
Tumingin lahat sa kanya at "ohhhhwww"
"Ang galing mo palang mamingwit JP." pabebeng sabi ni Fiona. Loka-lokang babae. Hindi parin nagbabago.
Pero magaling nga talagang mamingwit si JP, nabingwit pa nga niya ang puso ko eh.
"Ano na? Magkukwentuhan na lang ba tayo dito?" eto na naman si Tata. Ang hilig sumingit sa eksena.
"I will do the grilling nalang po." sabi naman ni JP.
"Ayh sige JP! Tulongan na kita?" ang harot harot talaga netong si Fiona. Agad siyang hinablot ni Andria sa buhok at hinila papalayo. "Halika na lang dito kaya?"
"Araaaayyy! Tutulong lang naman ako..."
Umalis na ang lahat at naiwan kami dito ni JP. "Ba't andito ka pa?" tanong niya sa 'kin.
"Baka kailangan mo ng tulong?"
Ginala niya ang mata niya sa paligid. Kumamot na naman sa ulo at parang nagalaw ko ang pride niya. "Umupo ka na lang don." sabi niya sa 'kin na parang pinipilit ako na pacute ang pagkasabi pero 'di ko lang maexplain.
"Sihhh-geh?" sagot ko naman. Hindi ako sigurado sa aking tinuran. Dumerecho ako sa isang upuan kung saan bakante, walang tao at may lamesa. Umupo ako don, sinandal ang kamay at pinanood si JP.
Kinuha niya ang mga isda at hinugasan ang mga ito. Tapos linagyan ng asin. Pagkatapos inihanda niya ang uling. Sinindihan ang mga ito tapos pinatay rin. Yung heat lang siguro kailangan niya? Then he starts grilling the fishes. Ang pro niya tignan. Nakakagwapo na magaling siyang mag-ihaw. Hindi naman kasi madali eh. Kailangan lahat kontrolado or else everything will go wrong. Parang ang big deal lang ng pagkakasabi eh.
Going back to JP, nagtataka parin ako at napapaisip kung bakit biglang siyang nagtransform? Pinapaypayan niya ang uling at inaayos ng mabuti ang pagkakaihaw. Tumingin siya sa direksyon ko kaya nagtaas ako ng kilay ko. Pero kumindat lang siya. Tumingin ako sa paligid ko, walang tao. Hoooh! Bakit ganyan siya? Ang lakas ng appeal niya! Shems... Nakangiti lang talaga ako habang tinitignan siya. Nang biglang may umupo sa harapan ko dahilan para maharangan si JP. Tinignan ko siya and it's Michael. Nag-adjust ako pero nag-adjust rin siya. Nag-adjust ulit ako pero sinusundan niya ako kaya napa-kunot noo na lang ako.
"Pano naman si Mitch?" bigla niyang sabi sa 'kin. My world stops for a while. Nahinto ako sa pagkakatingin kay JP at tumingin ng derecho kay Michael. Napalunok ako at kinabahan. Masaya ako na nakikita si JP lalo na't nag-iba siya. But yes, paano naman si Mitch?
"Pare, kung ipagpapatuloy mo lang na mahalin si JP, walang mangyayare lalo na kung hindi ka magiging tapat kay Mitch." His words convinced me and made me realize one thing, 'I am being stupid again.'
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomanceAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.